Chapter 5

21.8K 1.3K 631
                                    

“I have set the LORD always before me. Because he is at my right hand, I will not be shaken.” – Psalm 16:8 NIV

**

Chapter 5

Deanne

I knew that it could be possible. But I never knew that it could happen . . .

Two different last words but the second one hit my reality. It happens.

His voice is mad. He’s frustrated and I can see it now through his reddened eyes. Kahit na may mga taong halos marinig ang sinasabi niya, wala siyang pakielam. He continued proposing that set up to me and I can’t stop his mouth. My fist clenched over my lap. My lips tightly pursed together. I didn’t like his view of our relationship. 

And it crestfallen me.

He scoffed at me after he finally notices my silence. “Don’t give me that cold treatment, D.” he told me in a lower voice now. 

Nasa harapan na lang kami ngayon ng lugawan. Iniwan ko na lang sa mesa ang pagkain ko dahil hindi ko na maramdaman ang lasa no’n. Pati ang gutom ko ay wala na rin. Kasunod ang tatlo kong bodyguard. Grey looked back at them and sighed heavily. Humalukipkip ako at tumayo nang deretso. Ignoring every heavy breath that he is releasing towards the air. It polluted me. 

“Kaya mo bang tiisin ang gan’yang buhay? Ano? Gusto mong palaging may nakabuntot sa ‘yong bodyguard kahit personal ang lakad mo?” 

Matalim akong kumurap nang hindi siya tinitingnan sa gilid ko. 

“That’s their job.”

“Hindi ka apektado? Pinagmumukha kang bata!” 

I angrily looked at him. “So what? Ako lang ba ang nakakaranas ng gan’yang treatment?”

“Oo naman! Ikaw ang mapera rito, ‘di ba?” 

Namilog ang mga mata ko. He threw a sarcastic tone on me. 

Pinagmasdan ko siya. Why is he being like this to me? Okay. Siguro ay naninibago siya sa ganitong karami na nagbabantay sa akin pero hindi na ito bago kahit noon pa. Mayroon din namang time na pinapayagan ako ni Dad na walang bodguard. I may not be in favor of increasing the numbers but it serves its purpose. That is to protect me. For my security. 

Hindi ba iyon maintidihan ni Grey? It bothers him so much now?

“Why is this bothering you now, Grey? What’s wrong with it?”

He glanced twice at me. Para bang hindi niya ma-steady ang pagtingin sa akin pero sa pangatlong tingin ay tuluyan na siyang humarap sa akin. Bumuntong hininga at madiin na pinaglapat ang labi. 

“Nasa tamang edad ka na pero iniisip mo pa rin ang sasabihin ng pamilya mo kapag nagsama na tayo. Dapat nga after college ay humiwalay ka na sa parents mo. Kaya na nating buhayin ang isa’t isa!”

Mapait akong tumawa. My lips parted unbelievably. 

“Did I ever say that I don’t want to be with you?”

“Bakit hindi mo sagutin ang gusto ko ngayon? Bakit nananahimik ka? Iniisip mo ba ang nararamdaman ko? Binabalewala mo ang sinasabi ko dahil mahina ang kita ko sa pagbabanda.”

“Woah, Grey. Teka. Hindi lang ako umimik, ang dami mo agad na akusasyon sa ‘kin?”

“Ano pala ang gusto mong isipin ko sa hindi mo pagsagot? Hangin lang ako? Bato? O taong walang silbi sa babaeng tulad mo?”

“Does it even matter to you if ever your words are too painful to me, huh?”

Agad niyang iniwas ang mata sa akin. Pero hindi nawawala ang galit sa kanyang mukha. 

Lips Of A Warrior (De Silva Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon