Muling nag abang si Alana sa pag bukas ng club. Pagkatapos ng klase niya ng hapon ay dumiretso na siya agad doon. Nagpalit lang siya ng damit niya. She waited until the sun goes down and the night came. Deri-deritso siyang pumunta sa room service.
Nakakunot ang noo nung unang bouncer. "Ms Alvidrez. Mukhang nagustuhan mo ang kakaibang room service namin ah?"
Hindi siya nag salita sa sinabi nito. She took the folders and flipped it to the page she wanted to see the most. "Is she available?"
Itinuro niya ang litrato ni Helen. Nagkatinginan ang dalawa at nag tawanan.
"It seems like all you wanted was to meet her. Pero tip lang to sayo Ms. Mayor Saavedra is a jealous lover. You should be careful."
Parang kinurot ang puso niya sa sinabi nito but she didn't let it faze her.
Ngumisi siya. "I am careful. Don't worry at hindi ko naman aaraw arawin puntahan ang club niyo. I just wanted to have more fun since the last one game me an outstanding performance."
Pero ang totoo ay nag kwentuhan lang sila ni Elena hanggang umaga. The woman told her na umaasa itong sa pag papatayo ni Mayor Saavedra ng foundation for gifted children ay isa sa mga kapatid nito ang makasama. She hoped too na para nga talaga sa mga bata ang gagawing foundation but she had known the Mayor to have quite a reputation. Pero hindi niya na lang sinabi kay Elena dahil ayaw niyang masira ang kaunting pag asa na meron ito sa puso nito.
"Available naman ngayon si Helen. Pag bigyan na natin si Alvidrez. Malaking isda din yan eh. Sayang ang kita."
She pursed her lips and didn't say anything. Binigay sa kanya ng mga ito ang room key number 13 nang magbayad siya.
Kumabog nang malakas ang dibdib niya habang papalapit siya ng papalapit sa room na iyon. Tila nag e-e-echo sa hallway ang tunog ng sapatos niya. Her sweat started to drip down her chin nang makalapit siya sa pintuan. She swallowed the lump in her throat. Finally, after almost 1 month. Makikita niya na ulit si Helen.
But she doesn't know what she'll say. Tatanuningin niya ba ito kung paano ito napunta sa ganitong klase ng trabaho? Or she'll just hug Helen and tell her to escape this place?
Huminga siya ng malalim bago niya pinihit ang seradura. She entered the room first and locked it. Bago siya nag angat ng tingin. There Helen stood like she had seen a ghost. Maputlang maputla ito sa liwanag ng ilaw na kulay puti.
Kumunot ang noo niya nang tila hindi man lang ito masaya na nakita siya. Samantalang para siyang mamamatay na hindi niya ito nakita.
"W-What are you doing here, Al?" Dinig niya ang panginginig sa boses nito.
"Hindi mo ba ako na-miss?"
"Al. You shouldn't have looked for me. Delikado ang ginagawa mo! Mayor Saavedra might see you."
Bumaba ang tingin niya sa braso at legs nito. Agad na kumulo ang dugo niya. Damn it! He wasn't just a jealous lover. He was also brutal! Madaming pasa sa legs at sa braso si Helen!
"Who did this to you?"
She asked Helen dahil ayaw niya din namang mag akusa. But she already has her answer nang hindi ito nag salita.
"He did this?!" May diin sa pananalita niya. Kinabig niya si Helen sa bewang at niyakap ito ng mahigpit. "Para akong mababaliw nang bigla kang nawala Helen. You should have told me. I could have spared you from this life. I could have taken you away and----"
"At ano? I-g-give up mo ang kagustuhan mong maging doktor dahil sakin?" Itinulak siya nito. Helen put some distance between them and put a hand to her face. "You have to leave, Al."
![](https://img.wattpad.com/cover/321743495-288-k913787.jpg)
BINABASA MO ANG
Of Love and Politics I: Juego Limpio - Completed
RomansaAlana Alvidrez is a lesbian, but her father Leandro Alvidres doesn't approve of it. Lagi siyang nagkakapasa dahil sa sampal nito sa tuwing nababalitaan nitong may bago siyang girlfriend. But everything was bearable for her dahil kay Helen. But when...