Author's Note: This chapter is unedited so please read at your own risk.Nasa clinic ako ngayon at ginagamot ng isang nurse. Kasama ko si Tatiana at Stan. Hindi ko alam kung nasaan si Dion. Bigla nalang kasi itong umalis pagkatapos niya akong ilapag sa hospital bed.
Bad trip pa nga iyon sa akin eh. Masakit na nga buong katawan ko pinagalitan pa ako.
Murahin ba naman ako sabay pitik sa noo?
Ngumingiwi ako habang nilalapatan ng gamot ang aking likuran. Nakadapa ako sa kama habang nakataas ang aking tee shirt.
"It looks awful, Isabelle. Ano ba kasing nangyari?" tanong ni Tati.
Saglit ko siyang nilingon. Nakangiwi pa siya na para bang siya ang nasasaktan sa sitwasyon ko ngayon.
"Tinatamad akong magkwento ng katangahan ko. Mamaya ko nalang sasabihin at alam ko namang that demon will interrogate me." I said.
"Yeah, he will definitely punish you, Isabelle. Lumabas ka ng boundary ng hindi namin alam. Ano ba kasing pumasok sa kukute mo at pumunta ka doon?" sermon ni Stan. Himala at kinakausap na niya ako ngayon.
"Tinatamad nga kasi akong magpaliwanag!" singhal ko.
"She damaged her back really bad. You said that she fell in a cliff, medyo masama siguro ang kanyang bagsak." Sabi ng nurse na sumusuri sa akin.
Napangiwi ako nang diiinan ng niya ang paglapat ng mga gamot. Uso pa pala herbal dito sa kanila.
"Magtiis ka muna sa mga halamang gamot dahil busy ang mga healers ngayon. Ipinadala sila sa ground dahil maraming napuruhang mga estudyante sa kanilang trainings."
Tumango naman ako. Napag-alaman ko na lunes na ngayon. Sabado ako noong nawala so mahigit dalawang araw akong nasa gubat.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapayagang kumain. Tanging isang mansanas at tubig lamang ang iniabot sa akin ng demonyo. Naiinis na nga ako eh. Parang parusa niya iyon sa akin.
Mukhang sa gutom ako mamamatay.
"Instead of practicing for your leveling, you're here inside the clinic. Being stubborn might kill you, woman."
Speaking of the devil.
"Hindi ka pa ba tapos sa kakasermon sa akin?" inis na tanong ko.
Pumwesto siya sa harapan ko.
I met his dark eyes. Galit na naman po siya.
"Shut up."
Inirapan ko lamang siya at ngumiwi.
"Can I eat already? Hindi ako mamamatay sa pagkabali, I will die because of starvation!" reklamo ko.
"Not my problem anymore." bored na tugon niya.
Hindi na lamang ako umimik. Nakakawalang ganang kausap itong damuhong 'to.
Medyo gumaan na rin ang aking pakiramdam epekto siguro ng gamot.
Napansin ko rin na mag-isa na lamang ako sa silid. Nagpaalam na sila at may aasikasuhin daw. As usual, pinagbantaan muna ako ng isa bago umalis.
Dahan-dahan akong umayos ng higa. Medyo nagagalaw ko na ang aking katawan.
I checked my bed side table. Napasimangot ako. Puros mga mansanas lamang ang nasa lamesa. Nakakainis talaga.
I closed my eyes and let my mind be at peace. Masyado na akong nagpapadala sa mga nangyayari sa akin dito. Nakakatakot ang pinasok kong buhay but then I know that there's a reason why all of this happened.
BINABASA MO ANG
Descendant of The Lost City of Cleaveria (UNEDITED)
FantasyShe's not an ordinary person as what she thinks of herself. The untold truth will unfold. The long journey will start. Her story will begin. Everyone's life will change. And there's no time to escape.