Lily annoyingly looked at Alana's way. Nasa loob ito ng clinic nila at kanina pa ito tinititigan ni Nurse Clea. Bakit ba kasi ito nakatambay dito habang nag kakape? Malapit na din siyang mainis dahil pangiti ngiti pa ito.
Ito ba ang ibig sabihin nito sa 'See you later, Doc?'
"Why are you 'still' here?"
Pinamewangan niya na ito. Hindi niya na maiwasang sitain ito dahi na d-distract na ang kasama niya. Hindi makakilos ng maayos ang nurse at pulang pula na ang mukha nito sa kakatago sa librong binabasa na baliktad naman.
"I promised that I'll tour you around the Municipal Building and I won't move an inch hangga't hindi ka sumasama sakin." Bumaling ito kay Nurse Clea at kumindat. "Di ba, Miss?"
Nurse Clea nodded her head and ducked to hide her face in her books.
Itinagilid niya ang ulo niya. If she remembers correctly ay hindi niya sinabay si Alana at nag offer lang naman itong i-tour siya kung isinabay niya ito kanina. But clearly she didn't.
"Hindi kita isinabay kanina, remember?"
Saglit itong natigilan pagkakuwan ay ngumiti din. "But I know you'll let me ride in your car on the way home. So ganun pa din yun."
"Hindi din kita isasabay so can you just go, Ms Alvidrez. Iniistorbo mo kami ni Nurse Clea."
Napahawak ito sa puso nito. Gumapang naman ang pag aalala sa mukha niya dahil baka inaatake na ito sa puso. She was about to step towards Alana but after a minute ay ngumiti na din ito.
"Ouch. Sakit naman nun. Natitiis mo na ako ngayon."
Napa poker face tuloy siya. Tumaas din ng bahagya ang kilay niya. Kaya nga siguro siya nasaktan noon dahil hindi niya ito matiis. But this time around she's not weak willed anymore.
"Dapat nga sigurong natiis kita kahit noon pa. Di sana ay hindi ako----"Natigilan siya. Should she really say this in front of a stranger? Kahit pa alam ni Alana ang kasalanan nito sa kanya ay ayaw niya din namang mapahiya ito. She cleared her throat. "Sige na lumayas ka na sa clinic Ms. Alvidrez. Can't you see na nahihiya pumasok ang mga pasyente dahil nakaharang ka diyan sa pinto?"
Alana looked at the door and wince. Totoo naman kasing may matandang pasilip silip sa loob at mukhang akala nito ay pasyente niya si Alana.
Ibinaling ni Alana ang tingin nito sa kanya. Lumarawan ang lungkot sa mukha nito at napabuntonhininga ito. "Alright. Babalik na lang ako, Doc. Baka tama ka ngang nakakaistorbo ako. But I won't stop asking you for that tour. Utos din ng Management."
Pagkasabi nun ay may itinuro ito sa taas. Saka nakangiting kumindat sa kanya.
Gumapang ang init sa dibdib niya but she ignored it. Pilit ang ngiting itinulak niya ito palabas ng Clinic. Alana was still waving her hands at her habang papunta ito sa kabilang hallway. Nakabangga na nga ito ng ibang tao dahil nakaharap ito kanya habang nag lalalakad.
Iiling iling na pumasok siya sa loob ng clinic. Nurse Clea was tending to the patient at tinatanong ito tungkol sa pag papa check up nito.
Lily couldn't help but smile. Alana had change a lot and its for the better.
Pagkatapos itong interviewhin ng Nurse Clea ay binigay sa kanya ng nurse ang details ng pasyente. But Nurse Clea remain standing in front of her. Napaangat tuloy ang tingin niya ditto.
"What is it, Ms. Valdez?"
"K-Kilala niyo po si Councilor Alvidrez?"
"Yes?"
"Ah.... Pasensiya na po Doc if I was snooping around. Kilala po kasi si Councilor na lesbian. S-So I thought pinopormahan ka niya. Hindi kasi yan nagawi ditto nung may dating doctor po dito."
"Ah..." Paano ba niya sasabihing dati niyang naging girlfriend si Alana. Should she really tell it to Nurse Clea? "Y-Yeah. A-Ano dati kaming mag ka school mate. Nakikita ko na siya noon sa campus."
"Oh." Ngumiti ito. "M-Mukha po kasing gusto kayo ni Councilor."
Nurse Clea then went to her desk after saying that. Hindi ito makatingin pagkatapos sabihin iyon.
Lily bit her lip hard and sighed. Kung totoo ngang gusto siya ng ex niyang sinaktan siya ay baka nababaliw lang ang mga tao sa paligid niya. At hindi lang alam ng mga ito ang naranasan niya sa kamay ni Alana.
-------------------------------------------------
"Nurse Clea andiyan si Doc?"
Lily's ear perked up. But she pretended that she was still reading the details of the patient for the day. Kumunot pa ang noo niya ng bahagya. She wanted Alana to go away and never bother her. Pero heto at andito na naman ito ngayon.
Amoy na amoy niya pa ang pabango nito na tila nag wisik ito ng pabango bago nag punta sa clinic. Hindi naman kasi ganito katapang ang amoy ng pabango nito kanina.
"A-Andito po." Mahina ang boses ni Nurse Clea ng sabihin iyon.
Sinilip niya ang mukha ng nurse. At mukhang hiyang hiya pa din ito kay Alana. She rolled her eyes. Alana and her rizz towards females.
"Wala ako dito." Nilingon niya na ito at pilit ang ngiting lumarawan sa mukha niya. She made a shooing gesture towards Alana's way pero ngumiti lang ito at tuluyan nang pumasok sa loob ng clinic.
"Lets go have lunch?"
Aba? Ngayon ay hindi na ito nakikiusap sa kanya?
"Busog pa ako."
But her traitor stomach didn't listen and started churning. Nakangiting umangat ang gilid ng labi ni Alana. "Are you sure you're not hungry?"
Alana gritted her teeth. Kung mag sasabi siyang sigurado siyang busog pa siya but her stomach doesn't agree with her ay tatawanan lang siya nito. Mapapahiya lang siya kaya tumayo na siya.
"Fine. I'll go have lunch with you pero hanggang dun lang."
"Why? Is there anything else I'll do to you?"
Sa sinabi nito ay tinitigan niya ito ng masama. Tila double meaning kasi ang dating sa kanya sa tono ng boses nito. Bumaling siya kay Nurse Clea. Baka pwede niyang isama ang Nurse para hindi siya masolo ni Alana mamaya.
"Ms. Valdez do you want to go with us?"
Agad itong umiling at tila nahihiyang tinapunan ng tingin si Alana. "H-Hindi na Doc. May baon po ako."
"Oh. That's too bad." Halata ang disappointment sa boses niya.
"Thank you Nurse Clea." Bumaling sa kanya si Alana. "Let's go, Doc?"
Pinaningkitan niya ito ng mga mata niya. Siguro ito na din ang pagkakataon para malaman niya ang mga nangyari dito after 3 years. Just to catch up on things. Hindi naman niya inaalam para magamit dito. She mainly just wants to know.
Alana offered her hands, but Lily refused to take it. Nauna na siyang lumabas at nakita niya ang pag larawan ng lungkot sa mukha nito but it was just in a fraction of seconds. Kaya baka imahinasyon niya lang.
-------------
A/N: Sorry po at di nakapag update nung nakaraang week. Medyo pasira sira na ang laptop ko. Anyway. Thank you po sa nag babasa. ^^
![](https://img.wattpad.com/cover/321743495-288-k913787.jpg)
BINABASA MO ANG
Of Love and Politics I: Juego Limpio - Completed
RomanceAlana Alvidrez is a lesbian, but her father Leandro Alvidres doesn't approve of it. Lagi siyang nagkakapasa dahil sa sampal nito sa tuwing nababalitaan nitong may bago siyang girlfriend. But everything was bearable for her dahil kay Helen. But when...