Chapter 12

26 1 0
                                    


Author's Note: This chapter is unedited so please read at your own risk.

"Isabelle, wait!" tawag ng pamilyar na boses.

Napalingon ako sa gawi na 'yon at bahagyang natawa. Ang mahinhing si Kara ay pilit binibilisan ang kanyang bawat hakbang patungo sa akin. Bahagya pa niyang inayos ang kanyang salamin habang papalapit.

"Oy, Kara," salubong na saad ko. "hindi mo naman kailangang magmadali habang papalapit." natatawang sabi ko pa.

"Nakita kasi kita mula sa malayo at nais kong maabutan ka." medyo hingal pa na sagot naman niya.

"Hihintayin naman kita, don't worry." sabay tawa ko pa.

Ngumiti na lamang siya habang nakatingin sa akin.

She's cute.

"So ano, tara na?"

"Mmm."

Naglakad kami papasok ng Annou Hall. Weirdong pangalan ngunit in short daw sa Announcement ang Annou. Nalaman ko noong nilibot ko mag-isa ang Academy. Pinapapunta kasi ang lahat ng estudyante doon para sa karagdagang anunsyo patungkol sa leveling kinabukasan.

Puno ng mga estudyante ang loob. Nakita ko namang medyo napayuko ang kasama ko. Mahiyain talaga siya na sa sobrang mahiyain ay nito lamang nakaraang araw ko lang nalaman na kaklase ko pala siya. Sabagay hindi naman ako masyadong pumapasok dahil nga palagi akong pinapahamak ng katangahan ko. Tsk!

Hinila ko ang kanyang braso ng mahina kaya napalingon siya sa akin. Iginiya ko siya sa bakanteng upuan na nasa unahang bahagi. Medyo nasasanay na rin ako sa mga weirdong estudyante rito kaya pa simple lamang akong kumikilos. Gawa ng sariling sikap ay medyo naging makapal na naman ang mukha ko.

Napansin ko na katabi ng aming kinauupuan ang malditang babae na si Amari. Nakahalukipkip at bored na nakatingin sa harapan. Pinapairal na naman niya ang kanyang talent. Ang pagiging maldita.

She has a resting bitch face. Matatakot talagang kumausap sa kanya ang iba. Hindi ako magtataka na wala itong manliligaw. Kahit maganda siya ay matatakot ang sino mang lalaking magtatangkang lumapit sa kanya. Baka bugahan pa niya ng apoy.

We took our seats and faced in front. Wala akong balak batiin ang katabi. Hindi niya naman ako nilingon kaya ayos lang.

Tahimik akong naghihintay na dumating ang matandang lalaking 'yon. It's been a while since I last saw him. Hindi ko na nga maalala kung kailan.

Umugong ang bulungan sa paligid kaya naman ay nilingon ko ang pinanggalingan. Kaya naman pala. Nasa may entrance ang lahat ng Seniors sa pangunguna ni Kiv. Nag-uusap sila ng seryoso ni Shanti. Himala at seryoso siya ngayon. Nakita ko rin si Tatiana na seryosong naglalakad. Mukhang lahat naman sila ay seryoso pwera nalang kay Travis na nakangisi habang kausap sina Jacob at Kobe.

Hinanap ng mata ko ang isang tao ngunit bigo akong makita siya. Iyong hindi ko kilalang babae naman ay kasama nila. She must be also a Senior. Siyam lamang silang lahat. Anim na lalaki, ang isa sa kanila ay hindi nila kasama, at tatlong mga babae.

Narinig ko na mahirap daw na makapasok sa Senior. Tinatawag silang Senior dahil bukod sa pagiging magaling na mga charmers ay sila ang nangunguna sa lahat. Senior ang pinakamalakas na student charmers sa akademiya. Kaming mga Juniors naman ay mas mababa sa kanila.

Inasam-asam ng lahat ang makasama sa kanilang grupo dahil bukod sa pagiging pinakamalakas ay ipinapadala rin kayo sa mga misyon na kung saan ay pwede kayong makilala hindi lamang sa loob ng Academy maging sa labas nito.

Kaya naman ay puspusan ang pagsasanay ng lahat. Ngunit iba ako sa kanila. Nagsanay ako upang hindi mabunyag ang totoo kong pagkatao dahil hindi lamang ako ang mapapahamak pati na rin ang mga taong kasama ko sa paglihim ng aking sekreto.

Descendant of The Lost City of Cleaveria (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon