II : Sir Vin

349 11 7
                                    

II. Sir Vin

John Lorence's Pov

"Papatayin kita.."

Fcking sht! How I wish na sana hindi nalang ako nagpunta sa room na'yon! Pero si Cedric ang nagtext sakin diba? Ibig sabihin kilala niya ang taong yun dahil nasa kanya ang phone ni Ced? o magka-sabwat sila dito?!

"Seryoso ako Lorence, huwag mong gawing biro ang sinabi ko kung ayaw mong matulad kay sir librarian,"

"Sino kaba?!" kinakabahang tanong ko, hindi ko makita ang mukha niya dahil natatakpan ito ng hood ng suot niyang jacket na itim.

"Malalaman mo rin kung sino ako pero hindi pa sa ngayon."

Kahit takot na takot na ako, lumabas parin ako ng silid na 'yon para makatakas, sino ba ang hinayupak nayon?! At anong ginawa niya kay sir Vin?!

Tumakbo ako ng mabilis para makarating agad sa room namin, kailangan kong makausap si Cedric.

Nakarating ako agad at pumasok sa loob, lahat sila tahimik kaya nagtaka ako.

"Ba't ang tahimik niyo? may nangyari ba?" tanong ko sa kanila, matalim ang tingin sakin ng iba kong kaklase dahil hindi ako naglaro ng maayos, aba! kasalanan ko bang hindi ako sanay na natataya? tss.

"Wala na si sir Vin." nagulat ako sa sinabi ni Sue, ibig sabihin--?

"Pinatay siya," hindi nagbibiro ang taong 'yun?

"A-anong nangyari kay sir?" tanong ko. May nilabas na litrato si Krizzia at binigay ito sakin.

Napatakip ako sa bibig ko ng makita ko ang larawan at bigla kong naalala ang mga sinabi niya kanina sakin.

"Seryoso ako Lorence, huwag mong gawing biro ang sinabi ko kung ayaw mong matulad kay sir librarian."

Napaupo ako. No, hindi pa ako handang mamatay, I can't bare to death kung hindi ko pa nakakasama si Aly.

Author's Pov

Napaupo si Lorence dahil hindi na niya kinaya, sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya.

"Lorence! are you okay? namumutla ka." nag-aalalang tanong ni Alyssa, may gusto rin si Aly kay Lorence pero gusto niya na itago nalang ang nararamdaman niya para dito dahil baka hindi siya gusto nito.

"I-im o-okay." nauutal na sabi ni Lorence, sa loob-loob niya ay sobrang saya niya dahil nag-aalala sa kanya si Aly. Biglang nawala ang mga inaalala niya ng makitang nasa harap niya ang babaeng gusto niya at nag-aalala sa kanya.

"Hindi ka okay eh, I can see it. Tara punta muna tayo sa clinic para makapag-pahinga ka." nakangiting sabi sa kanya nito, napatango nalang siya at inakay na siya nito papuntang clinic.

Dumating ang uwian at wala ng natirang studyante sa loob ng kanilang silid, maliban sa isang tao.

"Hindi kayo magiging masaya Black Section, gaganti ako, maghihiganti ako!" nanggagalaiting sabi nito.

Maya-maya pa, may pumasok na isang studyante sa silid ng Black Section.

Killer's Pov

"Ba't ngayon ka lang?!" sigaw ko sa kanya.

"Sorry na! inutusan pa ako sa amin eh." pagdadahilan niya, inirapan ko nalang siya. Tss.

"Teka, I'm sure na ikaw yung pumatay kay sir Vin, bakit mo siya pinatay?" tanong niya sakin.

"Nahuli niya tayong nag-uusap! Ano gusto mong gawin ko? tss." naiinis na sabi ko, nabubwisit lang ako pag naalala ko yun eh.

"Oh, ano na ang next plan?" naka-ngiting sabi niya, I stood up. Sinabi ko sa kanya ang mga dapat niyang gawin.

Black Section [ON HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon