CHAPTER 17

318 22 5
                                    

Kumunot ang noo ni Lily nang makarinig siya ng isang malakas ng busina sa labas ng mansion nila. Tumingin siya sa orasan sa gilid niya. It was already half past 12 pm.

Sino ba ang istorbong ito? Her father told her na hindi ito makakauwi ngayon dahil may inaasikaso pa ito. May problema daw kasi sa negosyo nito at kailangan muna nitong ayusin bago makabalik bukas.

Kusot kusot ang mga mata na inayos niya ang white nighties niya. Then she took a red robe to wrapped herself with it.

Lalo atang napakunot ang noo niya nang makarinig ng malakas ng katok sa pinto.

"Mam! May naghahanap po kay Mayor Saavedra."

She opened the door and frowned at the guard.

"Sino daw?"

"Si Ms. Alvidrez po."

Alana Alvidrez? Anong ginagawa nito dito?

There it was again. That insistent honking of a car. She waved her hands. Irritation showed on her face. Ano bang kailangan nito? Gabing gabi na. "Papasukin mo dito. Kakausapin ko."

Tumango ang gwardiya at kakamot kamot sa ulong pumunta sa gate ng bahay nila. He opened it and Lily waited for Alana to come inside the patio. Kita niya agad sa lakad nito ang inis nito dahil kunot na kunot ang noo nito at ang lalaki ng mga hakbang.

Nang makalapit ito sa kanya ay tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Lily felt self conscious sa ginawa nito. She closed her red robe and lifted her chin up.

Kahit na kumakabog ang dibdib niya dahil sa kaba ay pinilit niya ang sarili na maging ok sa harap nito.

"What brought you here, Alvidrez? Are you really trying to get me to be in your toys?"

Saglit na ipinikit nito ang mga mata at binasa ang labi. Al even tilted her head a little and it made Lily's toes tingled. Bakit ba kasi ang hot nito? Nakasuot ito ng isang oversized graphic black sweat shirt na pinaresan nito ng isang faux leather leggings na hakab na hakab sa hita nito.

Alana was even tapping her mid calf boots on the ground na tila ba n-n-nerbiyos ito. There was a slight mud to it. Napataas tuloy ang kilay niya. Saan bang bundok ito nanggaling para maging ganun ka dumi ang chonky block heels nito?

Nadako tuloy ang tingin niya sa ulo nito. Gabing gabi na kaya naiintindihan niya kung bakit may suot suot itong white box cuffed beanie. Kahit siya ay nilalamig.

"Hindi yan ang pinunta ko dito. I want to know where your father is."

Alana looked inside and Lily immediately blocked the door. Invasion of privacy ang ginagawa nito. Kung tutuusin ay pwede niya itong i-report. What does Al want with her father anyway? As if naman may gagawing masama ang Dad niya. She knew how busy he was.

"Wala dito si Dad. He told me na baka bukas pa siya makakauwi dahil may inaasikaso siya sa business niya----"

"Does it include taking someone out to a private property?"

Al cut off what she was about to say. This made the nerve on her temple ticked. Ano bang gusto nitong palabasin? Her father wouldn't do that. Alam niyang nasa business trip ito. And who would her father take out in the middle of the night? Kagaya nga ng sabi ng Dad niya. He has needs too.

"I don't know what you are talking about. My father is busy with his business. Walang time iyon. Tsaka who was it that you are talking about?"

Nagtagis ang bagang nito. "Then call him to make sure."

She stopped herself from rolling her eyes. Bakit ba napaka-forceful nito? Ibang iba na talaga ang ugali nito. Noong mga bata pa sila ay ang gentle nito. What happened to Al that she knew? Ganun na ba katagal ang panahon para magbago ito?

Of Love and Politics I: Juego Limpio - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon