“The arrogant cannot stand in your presence. You hate all who do wrong; you destroy those who tell lies. The bloodthirsty and deceitful you, LORD, detest.”—Psalms 5: 5-6
**
Chapter 27
Deanne
Sinu sino ang nakakaalam na may secret room sa study?
Kung may nakatago roong maraming pera, hindi maaaring ipagbigay alam iyon sa kanilang mga tauhan.
Sigurado akong alam niya iyon. Pati rin ba ng dalawa niyang kapatid at ni mama Rosalinda?
But one thing is for sure, my husband knew about it. He was aware of that big sum of money!
Why would he do that? Were banks not enough to deposit those? Impossible. He was a businessman, my gosh. He must know that money earns interest from it. But then, why did he choose to stack up paper bills in their mansion?
For what? Extra cash?! C’mon. Mayaman din ang dad ko pero sigurado akong hindi siya nagtatago ng ganoong amount sa mansyon namin. Pwede pa iyong mabulok or what. It was freaking ridiculous!
Lumuhod ulit ako sa sahig kahit kumirot ang gitna ng mga hita ko para silipin ulit ang laman ng malaking box. I just made sure what I had found was real money. Na hindi ako namalikmata. At ganoon pa rin ang nakita ko. The box was full of paper bills.
Nang gumalaw si Yale sa kama, agad akong tumayo at bumalik sa tabi niya. His arm automatically found me and hugged me tighter. Nakatulog siya ulit nang yumakap ako sa kanya. While I wasn’t able to sleep right away. Puno pa rin ako ng kuryosidad sa nadiskubre ko.
But. . . being a member of a notorious gang, kataka taka pa ba iyon?
Magliliwanag na nang magising ako sa mainit na haplos ni Yale sa balakang ko. Nasa master bedroom na kami. Binuhat niya ako nang magising ito no’ng ako naman ang papatulog na. At hindi pa man ako nakakatulog nang mahaba ay nagising ako sa kanyang mababaw na halik at yapos sa katawan ko.
I was never a slave of kisses. But when it comes to him, para akong dinidilaan ng apoy sa kada dikit ng labi at kamay niya sa akin. Shallow kisses that ended up in hot making love. Sa loob nang magdamang ay dalawang beses naulit ang pagtatalik namin. Naririnig ko na ang malayong tilaok ng manok nang hayaan niya akong makatulog ulit.
Alas dies kinse na ang sunod kong gising. Tulog pa rin si Yale sa tabi ko. Pareho naming hindi nakuhang magbihis kaninang madaling araw at tanging kumot na puti ang nakapatong sa aming dalawa. Hawak niya ang kanang hita ko sa kanyang baywang. Tanda kong, siya ang nagtaas ng hita ko sa kanya at sadyang pinagdidikit ang ‘amin.’ It was very sensual and hot but I personally found it intimate and sweet. Na para bang ayaw na ayaw niyang lumalayo ang hubad naming mga katawan sa isa’t isa.
Humilig ako sa kanyang dibdib. He has thin hair on his chest. Banayad ko iyong hinahaplos at napapangiti ako. Then, I looked up at his handsome face. Magaan kong kinamot ang panga niyang may stubble pa. I scratched my nails, like a mannerism, back and forth as I stared leisurely at his sleeping face.
He was just inches away from my lips. I badly wanted to kiss that brave lips who made me a woman last night. But I didn’t want to deprive him of rest. Uminom ito kagabi at tiyak kong antok na antok. Linggo naman ngayon kaya okay lang.
Ngayon, malaya ko siyang natititigan. Malayang nahahawakan. Nadidinig ko ang tibok ng puso niya. Nadarama ko ang init sa kanyang balat. We were both very naked and free to touch each other. I loved watching him sleeping peacefully. Bahagyang magkahiwalay ang labi. At bawat parte ng katawan niya ay nakikita ko.
Ang isip ko, sinisigaw na mali ang ginagawa ko. Pinapatayo na ako palayo sa kanya.
Pero ang puso ko… kabaliktaran ang sinasabi.
BINABASA MO ANG
Lips Of A Warrior (De Silva Series #5)
RomanceIto ang karugtong nang naiwan sa Racing Hearts (De Silva Series #5) Sana magustuhan po ninyo. Labyu!