Chapter 15

33 1 2
                                    

Inilibot ko ang aking paningin sa buong silid. Puting kisame, puting dingding at puting kumot. Amoy gamot at may dextrose sa gilid.

I sighed. Nandito na naman ulit ako.

Pilit kong inaalala ang nangyari at kaunti lamang ang aking natatandaan. Ang huling naaalala ko lang ay nahimatay ako pagkatapos kong makawala sa dambuhalang ahas na 'yon. Tapos ay nagising sa loob ng puting silid na 'to.

It means that the leveling is over. I closed my eyes and took a deep breath.

The feeling is heavy. I'm alone in this room now while I'm lying flat. The surroundings seem to be quiet. I couldn't pinpoint where my sadness was coming from.

Sanay naman akong mag-isa pero bakit nakakaramdam parin ako ng kalungkutan?

Napailing ako.

Mukhang iba na ang pinaghuhugutan nito.

The door opened. The nurse came in with a chart. She smiled at me so I tried to smile back.

"How are you feeling?" malumanay na tanong niya.

"I don't know." mahinang usal ko habang nakatingin sa kawalan.

I heard her sigh before speaking again.

"You've slept for three days, Miss Recafort. You exhausted yourself so much that you did that. But don't worry. Pwede ka ng lumabas mamaya."

I nodded without looking at her. Narinig ko lang ang papalayong yapak nito. Pumukit ako ng mariin at nag-isip.

Did I fail?

Natigilan ako. Does it matter?

My purpose is not to get caught. Hindi naman ako nahuli. Pero hindi nga ba?

Inis kong ginulo ang aking buhok.

"Aish! Stop overthinking, Isabelle. It's nothing!"

Dahil sa pagiging stress sa iniisip ay hindi ko namalayan ang pagpasok ng isang panauhin.

"Hindi ko alam na nababaliw ka na pala."

Nilingon ko ang boses na 'yon.

"Kailan pa tayo naging close?" pabalang na tanong ko. Tumawa lamang siya at umupo sa upuang nasa gilid ng aking kama.

"Kamusta ang iyong pakiramdam?"

"Hindi ko alam."

"Bakit hindi mo alam?"

Nag-iwas ako ng tingin. Eh, sa hindi ko alam!

"Ang haba ng tulog mo pero mukha ka paring puyat."

I sighed. Pang-ilan ko na ba 'to?

"May iniisip lang."

Natahimik kami. Ayaw kong magsalita habang siya naman ay parang nababasa ang aking kilos.

"Ayaw mong paistorbo?"

Nilingon ko siya at kinunotan ng noo.

"M-may sinabi ba akong ganyan?"

Nagkibit balikat siya. "Wala naman... naisip ko lang."

I watched him. May cast ang kanyang braso and his forehead is bandaged. He seems to be fine now because he is in a better image than the last time saw him.

"Nasaan," I looked away and gulped. "Nasaan ang iba?"

"May mga inaasikaso. Don't worry ayos lang sila pareho. Sadyang sobrang pagod mo lang talaga at natagalan kang gumising"

Napahinga ako ng maluwag. Mabuti naman.

"I just checked on you. I'll go ahead now. Pinapatawag kasi ako. Dinaanan lang talaga kita ng sadya."

Descendant of The Lost City of Cleaveria (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon