Author's Note: This chapter is unedited so please read at your own risk.
I am here inside my room resting to gain my energy back. Nakauwi na kami kahapon galing sa misyon. Wala naman akong naging ambag kaya hindi ako makangiti. Naiinis kasi ako dahil pakiramdam ko ay ako ang dahilan kung bakit naging limang araw ang aming misyon na ang palugit lamang na ibinigay ni Headmaster ay dalawang araw lamang.
Limang araw akong tulog at nagising na lamang ako dito sa aking silid. Ang panlulumo na aking nararamdaman ay hindi ko mawari. Dahil ba ito sa pagiging dahilan ng pagkaaberya o hindi. Nais ko sana kasing makita silang lahat kung paano kumilos kapag nasa misyon sila But... I failed to witness it.
Ang kumot na nakapalibot sa akin ay inis kong tinanggal bago lumabas ng kwarto.
Padarag akong umupo sa may kusina at bumuntong hininga ng malakas.
"Anong problema mo sa umaga?"
Nagulat ako kaya ang ending ay nahulog ako sa bangko. Napangiwi ako sa lakas ng impact nito sa aking balakang.
"My god, Isabelle, tayo ka." Tati exclaimed at tinulungan akong tumayo.
Ngumiwi muna ako bago bumalik sa aking upuan na himas ang balakang. Tiningnan ko ng masama ang lalaki. Agad naman niyang itinaas ang kanyang dalawang kamay senyales ng pagsuko.
"Gago ka ba?" inis na usal ko.
May narinig akong tumikhim kaya napalingon ako sa may sala. Nag-init ang aking pisngi. Lahat sila ay nandoon nakatambay pwera nalang kay Kiv na nasa kusina at may apron pa na suot. Si Tatiana ay alam kung galing rin doon sa kanila pero pumunta lamang dito upang tulungan akong tumayo.
"Sorry, babe. Hindi ko kasi alam na magugulat ka." kamot ulong pahayag niya.
Inirapan ko siya ng bongga pagkatapos ay tumayo upang silipin ang kaniyang niluluto. Ngumiwi ako kaagad.
"Sunog na ang hotdog mo tanga!"
"Alis, alis! Ako na diyan." nagmamadaling sabi niya.
Napailing ako at naghalungkat ng pwedeng kainin sa ref. May mga leftovers pa kaya iyon na lamang ang napagpasiyahan kong kainin. Ininit ko na lamang iyon at nilantakan na kaagad.
May naglapag ng sunog na hotdog at itlog sa aking harapan. Walang sabing sumubo ako at nalasahan kaagad ang pait.
"Walang pag-asang mag-asawa ka, Kiv." saad ko.
Tumawa naman siya.
"Wala akong planong mag-asawa."
"Hmm... sige." walang ganang saad ko.
Matapos kumain ay pumunta na ako sa may sala. Busy sila sa mga librong nakalatag sa lamesa. Nakakunot ang noong pilit inaaninag ni Shanti ang mga pahayag sa libro ganon din si Tatiana.
Ang mga lalaki naman ay sinusuri iyong mapa. Napansin ako ni Kobe kaya sinenyasan niya akong lumapit.
"Bakit?" tanong ko.
"May ideya ka ba sa mga simbolong ito?" tanong niya.
Tiningnan ko naman ito. Hmm... familiar ito sa akin. Parang kapareho ito ng mga zodiac signs.
"Well, I think mga zodiac signs ang tawag diyan."
Pinagmasdan ko iyong mabuti. Ang kaibahan nito ay pares-pares ang kanilang posisyon. Ang Virgo ay katabi ng Pisces, ang Cancer ay katabi ng Libra, Capricorn with Gemini, Scorpio and Aries, Tauros and Leo, ang huli naman ay Sagittarius at Aquarius.
6 pairs of zodiac signs.
"Anim na pares ng zodiac signs. Look ito ang Virgo at ang kapares niya ay ang Pisces. Kung titingnang mabuti ay para bang simpleng pares lamang iyon." paliwanag ko. "Pero hindi ang nakalagay dito. Ang alam ko ay infinity sign ang tawag dito." sabay turo sa gitna ng dalawang signs

BINABASA MO ANG
Descendant of The Lost City of Cleaveria (UNEDITED)
FantasíaShe's not an ordinary person as what she thinks of herself. The untold truth will unfold. The long journey will start. Her story will begin. Everyone's life will change. And there's no time to escape.