Lily smiled at Alana's way nang dumaan ito sa harap niya. But her girlfriend didn't even smile or made an attempt to hold her hands. Ni hindi nito kinuha ang libro sa mga kamay niya. Dati rati ay tinutulungan siya nitong mag buhat nun.
Kumunot ang noo niya. She was with some of her classmates at feeling niya napahiya siya. But she looked at them and smiled.
"Mukhang bad trip lang si Alana. I-I'll go talk to her." She made an awkward wave to Hera na tumango lang sa kanya. "Hera mamaya na lang ha?"
Nagkatinginan ang mga kaklase niya but then they nodded nonetheless. Kumunot ang noo niya nang tumalikod siya sa mga kaklase niya.
Ok pa naman sila nung nakaraang araw ah? What changed? Ano na naman ba ang ikinainit ng ulo nito? Did something happen again? Sinampal na naman ba ito ng Dad nito? But she didn't see any bruises......
"A-Al...." She tried to reach out pero mahirap gawin dahil sa mga hawak niyang libro. She almost tripped para lang mahabol ang pag lalakad nito.
Malapit na sila sa likod nang Med building nang lumingon ito. But those eyes are cold as they looked at her. Nakapamulsa pa ito sa suot suot nitong lab coat.
"What do you want?"
"W-What do you mean?" Pumiyok ang boses niya nang sabihin iyon. There's a pinprick of pain in her chest sa inaakto nito. Did she do something wrong? Wala naman siyang matandaan na ikinainis o kinagalit nito.
Why is Alana's eyes cold as ice? Tila ba isa siyang estranghero na nakasalubong lang nito sa kung saan. It's the same eyes that Alana would always settle on her noong mga panahong hindi pa siya nito nilalapitan. Those eyes looked like they are irritated with her existence.
"Ano bang gusto mo Lily?"
Hindi ito tumitingin sa kanya. Kumunot na talaga ang noo niya. Her heart feels like it sunk to her stomach dahil sa inaakto at sinasabi nito ngayon. Usually love or cariña ang tinatawag nito sa kanya. Where did that endearment had gone off to?
"O-Ok pa naman tayo nung nakaraan di ba? Is it because I still didn't talk to your Dad?"
Nanginig ang boses niya nang sabihin iyon. The side of her eyes also stings. What the hell is happening? Sawa na ba ito sa kanya? May nagawa ba siyang mali? Dahil kung ganun nga. Itatama niya iyon.
"Hindi iyon ang dahilan." Alana looked away. There was a flicker of an emotion in those eyes na agad ding nawala.
Hindi ito kumibo ng ilang minuto and it's making Lily frustrated.
"Then tell me! Para maintindihan ko!" Her voice rose higher. It cracked but she didn't care. Wala din siyang pakialam kung may nakakarinig sa kanya. What matters to her the most right now is why the woman she loved is saying this?
"Sawa na ako sayo, Lily. I just wanted to see how far you would give in. And you did." Pagkatapos nitong sabihin iyon ay ngumisi ito.
Lily opened her mouth. Ilang beses siyang kumurap kurap. N-No.... This isn't her, Alana. Her Alana is gentle and kind. N-Not this woman in front of her. Ano bang nangyayari? Nag bibiro lang ba ito? Is this one of Alana's pranks? Pero hindi nito ugaling mang prank.
Umiling siya. "N-Nagbibiro ka lang! Y-You don't mean that! Sinampal ka na naman ba ng Dad mo dahil nakipag relasyon ka sakin?! Did he threaten you again? I will talk to him!"
Alana finally looked at her. Naningkit ang mga mata nito. Muli itong ngumisi at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Then those brown eyes settled on her dark ones. Biglang dumilim ang mukha nito.
What Alana said next shook her to her core.
"I toyed with you. Just like your father toyed with Helen before he killed her. I wanted to make you feel the suffering Helen felt nang mamatay siya sa kamay ng Dad mo."
Pagkasabi nun ay agad itong umiwas ng tingin sa kanya.
Her heart stopped sa sinabi nito and when it started beating again ay tila may nakaulupot na tinik sa paligid nito. Ipinikit niya ng mariin ang mga mata niya. Her chest felt like its been crushed. Sobrang bigat ng nararamdaman niya. All of it is just to get back to her father. Why did life had to be so cruel? Bakit kung kailan sigurado na siya sa nararamdaman niya dito? Kung kalian mahal na niya ito?
"N-No! That's not true! Nagsisinungaling ka!" Mariin siyang umiling. Her eyes started to hurt. Parang may nakatarak na kutsilyo sa dibdib niya sa mga sinasabi nito. "Y-You did love me. Hindi mo lang inaamin!"
She tried her hardest not to cry in front of Alana. Sumisikip ang dibdib niya habang nakatingin sa mukha nito. Her eyes hurt from trying not to cry. May bikig din sa lalamunan niya. Hirap na siyang huminga dahil sa pag pipigil na huwag umiyak.
"No? Want to her another lie? I didn't love you. I used you to hurt your Dad. Doble ang magiging sakit sa kanya kapag nalaman niyang nasaktan ka. Maipaghihigante ko na din si Helen ang babaeng mahal ko."
Inilagay niya ang kamay sa tenga niya para hindi na marinig ang sasabihin nito. She let the books fell down below her feet. Tumulo na nang tuluyan ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan.
A-Alana used her to hurt her Dad. Pero paano naman nito nalamang ang Dad niya nga ang pumatay kay Helen? It's a big accusation!
"H-Hindi yan totoo! My Dad is the kindest man in the world."
Alana held her chin to make Lily look at her. Kumunot ang noo nito at inilapit nito ang mukha sa kanya. There were no emotions in those eyes. Lily swallowed hard. Patuloy na umaagos ang luha sa mga mata niya but Alana didn't wipe them away.
Kitang kita niya ang pagtagis ng mga bagang nito.
"If he's the kindest man in the world. Why would the NBI arrest him right now?"
"W-What?" Napaatras siya sa sinabi nito.
"You should wake up from your delusions, Lily. He's not a good man!"
Tumingin ito sa malayo at sinundan niya ang tingin nito.
Alana is looking at a particular tree. The one where the initials A Love H is written.
Lily sobbed in her palm nang sabihin nito iyon. Maybe she put Alana high in the pedestal. At ngayong nahulog ito mula sa pedestal na iyon. The weight of the statue fell down on her and it crushed her. In a way, maybe it was also her fault she's hurting right now.
Maybe it's also true na masama nga ang Dad niya. She's just too oblivious sa lahat nang ginagawa nito. Matagal nang maraming sinasabi ang mga tao sa tunay na pagkatao ng Dad niya but she ignored them all dahil iba ang pakikitungo nito sa kanya. She lived inside the fantasies she created.
It's her fault. Wala siyang ibang dapat sisihin kung hindi ang sarili niya dahil nag padala siya kay Alana. And she chooses to close her eyes to the red flash of warning her from her Dad.
Pumalahaw siya ng iyak.
She heard Alana's footsteps started to fade from where she is. Lalo lang bumigat ang pakiramdam niya. Kaya siya nitong tiisin. Alana didn't really love her.
Her chest tightened. Damn it. Why did love hurt so bad?
![](https://img.wattpad.com/cover/321743495-288-k913787.jpg)
BINABASA MO ANG
Of Love and Politics I: Juego Limpio - Completed
RomanceAlana Alvidrez is a lesbian, but her father Leandro Alvidres doesn't approve of it. Lagi siyang nagkakapasa dahil sa sampal nito sa tuwing nababalitaan nitong may bago siyang girlfriend. But everything was bearable for her dahil kay Helen. But when...