Chapter 14

27 1 0
                                    


Author's Note: This chapter is unedited so read at your own risk.

Kasalukuyan kaming naglalakad sa gitna ng kagubatan. Kasama ko parin ang lalaki na hanggang ngayon ay hindi ko parin alam ang pangalan. Medyo nasanay na rin naman akong indahin ang sakit sa katawan. Kaya walang kaso na sa akin ang maglakad nang maglakad.

Hindi ko alam kung anong oras na. Kanina pa kasi kami palakadlakad.

Nag-ingay ang aking tiyan.

Sabay na tumingin kami doon. He chuckled.

"Oy, gutom na raw ang mga alaga mo."

We're not that close para magbiro siya sa akin pero ayos na rin 'yon. Kaysa naman magsapakan kami diba?

"Humanap muna tayo ng makakain." usal ko.

Lumingalinga ako. Napapalibutan kami ng mga punong kahoy. Madilim parin ang paligid at medyo malamig.

"Marunong ka bang umakyat ng puno?" tanong ko sa kanya.

"Anong akala mo sa akin?" halata ang inis sa boses niya.

"Mukha ka kasing lampa para sa akin." tawa ko pa.

Mas lalo siyang nainis at padabog na naglakad papauna sa akin.

Pikon tsk!

Wala akong makitang kahoy na may bunga kaya napasimangot ako. Sinapo ko ang aking tiyan at naglakad pahabol sa lalaki.

"Ayon!" mahinang sigaw niya.

Sinundan ko ng tingin ang kanyang tinuro. May mga ubas sa bandang ro'n!

Tinakbo ko naman ang puno ng ubas. I smirked widely and looked at him.

"Bilisan mo! Ikaw ang papaakyatin ko."

"Tsk!"

Nang makalapit siya sa akin ay tinulak ko na siya sa harapan ng puno. Wala siyang nagawa kung hindi ang umakyat. In fairness ay magaling siya. Para ngang unggoy dahil walang kahirap-hirap siyang nakarating agad sa itaas.

Do not judge the book by it's cover ika nga.

"Saluhin mo! Huwag mong ihuhulog dahil wala tayong tubig panghugas para diyan!" utos niya sa akin habang hawak ang pungpong ng ubas.

"Ang arte naman nito." mahinang bulong ko.

Inihulog niya na ito sa akin na nasalo ko naman kaagad. Sumubo ako at napapikit. Ang tamis!

Sunod-sunod ang naging subo ko habang sinasalo ang inihuhulog niya sa itaas. Hindi ko naman siya mauubosan dahil marami naman ang mga bunga.

I continued chewing the fruit inside my mouth. Ganoon din siya sa itaas. Kumakain katulad ko.

Matapos naming kumain ay bumaba na siya at nagpatuloy kami sa paglalakad. Masyado akong nabusog kaya wala akong imik. Nakakapagod magsalita kapag busog.

Makalipas ang ilang minuto ay nasalita siya.

"May mga kilala ka ba na kasali sa leveling ngayon?" tanong niya sa akin.

Bahagya akong napaisip. Anong akala niya sa akin... friendless? Pero hindi ko naman kaibigan ang dalawang 'yon. Kakilala lang.

Napatango-tango naman ako.

"Yep. Ikaw ba?" tanong ko pabalik.

Nagkibit balikat siya. "Mga kaklase lang na hindi ko naman kasundo." sagot niya.

Natawa naman ako.

"Hindi mo kasundo? Mukhang masungit ka sa klase niyo ah?"

"Hindi naman." simpleng sagot niya.

Descendant of The Lost City of Cleaveria (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon