As I sat alone in this place, I can feel the wind blowing gently. Hear the birds' chirps and smells the sweet scents of the flowers all around me.
I sighed. I think the tranquility here somehow helps me to relax.
Mariin akong napapikit habang kinakalma ang sarili at pilit ginagaya ang kapayapaan ng lugar. Payapa na gusto kong yumakap sa aking buong pagkatao.
Sumabog ang aking buhok dahil sa lakas ng hangin kaya naman ay sinikop ko ito at pinulupot sa bandang leeg. Natigilan ako at hinaplos ang bahaging 'yon.
I gulped and closed my eyes tightly. My tears fell. Suminghot ako at pilit na pinipigilan ang bikig na namumuo sa aking lalamunan. Nanginig ang aking labi dahil sa pagpipigil.
Pinalis ko ang aking luha kasabay nang pag-alala sa aming naging usapan.
Nandito ako sa mini forest kasama si Dark. Ayaw kong mapag isa pero kinakain ako ng hiya. I remembered the face of Kara when I said that I will not join them for lunch. Nahihirapan din kasi akong iapproach sila dahil maraming kumakausap na estudyante sa kanila. Kahit saan man sila magpunta ay may nag-uusisa parin at pilit silang kinikilala.
Well, sila lang kasi hindi naman ako nakapasok sa SSC.
Humakbang ako papalayo dahil dinumog na sila. Natawa pa nga ako dahil daig pa nila ang mga artista sa raming nais magpakilala.
"Ano ba! Doon nga kayo!" singhal ni Amari sa kanila. Kara laughed at her and apologized to them.
"Hayaan mo na kasi."
Nakangiti ko silang pinagmasdan.
"Naaalibadbaran kasi ako. Gago, ang paplastik! Matagal na naman tayong estudyante rito tapos ngayon lang sila lalapit sa atin? Hah! Wag ako!"
"Amari?!" saway pa ni Kara.
"Alis nga!"
Doon lamang nagsialisan ang mga estudyante. Napalinga-linga si Kara sa paligid at nang makita ako ay ngumiti siya ng malapad.
"Isabelle, tara na!"
Tumango ako at lumapit na ulit sa kanila.
Pagpasok pa lang namin sa room ay naghiyawan na ang aming mga kaklase.
"Lupet niyo naman!"
"Ang gagaling nila!"
Bumaha ng mga papuri pero niisa ay wala akong natanggap na para sa akin. Bumuntong hininga ako at dumiretso sa aking upuan. Pumasok ang aming guro sa History at inulan na naman sila ng papuri.
Sumapit ang lunch ay mabilis na lumapit sa kanila ang aming mga kaklase. Lahat ay gustong makasabay sila. Matamlay akong tumayo sa upuan at lalapit na sana sa kanila pero may taong dumaan sa aking harapan dahilan upang masagi ako.
BINABASA MO ANG
Descendant of The Lost City of Cleaveria (UNEDITED)
FantasyShe's not an ordinary person as what she thinks of herself. The untold truth will unfold. The long journey will start. Her story will begin. Everyone's life will change. And there's no time to escape.