Chapter 41

27.1K 2K 1.1K
                                    

“The LORD is my shepherd, I lack nothing. He makes me lie down in green pastures, he leads me beside quiet waters,” -- Psalms 23:1-2

**

Chapter 41

Bianca

It was a gloomy morning. Maagang nagtrabaho si Alex. Right after he was done with his breakfast, nagpaalam na itong aalis. Iyong lugar ng bahay na pupuntahan niya ngayon, ay malapit sa home address ni Vanessa. 

“Dito ka ba magtatanghalian?” tiningnan ko ang likod niya na parang iyon ang kausap ko.

He stopped and looked back over his shoulder. He sighed, “Sa hapunan na lang.” then walked away. 

Sinundan ko siya ng tingin habang hawak ang basahan na ipangpupunas ko sa mesa. He then closed the door. Isang beses akong bumuntong hininga. 

Ginugol ko ang oras sa pag aalaga sa anak namin. Sa gawaing bahay—naglinis ako, nag redecorate, nagluto at kung anu ano, para lang matawid ang mga oras na wala siya habang alam kong malapit lang sila ni Vanessa sa isa’t isa. 

Dapat ay hindi ko na iniintindi ang pwedeng magawa ng babaeng iyon sa buhay naming mag asawa. Diniretsa na siya ni Alex. Kung ang pagbabatayan ko ay ang huling beses na nakita ko silang nag usap, hindi ko kailangang magamba at magselos. 

Lalo na ang magselos. Si Vanessa lang ang mapilit. At si Alex ay binibigyan ng importansya ang pamilya namin. 

Pero… lalaki si Alex. Maaari ring… matukso…

Kumapit ako sa sandalan ng upuan nang biglang kumirot ang ulo ko. Pumintig na para bang may naghihingalong ugat. Pumikit ako at pinadaan ang maiksing sakit. 

Sa isang malabong tagpo, marahan akong naglalakad at nakatingin sa kwartong hindi nakalapat ang pinto. I heard moans and unadulterated words coming from there. Sa pagbigkas pa lang, may ideya na ako sa kung ano ang nangyayari sa loob. 

The image was clouded but I saw a man and a woman having sexual intercourse. Namilog ang mga mata ko sa dalawang pares na naghahalikan. The scene wasn’t pleasant for me. Parang may mali roon o sa akin mismo. 

Umatras ako at tumalikod. Kumaripas ako ng takbo paalis sa bahay na iyon. I didn’t see the faces clearly. Sino ba ang mga iyon? 

Bumuti rin ang ulo ko kalaunan. Isa siguro iyon sa mga pangyayari sa nakaraan ko na bumalik pero hindi ko nakikilala ang mga tauhan. At nagawang kong sumilip sa dalawang taong… kinilabutan ako.

“Mama, pwede po ba tayo lumabas mamaya?” 

Katatapos ko lang paliguan si Joaquin. Ngumiti ako. 

“Saan mo naman gustong pumunta? Akala ko panonoorin mo ulit ‘yun?” sabay kong turo sa DVD sa ibabaw ng player nito. 

Isang beses siyang sumuluyap doon tapos binalik sa akin ang paningin. 

“Mas gusto ko pong mamulot ng shells, mama.” 

Sinuot ko sa kanya ang kanyang shorts at sandong puti.

“Pero wala ang papa mo. Hindi tayo pwedeng umalis nang hindi niya alam. Mag aalala ‘yun.” 

Sinuklay ko ang buhok niya at nangingiti ako sa pagnguso niya habang napapaisip. It didn’t take long to comb his soft and short hair. Hinawakan ko ang kamay niya at tiningnan siya nang deretso sa mga mata. 

“Your father is going to be worried if we leave the house without telling him. Hindi ba, si papa mo ay nagpapaalam din bago umalis?”

Marahan itong tumango. 

Lips Of A Warrior (De Silva Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon