Alana flipped the next page of the Biology book she was reading. Malapit na naman ang exam at kailangan niyang mag-review para mataas ang grades niya. Her Dad expected so much of her dahil nasa lahi nila ang pagiging doktor. But she wouldn't study this hard just because her father wants her to. Gusto niya din talagang maging doktor balang araw.
She wants to distinguish herself apart from the Alvadrez family name. Gusto niyang makilala siya bilang doktor na may malasakit sa kapwa. She doesn't want to make everything about money, being a doctor is more than money for her.
Her phone pinged again pero hindi niya iyon pinansin dahil busy siya. Bahala man kung sino ang message ng message sa kanya. It's just 3 people she was expecting to text her. It would either be her Dad or her Mom. Ikatlo ay ang fling at current fuck buddy niyang si Trish.
"Ang sipag naman ng girlfriend ko."
She looks up at agad na kinunotan ng noo ang babae humawak sa braso niya at hinaplos haplos iyon. It was Trish. Madalas nitong sabihin na girlfriend niya ito, kahit ilang beses niyang sinabi na hindi dahil wala siyang nararamdaman para dito kundi tawag lang ng laman. But Trish is persistent kaya hinayaan na lang niya.
"Shut your mouth, Trish. Baka makarating kay Dad."
Lumingon siya sa paligid para tingnan kung andiyan ang pinsan niya. Kapag makarating kasi sa Dad niya ang pagkakaroon na naman niya ng girlfriend ay siguradong i-c-cut na naman nito ang allowance niya and she couldn't let that happen. Not until she graduates Med School.
Mabuti na lang at walang tao sa lugar na iyon. Tago na kasi ang parte na iyon ng school. Nasa likod sila ng Med Building at nakaupo sa bench na nasa ilalim ng puno. Madalas din tambayan ng mga estudyante dahil nga may mga benches doon at may lilim. It was a perfect spot for studying or if you just want to be alone. Sa ngayon ay walang mga tao doon.
Ngumuso ito. But nonetheless. Trish zipped her mouth and sat beside her. Nilalaro laro nito ang buhok niya na ikina-kunot ng noo niya. She can't concentrate on what she was reading dahil sa ginagawa nito.
Lumingon siya dito at agad na hinawakan ang kamay nito.
Napangiwi ito sa higpit ng hawak niya sa kamay nito. Pumintig ang ugat sa sentido niya. "Pinagpapasensiyahan lang kita, Trish."
Huminga siya ng malalim at tinitigan ito ng masama.
Napanganga naman ito. "I-I'm sorry, Al. I---"
Sa sinabi nito ay napataas ang kilay niya. Maybe it's the right time to tell her. Ayaw niya na dito. Nag sasawa na siya sa pagiging clingy nito at sa pagiging possessive.
"Get lost. I don't want to see you again, ok? Tapos na ang kung ano mang meron tayo." Marahas na binitawan niya ang kamay nito at hindi na ito nilingon pa. She heard a sob from Trish's lips pero hindi siya natinag.
Sa umpisa pa lang ay nilinaw na niyang hindi siya nag g-girlfriend. Kung hindi nito iyon maintindihan ay sigurado siyang mababa nga talaga ang pang unawa nito at hindi ganun katalino. She never do feelings. It was just lust and nothing more.
"I hate you!"
Nilingon niya ito ng tumayo ito pero hindi niya inaasahan ang marahas pag angat ng kamay nito. Trish slapped her before running away.
Her cheeks tingled in pain. She cursed under her breath and held her cheeks. Siguradong mapula na iyon. Ramdam niya kasi ang bigat ng kamay nito. Mukhang inubos nito lahat ng inis at galit nito sa sampal na iyon.
Alana wetted her lips. Mabuti na lang at wala siyang nalasahang dugo. Her father will ask her about it again.
Nakakainis naman kasi ito. Pwede namang maupo sa tabi niya at wag siyang istorbuhin. Bakit kailangan pa nitong kulit kulitin siya?
Alana sighed and stood up. Her concentration and focus in studying got interrupted. Might as well go back to the classroom. Pinagpag niya ang suot na black slacks at inayos ang suot niyang white blouse. Saka niya kinuha ang lab coat niyang ipinatong niya kanina sa gilid ng kinauupuan.
Kumunot ang noo niya nang may makita siyang babae na nakatingin sa kanya. The woman is actually beautiful. Kaya naman ngumiti siya dito. She used the most endearing smile she could pero nahiya ata ito at agad na yumuko.
Before Alana could call her and ask for her name ay nagmamadali na itong umalis kipkip ang tatlong libro na dala dala nito.
"New target?"
She knew that voice. Kunot ang noo na nilingon niya ang pinsan niya. Damn it. Nakita kaya nito ang nangyari kanina?
"Shut up, Ryan." Hindi niya ito tiningnan.
Isinabit niya ang bag niya sa balikat at umalis sa harap ng pinsan. Tumawa ito pero hindi na lang niya pinansin. Sigurado na siyang pag uwi niya ay may sermon na naman sa Dad niya. Mukhang nakita nito kanina ang nangyari, ang sampal sa kanya ni Trish at ang pag ngiti niya dun sa babaeng may dalang libro.
Ipinikit niya ng mariin ang mata niya at hinilot ang sentido niya. She knew it. Dapat bang wag muna siyang mag karoon ng kahit anong relasyon hangga't nag aaral siya ng pagiging doktor? But she could take her father's slapped and his sermons. Ang technic lang naman ay ipasok sa isang tenga at ilabas sa kabila. As for the slapped, sanay naman na siya.
----------------------
"Ano na naman ang ginawa mo, huh?" Her father's voice boomed all over the house pag pasok pa lang niya sa pintuan ng malaking bahay na itinayo pa noong panahon ng mga Kastila.
Their house is centered on the town of San Victores sa gitna ng probinsiya ng Atega. Isa ito sa pinakamalaking lumang bahay na bato na nakatayo pa din hanggang ngayon. Her father used to boast about it to her friends lalo na sa Mayor ng San Aguinaldo. Ang katabing bayan sunod sa kanila.
"Hindi ka ba talaga titigil sa pag gawa ng kasalanan?! Alam mong hindi yan pinapahintulutan ng simbahan!
Natakot ata ang mga katulong pati na ang driver na naghatid sa kanya pauwi kaya nag sialisan ang mga ito sa harap ng Dad niya. Her mother came running down the stairs at agad na lumapit sa tabi ng Dad niya. Her mother wore a worried expression on her face habang palipat lipat ang tingin nito sa kanilang mag ama.
"Hello to you too, Dad." Deri-deritso siyang pumunta sa couch at inilagay doon ang gamit niya.
Pero kagaya nga ng inaasahan niya. Lumapit ito sa kanya at sinampal siya.
Napangiwi siya. Her father slapped her on the exact same spot that Trish slapped her earlier. The sting was so intense it started throbbing. Napapikit siya ng mariin. Hindi pa nga nawawala ang hapdi sa pisngi niya ay dumagdag na naman.
"Leandro!" Her mother quickly got to her side at sinuri ang mukha niya. "Ang pula ng sampal mo sa anak natin!"
"Wag kang mag alala Mom. Sanay na ako."
Alana took the books she borrowed from the library. She excused herself to her doting mother at nilagpasan ang Dad niyang nanlalaki ang butas ng ilong habang nakatingin sa kanya.
"Alana...." Her mother followed her. "Lagyan man lang natin ng yelo ang pasa mo."
Umiling siya at sarkastikong ngumiti sa Dad niya. "Hayaan niyo na para malaman ng mga tao na sinasampal ako ng Dad ko. Madungisan man lang ang pangalan na inaalagaan niya."
Sa sinabi niya ay naramdaman niya agad ang init ng titig nito. Her father also closed his fists tightly. Bago pa siya nito masampal ulit o mas malala pa ay dali dali siyang umalis sa harap nito. Her mother also quickly stopped her father nang aktong susundan siya nito.
Pabalibag na isinara ni Alana ang kwarto niya at itinapon ang libro sa higaan niya.
Humanda sa kanya bukas si Ryan. Alam niyang ito lang naman ang nag susumbong sa Dad niya. Inggit na inggit siguro ito sa kanya dahil mas gusto siya ng naging girlfriend nito noon. Yes, sinulot niya ang girlfriend ng pinsan niya but she doesn't care. She wants the girl and she gets what she wants.
BINABASA MO ANG
Of Love and Politics I: Juego Limpio - Completed
RomanceAlana Alvidrez is a lesbian, but her father Leandro Alvidres doesn't approve of it. Lagi siyang nagkakapasa dahil sa sampal nito sa tuwing nababalitaan nitong may bago siyang girlfriend. But everything was bearable for her dahil kay Helen. But when...