Chapter 49

34K 2.2K 1.5K
                                    

“Search me, God, and know my heart; test me and know my anxious thoughts. See if there is any offensive way in me, and lead me in the way everlasting.” – Psalms 139:23-24

**

Chapter 49

Deanne 

Hindi pa ako umiyak nang ganito sa buong buhay ko. 

Umalis ang natitirang customer ng café. Maagang nagsara si Alex. Bini-breastfeed ni Bianca ang kanilang anak na si Eloise sa opisina. Si Jena ay tinatapos siguro ang trabaho sa kusina at kasama niya roon si Tyro. It was me, Dylan and Alex who left outside. 

Umupo ako ulit. Nanatili silang nakatayo at nakikiramdam sa akin. Pareho siguro silang nag aalala sa akin. 

Tinanong ako ni Dylan kung kailangan kong pumunta sa ospital para magpa-checkup. Umiling ako. Ni ayokong humakbang sa sobrang paghihina ko. Na para bang naubos ang lakas ko nang isa isahin kong maalala ang nakaraan ko. Lalo na iyong mga huling taon bago kami ikasal ni Yale.

“Do you want me to… call him?” 

“’Wag.” 

He never asks that again. But Alex sighed heavily. I understood that as his protest.

Dumami ang tao sa labas dahil sa nangyaring aksidente. Sa mismong tapat ng café at ilang hakbang papunta sa glasswall. Ambulansya, police car at tow truck ang natanaw ko. Ang rescue ay naroon din. 

“Gusto mong kumain?” Dylan asked again. 

“Wala akong gana.”

May ilang beses na isang tanong, isang sagot kami ng kambal ko. Nararamdaman ko ang pag-aalala niya pero hindi niya ginigiit ang dapat kong gawin. 

Halos kalahating minuto ang lumipas bago nailabas ang driver ng sumalpok na kotse. Inihiga sa stretcher at binigyan ng paunang lunas. Ang sabi ni Dylan ay ‘wag kong tingnan. Kahit nakapaligid ang mga tao o kahit hawiin sila ng mga pulis, kitang kita ko pa rin ang duguang katawan ng lalaki. 

I remembered myself. Nangilabot ako. Sa huli, hindi ko natagalan ang tagpong iyon. Pinasok sa ambulansya ang lalaki. Nilamig ako. Binalingan ko ulit ang ambulansya at tumayo. Pagkasara ng pinto, sumerena iyon at umalis. 

“Si Rock!”

Ang madilim na mukha ni Dylan at nahawi pagkasabi ko no’n sa kanya.

“Ang alin?” he shot back.

Lumapit si Alex sa glasswall para tingnang maigi ang nangyayari sa labas. Siguro ay kilala niya rin ang bunsong kapatid ni Yale. Hindi nila napansin. Bukod sa naliligo sa sariling dugo si Rock, nasa akin pa ang kanilang atensyon. 

“Si Rock ‘yung binaba sa kotse! Siya ‘yung naaksidente!” now, my voice started to quiver. I lost count of how many times I repeated that. 

Lumabas ako at tinanong ang mga pulis para makumpirma ko. Nakuha nila sa loob ng kotse ang Identification Card ni Rock. Pinakilala ko ang sariling hipag nito. Sinabi nilang subukan kong puntahan ito sa pinakamalapit na ospital dito. Sa MCU hospital.

Nagpasalamat ako at tumalikod. Kasunod ko sina Dylan at Alex. Hinawakan ako ni Dylan sa braso kaya hindi ako agad nakakilos para kunin ang bag ko sa café. 

“Hindi ka pa okay, Deanne. Magpahinga ka muna.” May diin niyang sabi. 

Tiningnan ko siya ng deretso sa mata. “I’m fine. But I have to see him now.” 

“Pwede mong gawin bukas. Kababalik pa lang ng alaala mo. ‘Wag mong pagurin nang husto ang katawan at isip mo.”

“I’m pretty sure I can take care of myself. Don’t worry. Hospital din ang pupuntahan ko.” my last straw to convince him. 

Lips Of A Warrior (De Silva Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon