CHAPTER 19

342 23 6
                                    

"Do you know the victim?"

Bored na tiningnan siya ng police sa help desk ng San Aguinaldo police station. Dito agad siya dumiretso dahil alam niyang malapit lang sa police station ang pag dadalhan ng katawan ng biktima.

"Yes." Hindi niya pwedeng sabihin na siya ang nag report kagabi. She doesn't want Mayor Saavedra to know that she knew what he did. Hangga't hindi niya pa nasisigurong si Helen nga ang babae sa morgue.

"Kamag anak? Kapatid?"

"Kaibigan, Sir." She knew she needed to play it safe.

"Your name?" He tapped the papers in his hands.

Shit. Alana cursed from under her breath. Should she tell him the truth? Kapag nalaman nitong isa siyang Alvidrez. Malalaman din ng Mayor na pumunta siya dito. But what if she's use the middle name of her mother?

"A-Alana......Garcia."

"ID?"

Umakyat ang dugo sa ulo niya. Pinapahirapan ba siya nito? O ganito talaga ang proseso sa polilce station?

"Damn it! Do you want to know what the victim's identity is?" Napahampas na siya sa desk nito.

The police man looked at her up and down. He was still calm while looking at her. He leaned in. "I'm sorry Ms. Pero tinitingnan ko lang kung anong magiging reaksiyon mo. Ang totoo niyan. Hindi namin basta basta hinahahayaan na kung sino sino lang ang pumunta dito sa police station para mag identify ng katawan. Ang pinapayagan lang ay mga kamag-anak."

She gasped and looked at him incredously.

He tapped his fingers on the table. "Isa pa. We are already scanning her finger prints. Mamaya maya lang ay ma-i-identify na namin ang identity ng biktima."

"Bakit hindi niyo sinabi agad?" Pumintig ang ugat niya sa sentido.

Ngumisi ito. "Other reporters in this whole province are vultures. Madali nilang maamoy kung may mga magagandang scope na pwede nilang gawing headline news. As you can see this is yet another rape victim in our small town. Ilang mga reporters na nga kanina ang nataboy ko dahil sa pang u-usiyoso nila. But you are different. Usually they'll tell me that they are a relative pero you choose to answer my question with honesty. Who are you Alana Garcia?"

Sa sinabi nito ay kumabog ang dibdib niya. She doesn't want the Mayor to know that she was snooping around his business. Mas maigi nga siguro ay mag antay muna siya ng mga pangyayari. Masyado na siyang nagiging padalos dalos sa lahat ng bagay. Her emotions are getting the best of her.

She was about to open her mouth nang humahangos na pumunta sa pwesto nito ang isang lalakeng naka-blue garb.

"Sir. We know the identity of the victim."

"Send the notif to the family members and the relatives. Don't talk to anyone. Got it?"

The man with the blue garb nodded his head and went out of the police station. It appears that the morgue or where they are inspecting the bodies are kept in a separate building apart from the police station.

Alana chooses to walk away at that moment. Sinundan niya ang lalake palabas ng police station and found herself in front of a building. Aantayin niya na lang sa gilid kung sino ang hahangos na pupunta sa loob ng building na iyon.

She tapped her feet a few times hanggang sa makita niya ang pigura ng isang matandang babae at apat na mga bata. It was really Helen's family!

Sa nakita ay pinagpawisan siya ng malapot at kumabog ng malakas ang dibdib niya. Is it really Helen? No. Mariin siyang umiling. Hindi siya maniniwala hangga't hindi niya nakikita ang bangkay nito. She need to be sure. Nakita niya pa si Helen kagabi. The mayor rolled his windows down and she saw Helen. Maliban na lang kung patay na si Helen at ibinaba ng Mayor ang bintana nito para hindi nito maamoy ang biktima.

A shiver ran down her spine. Her heart also hammered against her chest. If that's what happened, then she is facing an enemy that is brutal and doesn't have a conscience.

Sinundan niya ang mga ito. Helen's mother immediately noticed her. Kita niya ang luha sa mga mata nito at parang nadurog ang puso niya. Hindi siya makatingin dahil kung nagkataong si Helen nga ang nasa morgue ay isa siya sa naging dahilan kung bakit namatay ito. She didn't search enough. Hindi siya sumuong sa panganib para lang mailigtas ito. She played it safe and now Helen is dead.

Naikuyom niya ang kamay niya. Hindi niya din mapapatawad ang sarili.

"T-Tumawag sakin ang mga pulis. Gusto daw nilang ipaalam kung ang Helen ko nga ang nasa morgue."

Alana bit her lip to stop herself from crying. Nanginginig ang mga kamay na ikinuyom niya iyon. The other 4 sisters of Helen looked at her with sadness in their eyes. Lalong lalo na si Vin but behind those black eyes are also anger. Kita niya ang pagkakakuyom ng kamao nito.

"I'm sorry Mrs Alegre. I couldn't do anything for Helen." Pumatak ang luha sa mga mata niya.

Umiling ito. "Wala kang kasalanan. Kung sino man ang gumawa nito sa Helen ko siya ang may kasalanan ng lahat. Mabubulok siya sa impyerno kapag namatay siya."

Napayuko siya sa sinabi nito. Nangangalit ang ngipin ng ginang ng sabihin iyon.

Mrs Alegre and the 4 sisters went inside the building and she followed. Pagdating doon ay pinapasok naman agad sila ng mga nag i-inspect ng katawan.

Ang lakas ng kabog sa dibdib niya habang papalapit sila ng papalapit sa isang morgue table. May nakatakip na puting tela sa buong katawan ng biktima. The man who was wearing blue garb let them in. He ushered them towards the body and stood there for a moment.

Mabuti na lang at hindi siya nito pinansin dahil ang akala siguro nito ay isa din siya sa mga kapatid. Tila tumigil ang mundo niya nang unti unting buksan ng lalake ang kumot na tumatakip sa katawan. Lahat ng balahibo sa katawan niya ay tumayo nang makita ang mukha ng biktima.

It was indeed Helen Alegre. The woman she loved.

Parang nanlaki ang ulo niya sa nakikita. Ilang beses siyang umiling at pumikit para isiping hindi nga ito ang nakahiga doon. But there it is, Helen's body. Helen's bruises are glaring hard at her. Umakyat ang lahat ng kinain niya sa lalamunan niya. Hindi niya na napigilan ang pag suka sa gilid.

Habang pumapalahaw naman ng iyak ang mga kapatid ni Helen at ang ina nito.

Naikuyom niya ang mga kamay at pinilit niya ang sarili na wag sumigaw. Ang sikip sikip ng dibdib at lalamunan niya habang nakatingin dito. Gusto niyang magwala sa mga oras na iyon but she knew she had to tame herself dahil nasa harap siya ng ibang tao. Only Helen will see her tears. Wala siyang ibang pag aalayan ng mga luha niya kung hindi ito.

"Helen!"

"Ate Helen!" Vin sobbed and held Helen's cold hands. Sumunod dito ang tatlo pang nakababatang kapatid.

Alana couldn't do nothing but weep on the side. Padaskol na pinunasan niya ang luha sa mga mata niya. She wanted to kill the mayor for doing this to Helen. Ano ang ginawa ng babaeng mahal niya para patayin nto?

Her sweet innocent Helen. Hinawakan niya ito sa kabilang kamay. She felt nauseous nang mahawakan ang kamay nito. It was cold as ice. There's no warmth the way that they used to. Talagang ito na ang katotohanang patay na nga ang babaeng mahal niya.

The man on the scene looked away. Mukhang kahit matagal na itong nakakakita ng bangkay ay hindi pa rin nito masikmura ang makakita ng mga patay.

Naikuyom niya ang kamay niya. Her tears are flowing on her eyes but inside it was turmoil of twisting pain. Tila pinipiga ang puso niya habang naririnig ang iyakan. It was too much.

Alejandro Saavedra. He was the man she had seen with Helen. Pero hindi siya pwedeng mag padalos dalos ng kilos. If she revelead that she knew who was with Helen, the day before she died. Maaring mapahamak ang pamilya nila at ang mismong pamilya ni Helen. She needs to gather some evidence and convict him for good with the crimes he commited.

Naikuyom niya ng mariin ang kamay niya hanggang sa mamuti ang buto sa daliri niya. Magbabayad ito ng mahal. 

Of Love and Politics I: Juego Limpio - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon