Praise the LORD, O my soul, and forget not all his benefits-who forgives all your sins and heals all your diseases.” – Psalm 103:2-3 NIV
**
Chapter 20
Deanne
“Ma’am juice po,”
Mula sa pagbabasa ng libro, nilingon ko ang nakakulay kremang uniform na babaeng nagbaba ng tray sa katabi kong mesa. Chineck ko kung ano iyon kahit sinabi na niyang juice. It’s an orange juice with little red umbrella and sliced of orange hanging over the rim.
Kumunot ang noo ko at tiningala ang babae. “Hindi naman ako nagpahingi niyan, ah.”
Nag iisa lang ako sa sun lounger at nasa lilim ng mataas na puno. Kahit mga tauhan ni Yale na nagkalat sa isla ay hindi mahagip ng paningin ko. O baka hindi lang siya nagpapakita sa akin para hindi ako maistorbo sa pagsisiyesta ko?
Pagkababa niya sa baso. Tumayo siya ng tuwid at ngumiti nang matamis sa akin.
“Si Sir Yale po ang nagpadala, Ma’am. Dalhan daw po kayo at baka kayo nauuhaw.”
“Nasaan ba ang Sir mo?”
“Sa loob po, Ma’am. May kausap sa phone.”
I sighed. Ewan ko at kamuntik ko pang irolyo ang mga mata ko sa narinig.
“Okay. Salamat.”
“Sige po, Ma’am. Enjoy po!”
Nginitian ko siya bago ito umalis at iwan akong mag isa sa tabing dagat. Tiningnan ko ang mataas na baso na nagpapawis na ang katawan sa lamig. Kinuha ko iyon at sumimsim. I smiled after I tasted its natural sweetness and coldness. Na nagpakilig nang kaunti sa akin bago ko binalik iyon sa tray.
Bumalik ako sa pagkakahiga sa sun lounger at tinaas ang libro. Hindi ko na muna binaba ang sun glasses kong nasa taas ng noo ko. Mamaya na lang siguro kapag inantok ako. Susubukan kong umidlip dito sa labas tutal ay hindi na masakit ang sikat ng araw sa balat at ang sarap pang pakinggan ng pagtama ng alon sa buhanginan.
But I looked back at the villa behind me. Iniwan ko roon sa kwarto ni Yale. May kausap ito sa phone at dinig kong galing sa opisina lang niya ang tumawag. Hindi na ako nakinig dahil hindi naman interesting. Parang may dumating yatang VIP guest sa hotel niya at nagka-casino. Hinahanap siya pero dahil wala siya roon ay tumawag ang taga hotel sa kanya. Secretary niya siguro iyon. May binibilin siya at seryoso mag usap.
Bumuntong hininga ako at nilipat ulit ang atensyon sa libro. Kakasimula ko pa lang sa binabasa. Palipat lipat ang naiisip ko. Hindi mapirme ang utak ko kaya kung minsan ay lumalampas ang paningin ko sa kulay asul na dagat. I wore my white shorts and yellow halter top blouse na fit na fit sa katawan ko. Nilugay ko ang buhok ko. I didn’t wear any jewelries except sa gold wedding band sa daliri ko.
Ang sarap sanang magtampisaw sa tubig kaso meron ako kaya hindi kumportable sa akin. Ayoko namang mag extend pa kami rito para lang mag swimming sa isla nila. Sa ibang pagkakataon na lang siguro. Or sa pool nila sa mansyon pag uwi namin.
I was chewing my lower lip when I remember him this morning. Nauuna siyang nagigising sa akin. Pagmulat ko, nakatayo si Yale sa may glasswall na wala nang kurtina. Walang pang itaas pero nakapantalong maong. Hindi nakabutones. Nataas lang ang zipper. I saw the upper part of his ‘v’ and his muscled abdomen. Hawak niya ang cellphone at seryoso ang mukha habang may tina-type roon.
Sinasagot na kaya niya ang chat ni Bianca? Ano kayang sinagot niya? Did he tell her he’s already married so she should stop texting him at midnight? Kasi parang hindi magandang tingnan?
BINABASA MO ANG
Lips Of A Warrior (De Silva Series #5)
RomanceIto ang karugtong nang naiwan sa Racing Hearts (De Silva Series #5) Sana magustuhan po ninyo. Labyu!