Chapter 13

25 1 0
                                    


Author's Note: This chapter is unedited so please read at your own risk.


Nakatayo kaming lahat na Juniors sa labas ng isang malaking kagubatan. Ang lahat sa amin ay bitbit ang aming mga weapons at naghihintay ng signal mula sa itaas. Sabay-sabay kaming papasok sa kagubatan at makikipaglaban sa kung ano ang naghihintay sa amin sa loob.

Kinakabahan ako at mahigpit ang pagkakahawak sa aking sandatang pana. I am imagining the creatures that we will face inside. We are not going to fight with the other students inside. If our path cross then so be it. Mga beast lang naman ang kakalabanin namin sa loob at bawat beast ay may puntos na nakalaan depende sa level nito.

May mahihinang beast ngunit maliit na ang puntos na nakalaan habang iyong malalakas ay malaki. Target ng lahat iyong mga malalakas ngunit wala akong pake doon. Makalabas lang ng buhay mula sa loob ay ayos na.

"Students of Mindiana Academy listen carefully. You will fight every beast that you will encounter inside the forest. They are all part of the illusion but not the forest. Everything that you will see inside are all illusions. But you'll still feel the pain from your injuries but once you get out from there, it will vanish. Check your device from time to time so you will know your points. That's all! Be vigilant and strong enough to be part of the Student Senior Charmer. Goodluck!"

Sunod-sunod ang naging hiyawan ng lahat matapos ang pahayag na 'yon. Sinipat ko ang device na nakakabit sa aking braso. May pulang dot iyon at nang pindotin ko ay zero ang nakatatak doon. It will change once I get the chance to finish a beast. Depende sa level ang magiging score ko.

"Looks like this year's leveling is more exciting than the previous one."

Nilingon ko si Amari na busy sa pagsipat ng kanyang espada. Kahit ngayon ay namamangha parin ako sa kanyang sandata. Mukhang cool kasi tingnan sa babae kung ganoon ang sandata mo pero hindi naman ako masyadong nahasa sa paggamit nito. Nakafocus kasi ako sa pana ko.

"Right. Masyadong naiba talaga ang rules. Mukhang may kinalaman ang councils dito." sang-ayon naman ni Kara.

"You can enter the forest in three!"

Sumeryoso na ako at tinignan ng diretso ang gubat. May trauma pa ako sa ganitong lugar ngunit wala akong choice. Pakiramdam ko rin naman ay hindi na ako ganoon kahina katulad ng dati.

"Two!"

Kinabahan ako kaya napahinga ako ng malalim. Kaya ko 'to.

"One!"

Kakayanin.

"Go!"

Nakatayo parin ako habang ang lahat ay nagsitakbuhan na sa loob. Ang dalawa naman na nasa aking tabi ay ganoon din ang ginawa.

Halos lahat ay sabik na pumasok sa loob ng gubat habang kami ay nandito lamang dahil mandatory. Wala sa plano ko ang makapasok sa Student Senior Charmers. Masyadong delikado 'yon para sa akin. Si Kara naman ay ayaw ng magulong paligid kaya ayaw niya ring mapasali. Si Amari? Ewan ko sa kanya.

"I'll go ahead. Let's get it started." nakangising sabi niya at nagsimula ng lumakad papasok.

Huminga muna ng malalim si Kara bago lumingon sa akin.

"I'll see you inside. Bye for now."

Pinanood ko silang pumasok bago nagsimula na ring humakbang. Kahit saan ako dalhin ng aking mga hakbang ay hindi ko na binigyang pansin 'yon. Walang gana akong naglakad. Huminto lamang ako dahil napansin kong ako nalang mag-isa sa labas. Napailing ako at lumingon sa likuran.

Descendant of The Lost City of Cleaveria (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon