“Blessed is the one, who does not walk in step with the wicked or stand in the way that sinners take or sit in the company of mockers,” – Psalms 1:1 NIV
**
Chapter 24
Deanne
For the meantime, I did whatever I can to be a legit wife to Yale Montevista. I meant to be productive and useful para walang masabi sa akin ang pamilya niya. Saka ko uunti untiin ang pagkuha ng detalye sa kanilang mga plano.
I figured, they must be extra careful now that I am living with them. Hindi naman nila ako agad na matatanggap na kabilang. But. . . there’s a possibility na gawin din nila akong kakuntyaba.
Napag isipan ko rin iyon. What if, I accidentally heard their next plans. Then, as Yale’s wife, he would include me. At aakto akong kaanib nila. It would be risky but mas madali iyon, ‘di ba? Mas malaya kong malalaman ang kanilang susunod na hakbang. That should be my main goal now.
Pero sa ngayon, kailangan kong magkaroon ng silbi sa kanilang mansyon at kumilos na asawa sa panganay na Montevista.
“Mam Deanne, dumating na po ang delivery galing furniture shop!” excited na balita sa akin ni Vee.
I bought new furniture para sa master’s bedroom. Nag shopping ako ng bagong side table, table and chairs at katamtamang laki ng L-shaped couch na ilalagay ko sa corner sa tabi ng pinto ng veranda. I also changed the curtains and put vases with real flowers in it. Pinagdi-design ko ang bulaklak na binibigay sa akin ni Yale araw araw. Inaalagaan ko rin para humaba ang buhay. Dahil doon nagkabuhay din ang kanyang kwarto.
Binuhat ng tauhan nina Yale ang pinamili ko. Inaakyat na iyon sa hagdanan nang lumabas sina Manang Soledad at mama Rosalinda galing sa study. Kita sa mukha ng biyenan ko ang mangha at kuryoso sa bagong biling furniture.
Tumikhim ako. Nakatayo ako sa baba ng hagdanan dahil sinu-supervise ko ang ginagawa.
“These are for our room, mama. I made some changes po.” inunahan ko na siya sa pagtatanong. As much as possible, ginagawa kong magiliw ang pakikipag usap sa kanya.
Bumagsak ang panga niya. “Alam ba ito ng asawa mo, hija?”
I smiled, “S’yempre po, mama.”
Binigay pa nga ni Yale ang debit card niya sa akin. Na may bilin: “Bilhin mo lahat ng gusto mo.” Kaya ganito ang ginawa ko. Sariling pera ko sana ang gagamitin ko pero nang ipagpaalam ko sa kanya ang aatupagin ko, hindi siya pumayag.
“And what are you going to do with the old furniture?”
“Ipapalagay ko po sa storage room.”
Namilog ang mata niya. “Pinayagan ka ni Yale na gawin ‘yon?!”
I tilted my head and remembered his reaction to me.
“Yes, mama. Why?”
Nag alala ako. Baka may sentimental value sa kanya ang mga lumang gamit sa master’s bedroom. Hindi ko naman itatapon, e. Kahit papaano ay may pakielam pa rin ako sa mga pinaglumaang gamit. The De Silva’s old mansion has so much antiques owned by my grandparents. Tinago rin iyon at inaalagan pa rin. Some memories are to be preserved.
“Don’t worry po. I’ll make sure na maayos po ang pagtatago sa storage. Titingnan ko po iyon.” I promised to her.
Inayos nito ang mga siko sa armrest ng kanyang wheelchair at bumuntong hininga.
“Sana hija ay kinunsulta mo rin ako na aalisin mo ang dating gamit sa master’s bedroom. Nang lumipat naman si Yale roon ay hindi niya pinakaelaman ang gamit na binili pa ng papa niya.”
BINABASA MO ANG
Lips Of A Warrior (De Silva Series #5)
RomanceIto ang karugtong nang naiwan sa Racing Hearts (De Silva Series #5) Sana magustuhan po ninyo. Labyu!