08

45 1 0
                                    

Gabriel

"School starts at 8:40, Nakahilata ka pa rin diyan. Bumangon ka na!" I opened my eyes as soon as I heard the door slammed. Agad akong tumayo at lumingon sa orasan na nakasabit sa wall.

"It's 5:30 for God's sake." I frowned. I took my phone and noticed the notifications on my screen.

Tinignan ko ito ng mabuti at sinigurado kung tama ba ang nakikita ko, He... He replied to my messages last night?

I was smiling the whole time while unlocking my phone and look at the messages I sent him and his replies.

From Kei:
Thanks, Goodnight.

I kept on reading the same messages for over a minute now. I started typing at inisip ko muna kung isesend ko ba to or hindi. I don't know, he's still not comfortable with me, we don't even know each other's full names. Kaya kung isesend ko to, baka naman ang feeling close ko na...

Y'know what? Fuck it, You only live once.

From Gabriel:
Good morning, Kei! Have a great day ahead. We have classes today na :( How about you?

I sent that with a huge grin on my face. I waited for 5 minutes, until it turn 10, and 15. Hindi siya nagreply. I sighed and turned my phone off tska gumawi papunta sa banyo para magasikaso.

--

"Jaze, Kanina ka pa tahimik, kanina pa kami salita nang salita rito. Isa pa I'll throw your phone away." Xan said. Umangat ang ulo at nakita ko ang seryosong tingin niya sakin kaya agad kong pinatay ang phone ko at itinago.

"Mas nakikinig ka pa kay Xan kesa sa Dad mo" Rhyden said before laughing, I frowned at him.

"Anyway, kakagamit mo ng phone mo hindi mo na nagalaw yung food na inorder ni Miko for you. Kumain ka na, sino bang inaabangan mo? Mommy mo?" Rhyden curiously asked. Kinuha ko ang burger na kanina pa nasa harapan ko at kinain.

"Wow, bingi na siya." Rhyden said once again. Miko came back with our drinks.

"Putanginang dami ng tao pag first day parang hindi ako makahinga." He said bago tuluyang umupo sa tabi ni Rhyden.

"May pupuntahan kayo after class?" Tanong ko sakanila. I've been thinking of visiting Kei's karinderya, baka mamaya kailangan pala nila ng tulong.

"Yes, Sasamahan ko si Rhyden may practice raw siya, Bakit?" Xan said. Agad akong umiling, ipinapahiwatig sakanila na wala lang.

"Wala naman nagtatanong lang ako." I answered. I quickly ate everything in my plate at agad na ring umalis sa cafeteria para makabalik sa room.

--

From Xan:
Ingat sa pagd-drive.

From Gabriel:
Okay

I turned off my phone as soon as I sent my replies to him. It's already 7:30 PM and I am inside my car heading to Kei's place.

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ko to ginagawa, napaka-sungit niya saakin, nagtalo pa kami noong unang beses kaming nagkita dahil lang sa hindi niya alam kung ano ang ginagawa niya sa hospital ng kaibigan niya.

He's too familiar and different. That makes me wants to know him more.

After 15 minutes of driving nakarating na rin ako sa lugar nila. A lot of people are coming in and out of their place, Pasimple akong sumilip at doon ko siya nakita na pabalik balik habang may dala-dalang ballpen at papel.

I slowly walked towards his directions and took a paper and the pen from his hands, mabilis niya akong nilingon at sinimangutan, gulat at nagtataka kung bakit at ano ang ginagawa ko ron.

"A-anong???" He asked, nakasimangot pa rin siya saakin kaya binigyan ko siya ng ngiti at tumingin sa papel na hawak hawak ko.

"I'll help, wala naman na akong ginagawa." Sagot ko, agad naman siyang napangiwi at napalingon sa direksyon ng Lola niya na ngayon ay nakatingin saamin, I gave her a smile and waved at her.

"We can do it, baka mamaya manghingi ka pa ng sahod saamin hindi na namin afford na magdagdag pa ng tauhan. Akin na iyan." He said at akmang kukunin ang hawak hawak ko pero agas ko iyong itinaas para hindi niya maabot.

"KEI!!" Sabay kaming napalingon at nakita namin na sunod sunod na ang mga nakahandang orders. I looked at him again bago siya bumuntong hininga at nilingon ako.

"Ayusin mo ha" I smiled at him and answered him with a nod. Umalis siya at ako naman ay agad na lumapit sa mga bagong dating na customers para tanungin kung ano ang pagkaing ipahahain nila.

--

Few hours had passed, it's already 11:00 PM at tuluyan ng naubos ang customers na kanina ay sunod sunod na nagpapasukan. I sat down on the chair outside and took a deep breath.

Kanina pa tunog nang tunog ang cellphone ko pero hindi ko naman magawang sagutin dahil sunod sunod din ang pasok ng customers, For sure it was a call from Dad. Palagi naman, hindi pa ba ako masasanay?

"Jaz-- I mean Gabriel, kumain ka" He said, hindi ko napansin na lumabas na rin pala siya. He was holding a plate at may laman iyong kanin at caldereta. Kanina pa ako walang kain kaya agad ko itong kinuha sakanya.

"How about you? Hindi ka ba kakain?" I asked him pero umalis siya after a few seconds bumalik siya na may hawak hawak na plato at umupo sa tabi ko.

"Y'know, I'll admit you actually helped kanina, andaming customers, hindi ko nga alam na kinakaya ko palang gawin yun everyday, pero kanina when you came sobrang napadali lang." Yan ang unang mahabang salita na sinabi niya saakin, I was listening carefully when he started talking kaya hindi ko nanaman napansin ang pagkain ko.

"Pero bakit bigla bigla kang nasulpot? And isa pa, it's getting late bakit pala nandito ka pa?" Tanong niya muli.

"Nakain pa ako eh" Sumimangot siya at tumango-tango, Everything got quiet while we are eating, Hindi kami nagsasalita at patuloy lang sa pagkain.

Not until my phone rang, Agad ko itong kinuha sa bulsa ko at tinignan kung sino ang natawag sakin.

It was Dad, nakatingin lang ako sa telepono ko hanggang sa kusa itong mamatay, I could feel him looking at me.

"Bakit hindi mo sinagot? Hala baka mamaya hinahanap ka na pala sainyo?" He curiously asked, tahimik akong tumawa at umiling lang sakanya.

"He would never, kahit pa nasa panganib ako, hahanapin niya lang ako kasi kailangan niya ng mapapagalitan." Sagot ko. He went silent for a minute tska tumayo.

Kanina pa ako tapos kumain pero nakaupo pa rin ako, iniisip kung ano nanamang salita ang matatanggap ko sa tatay ko.

"I'm going out, magpapahangin. Ikaw umuwi ka na." Sulpot niya, I stood up at tumingin sakanya. Ayokong umuwi gusto kong magstay lang dito.

"Pwede ba akong sumama? Hindi ako magiingay o manggugulo--" He didn't let me finish talking, umiling agad siya. Nagsimula na siyang maglakad papaalis at unti unti ng nakakalayo.

"Please? Ayoko lang talagang umuwi!" I yelled, Nahinto siya sa paglalakad pero hindi siya lumingon pabalik, after a few seconds nagsimula nanaman siyang maglakad.

Natahimik nalang ako at binabalak nang magpaalam kay Ate Amyra at kay Lola para makauwi na rin, but I heard him talk kaya agad akong lumingon sakanya.

"Ang bagal mo kumilos, Halika na!" Napalitan ng ngiti ang nakasimangot kong mukha noong marinig ko siyang sabihin yun. I took my phone tska tumakbo para habulin siya.

Now and Forever |순키| FinishedWhere stories live. Discover now