Alana quickly hopped on her car and when she was about to manipulate it to get out of the Saavedra's ay bigla na namang tumunog ang phone niya.
Shit. Nakalimutan niya ang tungkol sa Kuya Nathan niya.
Nanginginig ang daliri na pinindot niya ang answer button. Siguradong galit na ito.
"El más joven, asan ka na ba? Mommy is not yet sleeping dahil nasa labas ka pa. Thank God at sinasagot mo pa ang phone mo. Come home or I'll be forced to report you missing."
"Alright. I'll come home. Malapit na ako. Andito na ako sa San Victores."
She ended the call bago pa makapag salita pa ulit ang kuya niya. He'll be pestering her again kung wala pa siya sa bahay. 15 minutes na lang naman ang daan papunta sa kanila. But would she risk leaving Helen alone? Para saan pa na nalaman niya kung nasaan ang Mayor? Could she really abandon Helen like this? Paano siya mag sisimulang mag hanap sa Brgy. De Cardenas?
She cursed under her breath and signaled for the guard to open the gates of the Saavedra's residence. Sana talaga ay ayos lang si Helen dahil hindi niya alam ang gagawin niya sa Mayor kapag may nangyaring masama kay Helen.
Minaniobra niya ang sasakyan papunta sa mansion ng Dad niya. She had to deal with family matters first. Pagdating niya sa bahay nila ay dumiretso na siya sa living room. She saw her Kuya Nathan there comforting her mother by putting an arms around her.
Agad na napatingala ang Mom niya nang makita siya.
"Alana! Mamatay ako sayo ng maaga. Bata ka!"
Iniwas niya ang tingin sa Mom niya. She knew that she will get the ire of her Dad again pero mas mahalaga sa kanya ang kaligtasan ni Helen kesa sa sarili niya.
Nakatayo naman sa gilid ng mga ito ang Dad niya. Shit. Gising pa pala ito.
"Dad---"
"Bakit ngayon ka lang umuwi?!" Her Dad strided towards her way at automatikong napaatras siya. Her heart hammered against her chest. Sigurado siyang galit na galit ito dahil sa higpit nang pagkakakuyom ng kamay nito. Sigurado siyang lalatay na naman ang sampal nito sa kanya. Though, sanay siya but she can't risk it. Ayaw niyang makita siya ni Helen na may pasa na naman sa mukha. But her Kuya Nathan held her father back.
"Dad."
There was a warning tone in her brother's voice na nagpasimangot sa Dad niya.
"Ang mahalaga ay andito na si Bunso. Go inside your room, Al. Hahatid ko lang si Mama sa kwarto niya."
Tumango na lang siya sa mga ito. She quickly went to her room upstairs at hindi niya tiningnan ang Dad niya.
Padapang humiga siya sa kama niya. She took her phone out and looked at the contacts of her phone. Tatawagan niya ba si Helen? Sasagutin kaya nito? What about Helen's mother? Pero baka natutulog na ang mga ito at makaka-istorbo lang siya. But she just couldn't sleep knowing na nasa possibleng panganib ang babaeng mahal niya. Pero sigurado siyang hindi niya din mahahanap si Helen kahit na alam niya ang lugar. How stupid and desperate could she get? Isa pa siguradong tototohanin nga ng Kuya Nathan niya ang banta nitong ipapahanap siya sa mga pulis.
In the end, she couldn't quite get a good night's sleep. Tumitilaok na ang manok sa labas at sikat na ang araw ay parang ayaw niya pang bumangon sa higaan niya. She called Helen's number many times pero hindi nito sinasagot iyon. Nag text na din siya dito na hindi din nito ni-reply-an.
She took her phone out and composed one last message for Helen.
'Helen. Let me know if you are ok. Please.'
BINABASA MO ANG
Of Love and Politics I: Juego Limpio - Completed
Storie d'amoreAlana Alvidrez is a lesbian, but her father Leandro Alvidres doesn't approve of it. Lagi siyang nagkakapasa dahil sa sampal nito sa tuwing nababalitaan nitong may bago siyang girlfriend. But everything was bearable for her dahil kay Helen. But when...