Author's Note: This chapter is unedited so please read at your own risk.I am really amazed while looking at my classmates wilding different kinds of charm using their hands. My jaw dropped as I witnessed their charm manifestation. Bawat bato nila ng kanilang charm sa isa't-isa ay nakakamangha. Parang sanay na silang gawin ang bagay na iyon na natural nalang nilang ipinalalabas. We are not yet seniors but they are way capable of managing their charms very well.
I am silently watching them attacking each other. Wala akong balak na sumali dahil wala naman akong ganon. I already informed Miss Jaya at alam na raw niya ang tungkol sa akin. Napaalam na raw ni Headmaster Jin sa kaniya.
Instead of joining my classmates, she let me observe them. Nagtataka pa nga sila kung bakit nakatayo lamang ako sa labas ng barrier na ginawa ni Miss Jaya.
Hindi raw pwedeng malaman nila na isa akong charmless at baka ma bully pa ako. They will question my existence at makakarating ito sa council. Iyon ang iniiwasang mangyari nila Headmaster. I think they are trying to protect me for some reasons.
Nakakamangha ang taglay na lakas ng aking mga kaklase. Napalingon ako sa bandang kaliwa. Nakita ko roon si Mandy, iyong babeng naging kalaban ko sa physical combat. Nagpapalabas siya ng yelo mula sa kanyang palad.
Matutulis na yelo ang tumama sa balikat ng kanyang kaharap. I think her name is Amari, isang wind charmer. Ikinumpas niya ang kanyang kamay at bumuo ng maliliit na ipo-ipo. Umiikot-ikot ang mga ito patungo sa direksyon ni Mandy na pilit niyang iniiwasan.
Napagtagumpayan niyang iwasan ang isang ipo-ipo ngunit ang isa ay hindi. Tumalipon siya, napansinghap ako dahil may isa pang ipo-ipo patungo sa kanyang pwesto. Agad naman niyang tinukod ang kaniyang kaliwang kamay sa lapag at itinaas ang kanang kamay.
Ang maliit na ipo-ipo na tatama sana sa kanya ay naging yelo. Napasipol ako sa pagkamangha. She looked at my side and raised her middle finger.
Napaka maldita talaga ng babaeng 'to.
Amari immediately released another set of little tornadoes. But Mandy quickly made them frozen. Pinitik lamang niya ang kanyang kamay at marami nang bumalusok na ice daggers patungo kay Amari.
Nahirapang iwasan ni Amari iyon kahit na ginamitan pa niya ito ng hangin upang manipulahin ang direskyon kung saan ito tatama. Isang daan atang ice daggers ang pinakawalan ni Mandy.
Natapos ang labanan na maraming sugat sa katawan si Amari habang si Mandy naman ay hindi masyadong napuruhan. Isinakay sa stretcher si Amari at nilapitan naman ng isang lalaking healer si Mandy.
Nakita ko pa ngang napakamot ng batok ang lalaki. Mukhang tinatarayan na naman ni Mandy.
Tumalikod na ako at lumabas ng silid na iyon. Kailangan kong pumunta sa ibang training room. Balak kong pag-igihin ang pag gamit ng mga daggers o kahit anong sandata na magagamit ko upang protektahan ang aking sarili habang nandito pa ako.
Pumasok na ako sa Offense Room. Nandito lahat ng mga weapons na ginagamit ng mga estudyante sa weaponary class.
Lumapit ako sa lamesa na kung saan ay nakahilera ang mga daggers. Pero lumagpas ang aking tingin sa harapan nito. Nakasabit sa isang estante ang bow and arrow. Kumislap ang aking mga mata. Mukhang may pagkakaabalahan ako habang wala rito ang tatlo.
Ngumisi ako at kinuha iyon sa estante. I stretched the bow and checked the arrows. Kinuha ko ang lagayan ng mga palaso. Hinuha ko ay nasa bente lahat iyon.
Nagmamadali akong lumabas ng silid. May isang lugar na pumasok sa aking isipan kung saan ako mag-eensayo.
Tinakbo ko ang likurang bahagi ng academy. Hindi naman ako lalagpas ng perimeter dahil may bakod naman doon. Sa harap ng bakod na nasa likuran ng akademiya ay may mini forest doon. Sa lugar na iyon ang tungo ko.
BINABASA MO ANG
Descendant of The Lost City of Cleaveria (UNEDITED)
FantasíaShe's not an ordinary person as what she thinks of herself. The untold truth will unfold. The long journey will start. Her story will begin. Everyone's life will change. And there's no time to escape.