I've been here in Academy for almost two weeks already. Medyo nakakapag adjust na rin naman ako. I already know how to aim the center of the dummy.
Salamat sa pangungutya ng mga kaklase ko. Na motivate nila ako. Please note the sarcasm.
May bibilhin kami sa bayan ni Tati kaya heto ako ngayon at nag-aayos. I just wore a plain white tee shirt that I paired with mom jeans.
Dinampot ko ang white sneakers at lumabas na ng dorm.
Natanaw ko si Tatiana sa kalayuan. She noticed me and wave her hand. Aliw din ang isang 'to.
I laughed and went to her.
I am busy admiring the view outside the carriage. Ngayon lang ako nakalabas ulit ng academy kaya sinulit ko na.
Tahimik lang ang aking kasama sa aking tabi. Nang silipin ko ay nakaidlip ata.
The busy streets put a smile on my face. Masyadong maingay at magulo ngunit masayang pagmasdan.
I saw girl running while some of her playmates were chasing her. Their laughter filled the area. Mahina akong napatawa. I was busy admiring the chaotic scene outside until the carriage stopped.
"We're here!" masiglang anunsyo ng kasama ko.
I excitedly went outside.
We're in the market. A lot of stores were can be seen. Medyo matao kaya nakakapit ako sa braso ni Tati. Baka mawala pa ako mahirap na.
May store kami na nadaan na nagtitinda ng iba't-ibang bracelets and anklets. Nag ningning tuloy ang aking mga mata.
"Gusto mong bumili?" tanong ni Tati. I nodded.
Hinila ko siya papuntang store na iyon. Nagpatianod naman siya sa aking hila.
"Pili lang kayo mga munting binibini." nakangiting pahayag ng matandang tindera.
I smiled at her.
"Magkano po ang isa?" I asked.
"Depende po sa desinyo at laki."
Hinila ko ang manggas ng damit ni Tatiana. She raised her brows.
"I need some penny." I said. She giggled and gave me lots of it.
Puros mga bronze ang binigay niya sa akin. Bronze ang pinakamababang halaga ng pera nila dito. Sumunod naman ang silver at ang pinakamataas ay ang ginto syempre.
I saw a cute anklet. Dalawang magkapares iyon kaya dinampot ko. Pumili narin ako ng limang bracelets na may iba't ibang desinyo.
"Heto na po lahat, manang"
Inabot ko ang aking napiling anklet kay Tatiana na gulat naman niyang tinanggap.
"Matchy tayo." I said.
"Thank you, Isa."
"Sampong bronze para sa isang pares ng angklet at isang pilak para sa limang pulseras, iha."
Inabot ko ang sampong bronse at inabot naman ni isa ang isang pilak. Wala kase akong pilak.
Pagkatapos namin doon ay hinanap na namin ang tindahan na pakay namin.
Actually si Tatiana lang naman ang inutusan ng Headmaster pero nagpumilit akong sumama dahil wala akong magawa. Walang pasok dahil Sabado ngayon. Napag-alaman ko na Senior na pala ang tatlo at kahit magka edad lang naman kami ay kailangan ko munang magsimula sa mababang klase ng pag-aaral.
Ayaw ko namang dumiretso ng Senior at baka mas lalong pahirapan lamang ako roon.
Pumasok kami sa isang store na kung saan ay libro ang itinitinda. Mula sa labas ay nakita kong yung batang babae na hinahabol kanina ng kanyang mga kalaro.
BINABASA MO ANG
Descendant of The Lost City of Cleaveria (UNEDITED)
FantasíaShe's not an ordinary person as what she thinks of herself. The untold truth will unfold. The long journey will start. Her story will begin. Everyone's life will change. And there's no time to escape.