"Al!"
"Hi." She waved her hand to Henry nang madaanan niya ito. He was the man her father was pushing for her to get to know. Ilang beses na din itong nagpapahiwatig na gusto siya nito kahit sa mga gathering lang sila nag kikita.
Nagpaling linga siya para hanapin si Helen. Ang bilis naman kasi ng babaeng iyon. She saw a glimpse of a mustard t-shirt and the same back she knew among the corner.
"Ngayon lang kita nakitang mag gala ah? What brought you here?" Henry blocked her way.
Pumintig ang ugat sa sentido niya at kumunot ang noo habang nakatingin dito. Helen could be waiting for her. Hindi naman nito kabisado ang lugar at sa dami ng taong ito ay baka matagalan pa siya sa pag hahanap sa dalaga.
"Ano bang paki mo, Henry?"
Napanganga ito at saglit na napakurap kurap. Mukhang hindi inaasahan na susungitan niya ito. She was just tolerating him before at hindi talaga siya nagpapakita ng askad ng ugali niya dahil nga nakikita siya ng Dad niya. Pero wala sila sa pag titipon at istorbo ito.
Hindi na niya inantay na makasagot ito at deri-deritso na siyang pumunta sa lugar na nakita niya kanina si Helen.
"Helen---"
Pero napatigil siya nang makitang nakikipag usap ito sa Mayor ng San Aguinaldo. It was Alejandro Saavedra. Agad na dumilim ang mukha niya. Mukha kasing takot na takot si Helen dito. Helen is pale and her eyes are shaky habang nakatingin sa Mayor. He was also holding Helen's arms.
She also knew the reputation the Mayor had in his town. Simula nang maupo ito ay talamak na ang drug cases sa San Aguinaldo at maraming na-r-rape at patayan. But the Mayor had overlooked all of it in his term. It seems he also hold the police in his palms.
But she knew better than to meddle in their affairs.
"Helen."
Mayor Saavedra let go of Helen's hands at ngumiti sa kanya. "Oh. What is Alvidrez's only daughter doing here?"
Tama ito. She was the only daughter of her father dahil ang dalawa niya pang kapatid ay parehas na lalake. She was the youngest. Ang panganay niyang kapatid na si Darius ay kasalukuyang nag aaral ngayon sa America at nag m-masteral. Samantalang ang ikalawa naman na si Nathan ay resident doctor sa prestihiyosong Grandiosa Santa Valiente Hospital.
She quickly forced a smile. "I'm just trying the hot spring with my friend." Ibinaling niya ang tingin kay Helen. She smiled encouragingly at the latter. "Tara na?"
Mayor Saavedra saluted at them. "Enjoy."
"Dad! Tara na!"
Napatingin sila sa babaeng kumapit sa braso ng Mayor. It was Lily Saavedra. Nag iisang anak nito.
Lily looked at them. Agad niyang napansin ang suot suot nitong kwentas dahil lock heart iyon na halatang gawa sa ginto. It was so striking dahil sa suot nitong crisp white shirt. Nakasuot din ito ng white tennis skirt na umabot lang sa kalahti ng hita nito na tinernuhan naman nito white slip-on sneakers.
Kumaway ito sa kanya at tumingin ito kay Helen na ngayon ay hindi na mapakali. Alana closed her lips firmly at hindi siya ngumiti man lang dito. That brat had been looking at her lately in gatherings at mukhang na-c-curious ito. Maybe because of the incidents in the bathroom before na nakita nito. She just shrugged it off. Hindi niya din naman talaga ito pinapansin kahit na close ang Dad niya sa mga Saavedra. Lalo na kay Mayor Alejandro. She was just civil with them dahil na rin sa utos ng Dad niya.
"Let's go Helen."
Lily's face looked disappointed lalo na nang hilain niya na palayo si Helen. But she doesn't care. Ang mahalaga sa kanya ng mga oras na iyon ay maialis si Helen sa isang hindi kumportableng sitwasyon. Mabuti na lang at nakalakad na si Helen dahil habang patagal ng patagal na nasa presensiya ito ng Mayor ay hindi na nito maihakbang ang paa palayo.
Nang makalayo sila ay hinawakan niya ang kamay ni Helen and she found out how cold it was. Helen's hands are also sweaty.
"Ayos ka lang ba?" May pag aalala sa boses niya nang silipin niya ang mukha nito.
Helen bit her lip. "A-Ayos lang ako."
"Wag kang mag sinungaling sakin Helen. You looked pale, shaky and cold. Natatakot ka ba sa Mayor ng San Aguinaldo? Kilala mo ba siya?" Sunod sunod na tanong niya dito. "I understand dahil alam naman lahat ng mga taga San Victores ang reputasyon niya. I was just tolerating them dahil kay Dad."
Helen forced a smile. Napaangat tuloy ang kaliwang kilay niya.
"O-Oo nga eh. N-Nagulat nga ako ng hawakan ako sa kamay."
She sighed. Mukhang nagustuhan ng Mayor si Helen. Maganda naman talaga ito at hindi na siya magtataka kung may makakapansin dito. Helen is tall with 5"6' inches. Maamo ang mukha nito at malambot ang itim at tuwid na tuwid nitong buhok.
"Wag ka nang lalapit ulit dun ha?" She suddenly felt so protective of Helen. "Kung gusto mo ihahatid sundo na din kita lagi. So you can feel safe."
"Alana." Napahinto ito at tinitigan ang mukha niya. Helen was searching her eyes.
Ngumiti naman siya dito but her smile turned into worry nang makita ang lungkot na sumilay sa mukha nito.
"W-What's wrong Helen?"
Umiling ito at agad na tumalikod sa kanya. "Asan ba ang hotspring?"
Though she wants to press Helen for an answer ay hindi na lang niya isinatinig. There were still things she didn't know about Helen but she was willing to be patient with her. Ito ang babaeng gusto niya dahil matalino ito, malambing, maasikaso at masarap kausap. That's all she knows pero yun ang basehan niya para tuluyang mahulog dito.
Sumunod na lang siya dito at hindi na lang nagsalita pa. They asked for directions to the hotspring at bago sila makarating doon ay may nadaanan silang shop ng mga bikini at souvenirs sa gilid.
"Ang tarik!" Helen laughed and smiled at her nang muntikan na siyang madulas pababa ng hot spring. Madami silang kasabay pababa and they choose the first hot spring dahil kakaunti lang ang nagpupunta doon. There are a lot of hot springs scattered all over the resort at nagpapasalamat si Alana na hindi nag punta sa unang hot spring ang mag amang Saavedra.
"H-Helen!" Napahawak siya sa balikat nito nang muntik na naman siyang madulas.
Tawa lang ito ng tawa habang inaalalayan siyang makababa. Mukha kasing sanay sanay ito at maingat sa pag baba. May mga nakalagay namang kawayan sa lupa bilang pamigil sa hagdan hagdan pero hindi niya talaga makuha ang tamang pag hakbang doon.
Nang makarating sila sa hotspring ay putikan na ang suot suot niyang blue colored short shorts at flowered off-shoulder flare crop top. Samantalang ito ay ang linis tingnan.
"Unfair." Yun agad ang sinabi niya dito nang makapamili sila ng pwesto sa hot spring na may kalayuan sa ibang guests. It was in the corner at hindi sila masyadong kita kahit sa entrance.
Nakakunot ang noo na nilingon niya ito. Helen was laughing her ass off habang nakatingin sa suot suot niyang damit.
And a naughty idea came into her mind. Unti unti siyang lumapit dito. Tumili ito habang tumatakbo palayo sa kanya. Nang maabutan niya ito ay agad niyang ipinahid ang putik na nasa damit niya sa mukha nito.
"Al!" Helen laughed while trying to fend off her attacks.
Natawa siya nang makitang punong puno na ng putik ang mukha nito. But she didn't expect that Helen would retaliate. Kumuha ito ng putik sa lupa at tinapik ng buo sa noo niya. Napapikit siya.
"Helen!"
Ipinikit niya ang mga mata dahil baka pumasok ang ibang putik sa mata niya. Pero natigilan siya nang hawakan nito ang pisngi niya. Before she knew it. Helen's lips are pressed on hers.
Biglang lumakas ang tibok ng puso niya at tila ayaw nun mag paawat. Dumadagundong sa tenga niya ang lakas ng tibok nun. Parang mapupunit ang ngiti niya pagkatapos nitong humiwalay sa kanya.
BINABASA MO ANG
Of Love and Politics I: Juego Limpio - Completed
RomanceAlana Alvidrez is a lesbian, but her father Leandro Alvidres doesn't approve of it. Lagi siyang nagkakapasa dahil sa sampal nito sa tuwing nababalitaan nitong may bago siyang girlfriend. But everything was bearable for her dahil kay Helen. But when...