III : Warning

310 10 2
                                    

III. Warning

Sofia's Pov

Kakauwi ko lang galing sa bahay ni Mrs. Ocuangpo, hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa mga sinabi niya sakin.

[Flashback]

"Dahil iniibig ka niya hija, mahal ka ni Vin." napatingin ako kay Mrs. Ocuangpo dahil sa sinabi niya.

Magsasalita na sana ako ng bigla ulit siyang magsalita. "Sa tingin mo ba, papayagan ko siyang magtrabaho bilang librarian? Mayaman kami kaya hindi ko siya pinagtatrabaho, pero dahil sa makulit siya, pinayagan ko narin. Hanggang sa nalaman ko ang dahilan kung bakit siya nagtrabaho bilang librarian sa school na pinapasukan mo, dahil pala sayo." napangiti siya.

"Mula noon, lagi ka na niyang kinukwento sakin, palagi ka niyang pinagmamasdan sa malayo, buo na ang araw niya kapag nakikita ka niyang nakangiti. Simula nang mag-aral ka dun, lagi ka na niyang sinusubaybayan. Hanggang sa nangyari 'to, ang bata niya pa para mamatay." dagdag pa niya, nalungkot ako sa huling sinabi niya. Bata pa talaga si sir para mamatay, he's only 18 years old, 2 years ang pagitan namin.

Nagpapasalamat ako sa kanya dahil pinaramdam niya sakin ang pagmamahal ng isang kapatid-- para sa akin. I feel bad for him dahil kapatid lang talaga ang turing ko sa kanya.

[End of Flashback]

"Sophy.."

"Sophy.."

I smiled when I see kuya Vin walking towards me while calling my name. Si kuya Vin lang ang tumatawag sakin ng 'Sophy'.

"K-kuya.." sambit ko ng nasa harapan ko na siya, nakangiti siya sakin, maaliwalas ang mukha niya, ang gwapo niya.

"I'm sorry my Sophy," sabi niya sakin. Napaiyak ako, sobrang saya ko dahil nakikita ko ulit ngayon si kuya.

"I-its okay kuya, wag mo na ulit ako iiwan ha?" sabi ko, pinunasan ko ang mga luha ko.

Bigla naman siyang yumuko, tila lumungkot ang mga mata niya.

"I'm sorry, pero hindi rin ako magtatagal." naiyak na naman ako, ayokong mawala ulit siya sakin.

"Sophy, look at me." sinunod ko naman siya at tumingin ako sa mga mata niya.

"Please take care of yourself, kailangan mong mag-ingat, hindi mo sila mapipigilan sa paghihiganti nila." nagulat ako sa mga sinabi niya.

"Nila? sino sila kuya?" tanong ko, pero unti-unti na siyang lumalayo sakin, sobrang liwanag ng nasa likuran niya kaya nasilaw ako.

"I love you Sophy, and I'll always will." huling mga salitang narinig ko sa kanya bago siya tuluyang lamunin ng liwanag.

**
"Sofia! gising!" napabalikwas ako, panaginip lang pala, akala ko totoo na.

"Nananaginip ka anak, heto uminom ka muna ng tubig." sabi ng mama ko at inabutan ako ng isang baso ng tubig, ininom ko ito at ibinalik sa kanya ang baso. Uhaw na uhaw ako.

"Thanks ma," sabi ko, tumango siya sakin at lumabas na ng kwarto ko.

Anong ibig-sabihin ni kuya Vin?

Shine's Pov

All my life, I'll always wanted to have a complete family, a complete life. Namatay ang mommy ko pagka-panganak sakin, my daddy died in an accident. Mukhang itinadhana na akong mag-isa.

Aanhin ko pa ang mga meron ako ngayon kung wala na ang mga magulang ko? I don't need all this, I need a family who will guide me, take care of me, and will love me unconditionally. I sighed.

Black Section [ON HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon