Chapter 11

22 1 0
                                    


Author's Note: This chapter is unedited so please read at your own risk.

Puspusan ang pagsasanay ko habang papalapit na ang leveling. Halos puno lahat ang training rooms ng mga estudyanteng nais magsanay kaya wala akong choice kung hindi sa likod ng academy magsanay na kung saan makikita ang mini forest. Ibinilin na rin ng aming mga guro na kami na mismo ang sasanay sa aming sarili dahil sa gitna ng laban ay kami rin mismo ay makakaintindi sa aming sariling kakayahan.

Determinado akong mapalakas man lang ang aking stamina lalo na at sa sariling lakas ko lamang ako aasa. Wala akong charm kaya delikado ang gagawin ko ngunit hindi dapat ako mabuko. Ayaw ko ng bigyan pa ang mga kasama ng dahilan upang maging pabigat na naman ako sa kanila. Once is enough and I won't let it happen again.

Masyado akong ordinaryo upang pagtuunan ng pansin ngunit masyado rin akong mahina upang ignorahin. Sa mundong ito ay kailangan maging magaling ka sa paghasa ng sarili mong kakayahan. At ang kakayahang iyon ay ang wala ako. Napadpad lamang ako rito na walang baon kundi katangahan lamang.

Nagpaikot-ikot ako sa ire sa lakas ng impact nang pagtama ng aking katawan sa isang punong kahoy. I am training with Amari. Yes, I am with her. Hindi ko alam at kailan kami naging malapit sa isa't-isa basta nalaman ko na lamang na gusto niya akong makasama sa pagsasanay.

Noong una ay hindi ako sang-ayon dahil baka magyabangan lang kami ng kayang gawin ng bawat isa ngunit hindi naman pala talaga kami isip bata gaya ng iniisip ko. Nagawa ko rin namang hulihin ang kanyang ugali at ganon din siya sa akin kaya hindi na naging problema iyon sa amin.

Aaminin ko na minsan ay hindi kami magkasundo dahil nga salungat ang aming pananaw sa mga bagay-bagay ngunit na kaya rin naman naming ibaba ang aming pride ng konti para sa kapakanan namin.

Kaya heto ako ngayon at nagpapatayan ng tingin sa kanya. Masakit ang naging atake niya kaya nais kong gumanti.

I folded my left knee and supported all my weight. Masyadong malakas ang naging impact ng kanyang pagsipa sa aking dibdib na naging dahilan ng pagtama ko sa puno.

I balanced myself and stood up straight. I am calculating the steps that I will make for her not to notice my next move. She eyed me cautiously that made me smirked. She's not backing down. Mukhang gusto niya akong mabugbog ngayon.

I attacked her without thinking that made her eyes wide open. Hindi niya inaasahan... I see.

She immediately caught my left legs trying to kick her straight to her gut. Nice.

Tinulak niya ako gamit ang paghawak niya sa aking binti kaya napaatras ako ng konti. I continued attacking her giving her a wrong idea. She thinks that I am attacking her to make her weak but that's not my intention. I am trying to used all of my attacks to lure her.

Amari is a smart woman and what I am doing right now is a big risk. I have to make her believe the wrong idea.

Magaling siya sa pagsalag kaya naman ay parang nababasa na niya ang aking mga ginagawang atake na sadya ko namang pinapabasa sa kanya.

Come on girl read my goddamn moves so I can get rid that smirk of yours.

I saw an opening on her right abdomen that made me smirked secretly. This is what I am looking for. While acting like I am busy attacking her using those readable stunts, I ready myself. I hid my little smile.

With all the force that left with me, I throw a flying kick to her right abdomen that caught her off guard.

Gotcha!

Tumilapon siya ng malakas kaya napangisi ako. I saw her coughing habang hawak ang natamaang parte ng kanyang katawan. She spat a blood that made me smirked widely.

Descendant of The Lost City of Cleaveria (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon