X : Punishment

150 3 2
                                    

X. Punishment

Sofia's Pov

Nagkasundo-sundo kami nila Ulysses at Sue na magtutulungan kaming tukuyin ang killer, narito narin sina Cedric at Kath at tutulong din daw sila sa amin.

Nawala ng parang bula ang mga bulungan tungkol sakin, siguro dahil nakita nilang magkasama parin sina Cedric at Kath, mabuti naman at natauhan narin sila.

"Sofia! Ano 'yan kayo lang? Hindi niyo ako isasali? Matapos ang lahat? Ang pagkakaibigan natin?" nagmamaktol na sabi ni Krizzia, ang drama! Dinaig pa ang MMK.

"Are you sure na gusto mong tumulong? Nakataya na ang buhay mo kung tutulong ka. See, Krizzia, ayaw kitang mapahamak dahil best friend kita." sabi ko, I can't bare to lose her, she's like my sister.

"Simula ng mapunta tayo dito sa Black Section, nakataya na ang mga buhay natin, kailangan nating magtulungan para malutas 'to." sabi niya, sabagay may punto siya kaya tumango-tango nalang ako.

Kinaumagahan, na-late ako sa pagpasok kaya't binilsan kong maglakad upang makaabot sa flag ceremony at buti nakaabot pako dahil magsisimula palang.

Natapos ang flag ceremony at pinapasok na kami sa aming mga room.

Nakasabay ko sa paglalakad si Trixie, ang best friend ni Jenelyn na hanggang ngayon ay hindi parin natatagpuan.

"H-hi." nahihiyang sabi ko, humarap lang siya sa akin at ngumiti bilang tugon. Nalulungkot siya sa nangyari sa kaibigan niya.

Nakapasok kami sa room namin at pumasok ang principal ng school.

"Good morning, nais ko lang sabihin na natagpuan na si Jenelyn De Vera." walang kumikibo sa amin, natagpuan na pala siya, buhay kaya? O.. patay?

"Jenelyn's alive! Right ma'am? She's alive right?" masayang sabi ni Trixie, she loves Jenelyn so much, I can see that.

"Sad to say, no. She's dead, hati ang ulo niya ng matagpuan ng isang estudyanteng napadaan sa isang abandonadong hospital. Sana'y hindi makalabas ang nangyari, maaasahan ko ba kayo? Black Section?"

"What?! No!! Ano hahayaan niyo nalang 'yun?! Hindi niyo ipapahanap ang pumatay kay Jen?! That's fvck!"

Trixie's Pov

I can't believe it! Talagang iniisip muna niya ang impyernong eskwelahan na 'to kesa sa mga buhay namin?! Anong klaseng principal siya?!

"Trixie calm down!" kuya Tristan said but I can't just calm! Si Jenelyn ang pinaguusapan dito! Ang best friend ko!!

"How dare you said those things to me?! Studyante ka lang! Principal ako dito kaya dapat irespeto mo ako! Kayong lahat! Dahil ginalit niyo ako, ang kasalanan ng isa ay kasalanan ng buong section niyo! Maghintay kayo sa parusa ko!" she said the she stormed out of the room.

"LIKE WE CARE!" sigaw ko pa.

I'm angry, yes at hindi ko mapigilan ang sarili ko kapag nagagalit ako.

"I said calm down!" sigaw ni kuya Tristan, umupo ako sa seat ko at hindi ko maiwasang hindi maluha, si Jen.. ang tanging kaibigan ko simula first year, ang babaeng masikreto pero pinagkakatiwalaan niya ako, wala na siya, patay na siya.

Pinatay siya ng isang demonyo!

"Sshh, it's okay. Everything's going to be okay." tumango-tango ako sa sinabi ni kuya.

Sue's Pov

Nasundan na naman ang namatay, parang nung isang araw lang, magkasama pa si Dean at Jenelyn habang naglalandian, pero ngayon, wala na si Jenelyn.

Black Section [ON HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon