“He has caused his wonders to be remembered; the LORD is gracious and compassionate.” – Psalms 111:4
**
Chapter 43
Deanne
Si Dylan ay parang lalaking hindi napapagod at tila alam ang lahat ng gagawin. Madali niya kaming nailipad mula Corcuera patungong Manila. Marami itong tinatawagan at halos nag uutos siya para sa paglapag namin sa pupuntahan. It felt like he had everything equipped and in just one call, it will all be accomplished for him.
On the other hand, palaging nakamasid si Ruth sa asawa. Tahimik na nakikinig at kung minsan ay nagtitinginan sila nang hindi nag uusap. I had the idea that even if Dylan looks so powerful and resourceful, Ruth still has a much power over him.
At hindi ko mapigilang mangiti sandali. Ang sarap nilang pagmasdan na dalawa. Ang isa ko pang binagabag ay…
“Are you pregnant, Ruth?”
Nasa sasakyan kami patungo sa bahay ng mga magulang namin ay hindi ko talaga mapigilang ibalewala ang nararamdaman ko para sa kanya. Bukod sa paminsan minsan niyang haplos sa tiyan, si Dylan ay nahuli kong bumaba ang mata nito sa tiyan niya.
Umawang ang labi niya at bahagyang nanlaki ang mata. Kalaunan, nilagay niya ulit ang kamay sa ibabaw ng tiyan bago tumango sa akin. Sinulyapan niya si Joaquin na nakatulog sa dibdib ko.
I smiled at her. “Congratulations. Unang baby niyo?”
She nodded again. “Panganay namin, ate.”
“You look radiant.” Nalusaw ang ngiti ko at nag alala bigla sa kanya. “Ipinaalam mo ba sa doctor mo na lilipad sa Simara? Did you ask for a go-signal? Sana pala ay sinabi mo agad na buntis ka. Paano kung… oh my. Hindi ka ba na-stress sa bahay? Dapat ay hindi ka na sumama kay Dylan,”
Bumuntong hininga ito at ginagap ang kamay ko. “I am healthy, ate Deanne. Sinuguro iyon ng OB ko. At saka… hindi rin papayag ang asawa ko kung may problema sa pinagbubuntis ko.”
I sighed. “It seems like you’re a strong woman, Ruth. Not just physically. I can feel that. Thank you.”
“Kilalang kilala mo ako, ate. Tinungo namin ang Corcuera para kay Bianca Alvarez. Hindi namin alam na ikaw pala ang madadatnan namin doon. Alam ng Lolo Leon ‘yon,”
Niyuko niya ang kanyang bag at binuksan iyon. Nilabas niya ang isang puting sobre at binigay sa akin. Sa labas ay nakasulat ang pangalan ko. Ang ginamit kong pangalan sa Corcuera.
Tinitigan ko iyon. Bianca Alvarez. Ordinaryong pangalan at apelyido kung tutuusin at pwede ring may kapangalan ako. Pinili ba iyon ni Yale dahil tunog ordinaryo? Siguro.
“Ngayon, napapaisip ako kung paano niya ako binigyan ng ibang pangalan. Pero kung para makalayo sa mata ninyo, hindi na ako magtataka kung bakit niya iyon ginawa. May libingan pa kami sabi ni Dylan.” sinulyapan ko si Dylan na natahimik na nakaupo sa harap. Alam kong naririnig niya kami.
Ruth also looked at him. Hindi ko muna binasa ang sulat. Wala akong dalang kahit na ano maliban sa suot ko. Kaya sinuksok ko na lang bulsa at niyakap si Joaquin.
Binalingan ako ulit si Ruth. “Mga maleta na puno ng pera ang nakalibing doon, ate Deanne. Noong una ay inakala kong kay Lolo ‘yon,”
Nagsalubong ang mga kilay kong nilingon siya. “Hindi ba iyon sa kanya? Kanino?”
Kumalampag na naman ang dibdib ko. She didn’t answer me right away and remained quiet. What does it mean?
Nilingon kami ni Dylan at parehong tiningnan. He sighed. “Saka niyo na pag usapan ang bagay na ‘yan. Hindi naman kailangan.”
BINABASA MO ANG
Lips Of A Warrior (De Silva Series #5)
RomanceIto ang karugtong nang naiwan sa Racing Hearts (De Silva Series #5) Sana magustuhan po ninyo. Labyu!