Chapter 17

31 1 0
                                    


"How's Kiv and Harper?" I asked Tatiana.

"Ayos na naman sila. Naagapan kaagad ang lason na kanilang natamo."

Tumango naman ako at nag-iwas ng tingin.

"Ikaw, kumusta ka?" tanong niya.

I didn't answer her. Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin. I heard her heaved a sigh.

"We are sorry, Isabelle." she paused. Narinig ko ang pagsinghot niya kaya gulat tuloy akong napalingon sa kanya. "Kung hindi dahil sa desisyong ginawa namin ay hindi ka sana mapapahamak... pati na rin sila."

Napalunok ako at bahagyang tumikhim. Alam ko ang kaniyang sinasabi. Alam ko na naman iyon simula pa noong una. Pinakialaman nila ang resulta ng leveling. Makakapasok sana ako instead of Flame pero hindi na naman iyon importante sa akin ngayon. Hindi ko na iniisip pa ang bagay na 'yon.

"Kung sinabi lang sana namin sa'yo ang lahat ay ayos na sana. Sana hindi ka napahamak. Sana... hindi lumayo ang loob mo sa amin. "

I bit my lower lip. Totoo ang kanyang sinasabi. Iniiwasan ko na sila ng isang linggo. Hindi dahil bitter parin ako sa nangyari kundi ay nahihiya ako sa kanila. Kagaya ngayon. Sobrang nahihiya ako sa nangyari. If I didn't let my emotions swallow me edi sana walang napahamak.

Humikbi ako. Ngayon lang nag sink in sa akin ang lahat. Lahat ng katangahan ko... lahat ng mga ginawa ko.

I cried hardly. Nataranta naman si Tatiana.

"May masakit ba sa iyo? Ano? Sabihin mo sakin." Hinawakan pa niya ang aking kamay. Umiling naman ako. "Tatawagin ko ba ang nurse? Si Shanti? Tatawagin ko lang ha. Please... s-stop crying."

I saw her shed a tear that made me feel bad.

"I'm sorry..." I whispered between my sobs. "Sorry talaga. Sorry kasi pinag-isipan ko kayo ng masama. Sorry kasi lumayo ako sa inyo. Hindi naman ako galit sa inyo. Nahihiya lang ako," pinalis ko ang aking mga luha. "Nahihiya ako kasi pakiramdam ko ay hindi niyo na ako tatanggapin. Hindi niyo na ako papapasukin." I sobbed more. "S-sobrang hina ko kasi." She shook her head multiple times.

"No..."

"Iyon ang totoo, Tatiana." pigil ko sa kanya. "Kung hindi lang sana ako naging mahina edi sana hindi sila mapapahamak. Hindi mapapahamak ang mga kaibigan natin. Kaya sorry kasi k-kasalanan ko."

Bumuhos lahat ang lungkot sa akin. Parang piniga ang aking puso.

I saw Amari with Kara. Nasa may pintuan din sila. Kara was crying habang nakaiwas naman ang tingin ni Amari. Mas lalo akong naiyak.

"H-hindi..." nabasag ang boses ni Kara. Lumapit siya sa amin. "It's not your fault. Wala kang kasalanan."

"Kami dapat ang mag sorry kasi ipinaramdam namin sa'yo na iniwan ka namin. Ang gusto lang naman namin ay protektahan ka. Protektahan ka sa maaaring manakit sa'yo." pagpapatuloy niya.

I nodded. Sobrang hina ko kaya kailangan nila akong protektahan na hindi naman nila obligasyon.

"Nakita ng council kung paano mag-iba ang kulay ng iyong mata habang nasa loob tayo ng gubat. Nagduda na sila sa iyong katauhan. Kami rin naman ay nagulat pero hindi namin hahayaang makuha ka ng mga taga council. Hindi pa naman kumpirmado ang iyong katauhan. But we will never let them hurt you." sabat ni Amari.

I stared at her confusedly.

"What are you talking about?"

"Hindi ka tao lamang, Isa. Maaring isa ka sa amin at iyan ang aalamin namin."

Lumakas ang pintig ng aking puso.

My blood...

I closed my eyes. Pilit inaalala ang nalaman ko rin tungkol sa akin.

Descendant of The Lost City of Cleaveria (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon