Author's Note: This chapter is unedited so please read at your own risk.
Naglalakad ako sa gilid ng kalsada habang tirik na tirik ang araw. Nakalimutan kong dalhin ang aking payong kaya nagtitiis akong maglakad sa ilalim ng init. Wala akong choice kung hindi ang maglakad dahil naiwala ko ang aking pamasahe. Napabuntong hininga ako sa aking katangahan at mas binilisan pa ang aking paglalakad.
Sa kalagitnaan nang aking paglalakad ay may napansin akong grupo ng mga kalalakihan na nagtatawanan.
Nakita ko pang tinulak nila iyong lalaking naka brown na t-shirt. Napansin ko ring umismid ito sa lalaking nagtulak sa kanya kaya nagtawanan ang kanyang mga kaibigan.
Hindi ko alam ang kanilang pinag-uusapan ngunit parang inaasar siya ng mga kasama. Inakbayan pa siya ng lalaking medyo payat at may ibinulong.
"Asshole!" singhal niya bilang sagot.
They laughed at him.
Medyo malapit na ako sa kanilang pwesto kaya naririnig ko na ang kanilang pinag-uusapan. Pansin kong nagkakatuwaan nga sila at pilit siyang itinutulak sa harapan ng convenient store na kung saan ako nagtatrabaho. Nang mapansin iyon ay agad akong nakahinga ng maluwag. At last, malapit na ako.
"It's just easy. Cover your face with a mask para maging mas madali sa'yo." pakinig kong sabi noong lakaki na payat.
Hindi ko nalang sila pinansin at diretsong pumasok sa convenient store.
Nang makapasok ako ay dumeritso ako sa pwesto ni Melly at nginitian siya. Nakita ko naman ang pagbukas ng saya sa kaniyang mukha.
"Buti nalang at nandito ka na. Kailangan ko na kasing umuwi dahil walang magbabantay kay Jojo." Tukoy niya sa kanyang nakakabatang kapatid.
Tumango lamang ako at pumunta na sa kanyang pwesto upang palitan siya.
Busy ako sa pagchecheck ng mga items sa computer nang biglang tumunog ang bell hudyat na may pumasok. Hindi ko naman maaninag kung sino dahil malayo ang aking pwesto sa entrance ng store. Nag focus nalang ako sa aking ginagawa ngunit naririnig ko parin ang tawanan mula rito. Familiar ang mga boses ngunit akin lamang iyong inignora.
Tumunog ang aking cellphone kaya kinuha ko ito upang icheck. Napasimangot ako dahil nagtext lamang ang globe na expire na ang aking load. I sighed, kasabay noon ang paglapag ng isang box sa aking harapan. Hindi ko alam kung ano iyon dahil nag-angat ako ng tingin. Natigilan ako dahil ang lalaking nasa aking harapan ay ang lalaking naka brown na t-shirt sa labas kanina.
Napakurap-kurap ako dahil may suot na itong itim na mask ngunit nakilala ko pa rin siya. Bumaba ang aking tingin sa box na kanyang nilapag at agad nag-init ang aking pisngi nang ma realize kung ano iyon.
It's a box of condom!
Despite of my burning cheeks I still get it at itinapat sa barcode. Nakita ko ang amount sa computer kaya sinabi ko iyon sa kanya.
"334, sir." pormal na pahayag ko.
Hindi na naman ito bago sa akin ngunit nakakaramdam parin ako ng hiya. Lalo na at nasaksihan ko ang pagtutulakan nila sa labas upang mabili lamang ito.
May inilapag siyang one thousand bill at agad ko namang dinampot iyon. Busy ako sa pagkuha ng pera na isusukli ko sa kanya kaya hindi ko napansin na nakapasok na rin pala ang kanyang mga kaibigan. Lumapit iyong isa sa kanila at inakbayan ang lalaking nasa aking harapan.
"See? Napakadali lamang. You don't have to be shy." natatawang pahayag nito.
"Besides... you are cloning someone. Hindi mo naman mukha ang ginagamit mo ngayon." Saad rin ng isa pa na may asol na trim sa buhok.
BINABASA MO ANG
Descendant of The Lost City of Cleaveria (UNEDITED)
FantasyShe's not an ordinary person as what she thinks of herself. The untold truth will unfold. The long journey will start. Her story will begin. Everyone's life will change. And there's no time to escape.