Hawak ko ang aking dalawang pisngi habang ang mga siko ay nakatukod sa mesa at pinigipigilan ang aking antok. Nagsasalita ang aming history teacher at talaga ngang nakakaantok ang history.
Puros mga nangyari na naman ang mga sinasabi sa harap. Halos mapapikit na ako sa antok. Ang nakaraan ay dapat nang ibaon sa limot. Kaya nga maraming nasasaktan diyan kasi hindi marunong makalimot.
Ano bang meron sa past at pilit binabalikan? Past na naman 'yon diba? Hindi na maibabalik. Hindi na maitatama. Tsk tsk tsk.
"Ang engot naman nito."
"Are you saying something, Ms. Recafort?"
Doon nagbalik ang aking diwa.
I bit my lower lip.
"A-ahh... wala po, Miss." napapahiyang saad ko sabay iwas ng tingin.
Tinaasan niya ako ng kilay.
"Siguraduhin mo lang at nakikinig ka dahil baka maisulat ang iyong pangalan sa kasasaysayan na lutang sa klase. Nakakahiya naman ata 'yon." striktang ani pa niya.
Nagtawanan ang mga kaklase ko kaya mas lalo akong napahiya. Ang alam ko mga makasaysayang tao lamang ang napapasali sa history book na 'yan. Wala namang saysay ang buhay ko. Tss! Si ma'am hindi rin marunong mag-isip.
"Alam niyo bang bukod sa ating mga charmers ay may iba pang nilalang na nag eexist? Maliban nalang sa mga nilalang na nasa Dark Continent dahil hindi na natin sila sakop. Ang ating continent ay binubuo ng uri ng mga nilalang. Kung charmers ang tawag sa atin, sa kanila naman ay casters. They can cast everything that they chant. As you could see... we produce our charms through our own hands while them, they produce it through their own wands."
"So parang witch po, Miss?" sabat ng isa sa amin.
"Sort of but not really. Iba ang witch sa kanila. Limitado lamang ang kayang gawin ng mga witches kumpara sa kanila na kaya nilang maglabas ng iba't-ibang castels. Kung sa mga witch spells ang tawag sa lumalabas sa kanilang mga wands castels naman ang sa mga casters."
Napaisip naman ako. Kung gano'n ay hindi lamang mga charmer ang naninirahan sa continent na 'to. I wonder what they look like.
"Anyong tao rin po ba sila like us, Miss?"
Natawa si ma'am. "Of course! Anyong tao rin sila katulad natin. Katulad ng mga nasa Dark Continent rin. Ang kaibahan lang naman natin ay kung papaano natin naipapalabas ang ating mga kapangyarihan."
Mas naging curious ako sa discussion. Umiiral na naman ang pagiging marites ko.
Kung sa charmers ay sa kamay at sa casters ay gamit ang kanilang mga wand, paano naman ang sa taga Dark Continent?
Nagtaas ako ng kamay.
"Oh, yes, Ms. Recafort? I'm glad that you are now paying attention with our discussion."
Epal naman nitong si ma'am. Game na game akong ipahiya.
Tumayo ako ng dahandahan. "You mentioned already kung paano po mag produce ang charmers at castes ng kanilang mga kapangyarihan." tumango siya sa akin. "Yung mga kampon ng kadiliman po, how about them?"
"Bright question. Well, they produce their own magic through their senses. You know
senses, right? They can produce it using their mouth, eyes, ears and hands."Nagulantang ako. Mas marami silang advantage kaysa sa amin.
"Saang parte ng continent nakatira ang mga casters, Miss? I want to encounter one." sabi ni Kara.
Napatingin ako sa kanyang direksyon. She's smiling while asking. The teacher also smiled.
"Unfortunately you can't do that, Ms. Guerrero."
BINABASA MO ANG
Descendant of The Lost City of Cleaveria (UNEDITED)
FantasiShe's not an ordinary person as what she thinks of herself. The untold truth will unfold. The long journey will start. Her story will begin. Everyone's life will change. And there's no time to escape.