Kei
"Nakakainis ka naman, Wala isang araw noong huli tayong magkasama tapos ngayon magkasama nanaman tayo." Naiirita kong banggit habang nakain ng ice cream.
Tahimik lang siyang nakaupo sa tabi ko at tinitignan ang unti unting natutunaw na ice cream na hawak niya. He's silent simula kaninang sunduin niya ako hanggang ngayon na nandito na kami sa park.
"Hey? Anong meron? Hindi ka nagsasalita?" Tanong ko at itinuon ang buong atensyon sakanya pero nanatili lang siyang tahimik. I gently pat him at doon lang niya ako nagawang tignan.
"Sorry... I was, I was thinking of something kasi... What is it again?" Tanong niya kaya napasimangot ako.
"Ang sabi ko, anong meron? Bakit hindi mo ako pinapansin?" Umayos siya ng upo bago sinimulang kainin ang ice cream na kanina niya pa hawak.
"Me and my parents have a problem, araw araw yon lumalaki and no one's smart enough to have it fixed. Nakakasawa na." He said almost whispering.
"Kelan pa?" I asked almost whispering. Muli siyang lumingon at tinignan ang mga mata ko. Halata na sa mata niya ang antok at gusto na nitong pumikit. Bakit niya pa nagawang puntahan ako?
"Simula pagkabata..." He said that made me shut. Simula pagkabata nagkakaroon na sila ng problema? Simula pagkabata ganito na ang nararamdaman niya?
"I don't wanna be a burden to everyone pero mahina ako, hindi ko kayang dalhin lahat, hindi ko na kayang dalhin lahat kaya I try to vent it out pero naguguilty ako..." He said once again. I didn't want him to drown in his thoughts kaya kahit ano pang mangyari pakikinggan ko lang siya.
"It's fine! Wag kang magalala hindi ka burden samin..." I assured him. He smiled and so I did.
"Actually... Si Xan, Miko, and Rhyden, You know them right? Yung mga kasama ko noong nakaraang pumunta ako sa karinderya niyo? They said na wag akong pupunta sa kahit saan before naligaw ako noong nagtalo kami ng mga magulang ko." Sagot niya tska mahinang tumawa at umiling iling.
Tuloy lang siya sa pagkukwento habang ako naman ay tahimik lang na nakikinig sakanya, he was talking non stop pero nililingon niya pa rin ako para tignan kung meron ba akong gustong sabihin.
Few minutes had passed, tuloy pa rin ang pagkukwentuhan namin hanggang sa bigla nalang akong nakaramdam ng hilo pati na rin ang pananakit ng tyan.
Dahan dahan kong hinawakan ang tyan ko at hindi na nagawa pang ipahalata sakanya na nakakaramdam ako ng kakaiba.
He stopped talking at umayos ng upo tska iniharap ang buong katawan niya saakin. I took a glance of him at nakita ko ang nagaalala niyang mukha at mata na saakin lamang nakatuon.
"Kei? Are you okay?" He asked. I slowly nodded. I felt something coming out of my mouth kaya kahit namimilipit na ako sa sakit nagawa kong tumayo at tumakbo papunta sa pinakamalapit na basurahan para sumuka.
I felt something on my back kaya agad akong lumingon at nakita kong muli siya, I wanted to push him away and tell him that I am fine pero hindi ko magawang magsalita, unti unti naring naging malabo ang paningin ko at tuluyang nawalan ng malay.
Gabriel
Agad ko siyang sinalo noong matumba siya, he looks pale and tired kaya walang pagdadalawang isip ko siyang binuhat. Some tried to help pero ang tanging nagagawa ko lang sakanila ay ang tignan sila ng masama kaya agad silang naalis sa daraanan namin.
Noong makarating kami sa kotse ko binuksan ko ang pintuan sa likod kahit pa hirap na hirap na ako dahil hawak ko siya gamit ang dalawang kamay ko. I gently placed him down at pumunta sa drivers seat.
I took my phone out and quickly went into my contacts para tawagan si CJ at Aeron pero hindi ko napansin na kakaunti nalang pala ang baterya ng cellphone ko at sa kalagitnaan ng pagpipindot ko ay bigla itong namatay.
"Fucking hell!" I yelled. Kinuha ko ang cellphone ni Kei sa bulsa ng coat niya tska nagsimulang paandarin ang kotse.
Palit palit ang atensyon ko binubuksan ko ang cellphone ni Kei at binabalik ang tingin sa pagmamaneho. I managed to open it and quickly went into his contacts, nakita ko ang pangalan ni CJ kaya agad ko itong pinindot at tinawagan.
"Hi kei! What's up?"
"CJ, this is Jaze, Help me papunta ako sa hospital niyo, Kei passed out kanina habang nasa park kami. Are you with Aeron? Please tell him na hintayin kami sa labas."
"Oh my gosh. Okay okay! I'll be telling him, Magiingat kayo!"
Pinatay ko ang telepono at ibinalik na ang atensyon sa pagmamaneho. I looked at him and he was still unconscious kaya mas lalo ko nang binilisan ang pagmamaneho.
After 15 minutes we arrived at the hospital. Bumaba ako ng sasakyan at binuksan ang pinto sa likod ng kotse tska siya dahan dahang kinarga.
"Gabriel!" I heard someone calling me kaya nilingon ko ito at nakita kong hinihintay kami ni Aeron sa labas ng hospital. Pinuntahan niya kami at sinundan hanggang sa makarating sa loob.
CJ was running towards our direction kasama ang ilang mga nurse. Noong makarating sila agad nila akong inalalayan habang inilalapag ko si Kei sa stretcher na dala dala nila.
"Wait here, Aeron samahan mo muna si Gabriel. We'll do our work." Banggit ni CJ kaya tumango nalang si Aeron. He was like this noong una kaming nagkita, he also passed out that day.
"Gabriel, Umuwi ka na muna, babalitaan nalang kita kay Kei..." I wanted to refuse dahil gusto ko siyang hintayin pero ayoko ng magkulit pa. I nodded and then he smiled.
"Please take care of him..." Tumango siya. I started walking out of the hospital at sumakay sa kotse kong nakapark lang sa harap. I couldn't help but be nervous. Ano ba talagang nangyayari sakanya?
YOU ARE READING
Now and Forever |순키| Finished
FanfictionA Sunki angst story wherein Gabriel Jaze (nk) met a guy with Leukemia, Kei Michael (sn) Who completely lost it's hope on surving and was just waiting for his last day. Will Jaze be the reason why Kei would choose to live and to continue or will the...