IX : Opinions

176 4 5
                                    

IX. Opinions

Sofia's Pov

Pasok dito, labas doon.

Ayan nalang ang parati kong ginagawa sa t'wing nakakarinig ako ng bulung-bulungan tungkol sakin. Ano naman kaya ang mapapala nila kung pagtsi-tsismisan nila ako diba?

Hanggang ngayon hindi parin kumukupas ang issue namin ni Cedric. Absent parin siya dahil paniguradong nandoon siya sa ospital kung saan naka-confine si Kath dahil inaalagaan niya 'to.

Nandito ako ngayon sa library, mayroon kasi kaming assignment sa isang subject at kailangan kong magbasa ng libro tungkol doon. Nagiisa tuloy ako dahil nasa cafeteria si Krizzia, wala akong makausap, wala ring lumalapit sakin.

Biglang pumasok sa isip ko si sir Vin, napatingin ako sa lalaking nakaupo ngayon sa dati niyang inuupuan bilang tagapamahala ng library.

Napangiti ako ng mapait.

Sa ngayon hindi ko na muna iniisip ang lahat ng mga nangyari. Gusto kong irestart muli ang isip ko, ayokong imulat ang sarili ko sa mga nakikita't naririnig ko. Gusto kong bumalik ulit sa dati. I want a new beginning.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng maramdaman kong may umupo sa harapan ko, hindi ko ito inintindi at nagpatuloy lamang ako sa pagbabasa.

"Ang sipag mo naman magbasa," ani niya, hindi parin ako natitinag sa binabasa ko, kahit sa totoo lang ay kanina pako nadi-distract sa kanya, hindi ko tuloy maintindihan ang binabasa ko.

"Com'on Sofia, I can be your friend, hindi naman ako naniniwala sa mga tsismis nila e, alam ko namang hindi ka ganun dahil ang bait bait mo, diba?" napaangat ako ng tingin, and there I saw Jenelyn, my classmate.

Ngumiti ako sa kanya, hindi ko alam kung maniniwala ako sa mga sinabi niya, ngayon lang niya ako nilapitan kahit na magkaklase kami at ayon ang ipinagtataka ko.

"There, ngumiti ka rin. So, friends?" sabi niya at inilahad ang kamay sa harap ko. Tinitigan ko muna ang mukha niyang nakangiti, saka ko iniabot ang kamay ko.

"Friends." then we shake hands.

Tama ba 'tong ginawa ko? Sa mga nangyayari ngayon mahirap na magtiwala sa mga kaklase ko dahil baka isa sa kanila ang pumapatay.

"Don't worry, I'm harmless you know." sabi niya pa na natatawa, I just smiled at her.

--

Nandito na ako ngayon sa office ni Ms. Mateo, may gusto akong itanong sa kanya. Nalaman ko kasing nagtrabaho pala siya dito dati, baka alam niya ang mga sagot sa mga bumabagabag sakin.

"Yes Sofia? May kailangan ka ba?" tanong niya sa akin, ngumiti ako at umupo sa upuan sa harap ng table niya.

"May itatanong lang po ako,"

"Go ahead."

Inisip ko ang mga nangyari nitong nga nakaraang linggo, si Dean, anong koneksyon niya kay Kier? At bakit galit na galit si Dean sakin?

"Uhh, ma'am, kilala niyo po ba si Dean? The son of the owner of this school," I asked.

"Dean? Oh, si Dean Madlum. Yeah, I know him. Naalala ko tuloy bigla 'yung magkakaibigan na 'yun." kumunot ang noo ko sa narinig at napansin yun ni Ms. Mateo.

"I got you. Okay, sina Dean, Kier, Marvin at Tope ay matalik na magkakaibigan since elementary. Hindi sila nagkakahiwalay ng section dahil pag nasa ibang section ang isa, gagawa at gagawa sila ng paraan para maging magkakaklase. Close na close silang apat, magkakapatid na ang turing nila sa isa't-isa. Ang gugwapo pa nilang apat kaya naging habulin sila ng mga babae. Si Kier, siya ang pinaka mabait sa kanila, I mean, siya yung bubbly na tao, mabilis mo makasundo, pero pag nagalit siya, wala na siyang papakinggang iba, kung saan siya naniniwala, iyon at iyon ang papaniwalaan niya. Si Dean naman, playboy type siya pero mabait 'yan, alam mo nagtataka nga ako dahil parang ibang Dean si Dean na bumalik, oh well, people change. At yung dalawang natira naman na si Marvin at Tope ay parehong matalino pero mga basag ulo type sila. Pero nawasak silang magkakaibigan matapos ang gabing 'yun. Broken hearted si Kier dahil nakipag break daw ang girlfriend niya sa kanya, bigla nalang nagyaya ng inuman at nauwi sa disgrasya ang lahat. Nahulog ang sinasakyang kotse ni Kier at Dean sa bangin at nabangga naman sa puno ang sinasakyan nila Marvin at Tope.  Sina Marvin at Tope ang naligtas samantalang sina Dean at Kier naman ay hindi matagpuan dahil sa malalim na bangin sila nahulog. Natagpuan si Kier ngunit hindi na ito makilala sa sobrang sunog ng katawan nito dahil sumabog ang kotseng sinasakyan nila ni Dean kaya inilibing na agad ito, wala si Dean sa kotseng sumabog kaya baka raw nakaligtas ito at heto na nga si Dean, nakabalik na siya."

Black Section [ON HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon