CHAPTER 8

374 23 1
                                    

Lily squeezed the books in her hands nang makita niya si Alana sa bench kung saan ito madalas tumambay kasama yung babaeng itim ang buhok. Pero ngayon ay wala doon ang madalas nitong kasama. Napadaan lang siya sa likod ng Med Building dahil galing siya sa Engineering building kung saan may hiniram siyang gamit sa kaibigan.

For the past few days ay kitang kita niya na lagi na lang nakasimangot at nakaasik si Alana sa sino mang makita nito sa campus. Wala na din siyang nababalitaan na may mga babae itong ka-fling.

Kumunot ang noo niya dahil parang may nagbago dito. Alana looked like she hadn't been sleeping well at kitang kita niya ang itim sa ibaba ng mga mata nito. Those shoulder length hair is also disheveled. Mukhang wala din itong pakialam sa paligid nito dahil ang lapit lapit lang niya ay hindi siya nito napapansin. She was just 3 meters away.

Lily bit her lip. Gusto niya sanang tanungin kung ayos lang ito. Pero baka kagaya ng iba ay singhalan lang din siya nito. Or worse Alana will hurt her physically. Though hindi niya pa naman ito nakitang manakit.

Humakbang siya paalis nang umangat ang mga mata nito mula sa pagkakatulala. Then before Lily could say anything or walk away. Agad itong tumayo. Kunot na kunot ang noo. Kita niya agad ang galit sa mga mata nito na ikinaawang ng bibig niya.

"You."

"W-What?"

Alana towered over her and Lily gulped. Ang dilim ng mukha nito habang nakatingin sa kanya. Hindi naman niya alam kung ano ang kasalanan niya dito para ganito ito kagalit ngayon sa kanya.

"Did you tell my father about seeing me and Helen on Puenta Escaño?" Hinawakan nito ng medyo may kahigpitan ang braso niya and she wince. Her heart beat tripled its beat.

Damn it! Lily bit her lip.

Nakita niya ang pag baba ng tingin nito sa labi niya pero agad din itong nakabawi at umangat ang tingin sa mata niya. Umigting ang mga panga nito at ramdam na ramdam niya ang tensiyon sa katawan nito.

Tama ba ang narinig niya? Alana is accusing her of telling Mr. Alvidrez what she saw on that hot spring? Ano ba ang tingin nito sa kanya? She wasn't the type to butt in on anyone's business. Though she was tempted to tell her father what she saw. Itinikom niya ang bibig niya dahil ayaw niyang magalit ito sa kanya. Bumangon ang inis sa dibdib niya. Hindi na nga siya nito naaalala ay inaasikusahan pa siya nitong sumbungera?

"What evidence do you have to accuse me that?"

Kinagat nito ang labi at napamura. Then those piercing eyes look at her again. Lily stared back but not before swallowing her own saliva. Nakakatakot ang tingin na ibinibigay nito sa kanya ngayon. It was piercing her.

"Bakit hindi mo na lang sagutin? Dalawa lang naman ang sagot, Saavedra."

Aba't! Nagtaas baba nang mabilis ang dibdib niya sa narinig na akusasyon sa boses nito. Kumunot na din ang noo niya. She was never that type! Kahit pa gaano niya ito kagusto!

"Ganun ba talaga ang tingin mo sakin?" Lily pulled her arms back and glared at Alana. "Bahala ka sa buhay mo, Alvirdez."

Frustrated na napasabunot ito sa buhok pero hindi na lang din siya hinabol. Masama pa din ang tingin nito habang papalayo siya.

Lily stomped her foot on the way to her Biology class. Bahala ito kung anong iisipin nito sa kanya. Basta ang mahalaga sa kanya ay hindi siya ang nag sumbong sa Dad nito tungkol sa nakita niya. Though she wants to tell it to someone ay hindi niya ginawa dahil alam niyang magagalit ito sa kanya. But what the hell?! Alvidrez had no right to accuse her that!

"Oh. Bakit nakasimangot yang mukha mo?"

Napatingin si Lily sa gilid niya nang makita si Rory. May mga dala itong libro ng Trigonometry at Algebra.

Ngumuso siya. Should she say it to Rory? Hindi niya pa naman nakwento dito ang tungkol sa nakita niya sa Puenta Escaño. Siguradong mag tatampo na naman ito sa kanya.

"Woy! Tinatanong kita, Lil!"

Tinapik na nito ang balikat niya gamit ang kanan nitong kamay. Binalanse na kasi nito ang mga hawak na libro sa kanan.

She bit her lip. "S-Si Al kasi."

Kumunot ang noo nito. "What about her?"

She sighed. Wala na siyang choice kundi sabihin dito ang nakita niya dahil hindi naman siya papatahimikin ng utak niya. She'll think about it later, hangga't wala siyang napag sasabihan. Si Aurora naman ito. Though her bestfriend can be quite a tattle tale. Hindi nito sinasabi ang sekreto niya o ang mga bagay na sinasabi niya dito.

"Well. Nakita ko si Alana na may kasamang babae sa Puenta Escaño."

"And?" Rory pursed her lips. "Wala nang bago doon. Anong connect nun sa pag sisimangot mo?"

"Remember how her Dad doesn't want Al to bring dirt to the Alvidrez's name?"

"Hmmm." Rory nodded her head.

"Well. Akala niya ay isinumbong ko siya kay Mr. Alvidrez. Ni hindi nga kami close ng Dad niya." Sumimangot ulit siya nang maalala ang mukha ni Alana kanina. "Ngayon ay hindi niya na kasama yung babae. I don't know what happened."

Rory lips tugged up in a corner. "Sus. Akala ko naman kung ano. Masyado kang affected dahil galit sayo si Alvidrez."

Humawak pa sa baba nito ang kaibigan niya.

"H-Hindi ah?!" Mariin siyang umiling. "Wala akong paki kung anong iniisip niya. I left her there without confirming what she accuses me of. Bahala siya sa buhay niya."

"Are you really ok with that?" Rory had a look of concern in her face. "Girl crush mo yun di ba? Paano na ang sintang purorot mo?"

Sa sinabi nito ay naihampas niya dito ang dala dalang Biology book. Why would Rory make her remember that? Can she just turn this obsession into something else? Bakit ba kasi umaasa pa din siya? Alana is not that girl she met when she was seven years old. Ang dami nang nagbago dito.

Tatawa tawang umiwas ito sa mga hampas niya. Ilang minuto niya ding hinahampas hampas ito ng libro pero panay ang iwas nito kaya naman tumigil na siya.

"Pero seryoso." Lily said nang nasa tapat na sila ng kanya kanya nilang classroom. Katapat lang kasi ng Clasroom nila ang susunod nitong subject. "Don't tell anyone what I said to you. Baka kasi lalong magalit si Al."

Rory laughed. Tawang tawa ito with matching alog alog pa ng balikat. "Nakakatawa ka, Lil. If you really don't care what she thinks. Dapat di mo na din inaalala kong sasabihin ko sa iba. Kasi wala kang pakialam. The truth is you care and its ok. Sasabihin ko na kay Alvidrez ang sintang purorot mo para matigil tigil ka na sa you hate her but actually like her attitude."

Sa sinabi nito ay hindi siya nakahuma ng ilang minuto. Her mouth hung open nang ngumiti ang best friend niya at tinapik siya sa balikat bago ito pumasok sa loob.

Lily wetted her lips. Ano bang pinag sasabi ni Rory? Nakahithit na naman siguro ito o kaya ay hindi uminom ng gamot.

Iiling iling na inambahan niya ito ng suntok sa loob ng classroom. Rory threw her head back laughing. She shook her head for one last time bago siya umalis sa tapat ng classroom nito papunta sa katapat na room.

Her bestfriend and her mouth. Minsan gusto niyang tahiin ang bibig nito sa sobrang daldal.

But she can't help but remember what Alana looked like nand iwan niya ito dun sa likod ng Med Building. Alvidrez looks frustrated at mukhang galit na galit ito. Kahit sinasabi niyang wala siyang paki sa kung anong iniiisip nito ay bakit sumasakit ang dibdib niya sa isiping iba sa lahat ng ka-fling nito ang babaeng nakita niyang hinalikan at niyakap nito sa Puenta Escaño.  

Of Love and Politics I: Juego Limpio - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon