“The Lord is righteous in everything he does; he is filled with kindness. He fulfills the desires of those who fear him; he hears their cries for help and rescues them.” – Psalm 145:17, 19 NLT
**
Chapter 13
Deanne
“Aba’t talagang napakayabang mo rin, ano?”
“Dylan!”
Tinaas ni Dad ang kanang kamay bilang signal kay Dylan na huwag sugurin si Yale. Nilingon ko ang apat na tauhan niyang dala. Hindi sila makalapit dahil pigil ng mas maraming tauhan ni Dad. At nang tingnan ko ulit si Yale, hinihingal ito pero matapang pa rin kung makatingin kay Dad na nasa harap niya.
“I’ve been honest to you, Sir, Ma’am,”
He glanced at my mother. Sighed and looked back again at my father.
“Handa po akong pakasalan si Deanne. Sa kahit saang simbahan. Pakakasalan ko po siya kahit hindi niyo ako nahuling hinahagkan siya.”
Nervously, I stared at my father. Mas lalong hindi inalis ni Dad ang paninitig kay Yale.
“Bakit naman kami papayag pakasalan mo ang kapatid ko? Pwede naman kitang pabagsakin bilang ganti.”
“Enough, Dylan. You’re not helping this.” Mom finally threw glares at him.
But Dylan still scoffed. “But Mom?”
“Pumasok ka sa loob.” turo ni Mom sa mansyon.
“What? No. Dad?”
Still, hindi pa rin inaalis ni Dad ang tingin kay Yale. Kaya hindi niya sinagot si Dylan.
“Doon ka na.”
“Sumama ka.”
“Ayoko nga.”
Binalingan ko si Yale. Hinila ako ni Dylan sa braso pero pinanatili ko ang mga paa sa lupa. Hindi ako aalis dito at baka kung anong mangyari. Kahit narito si Mom. Kapag galit na galit si Dad . . . baka may mangyaring masama kay Yale.
Hindi lang iyon. Yale is a gang member. Malapit kay Napoleon Salviejo.
“Mom? Dad?” untag ko sa kanila.
Nag aalalang tiningala ni Mommy si Daddy. “Let’s talk about this in a calm way, Johann.” She touches his face. He sighed and looked down at Mom. “Let’s get inside and talk.”
“Kunin niyo ‘yan at papasukin sa loob.” utos ni Dylan sa mga tauhan.
Hinampas ko siya sa braso. Umigtad siya at matalim akong binalingan.
“Tumigil ka na nga. Kanina ka pa, e.”
“Umakyat ka na rin sa kwarto mo. Tapos na ang pesteng ligawan na ‘to!”
Nanggigil ang mga kamay kong gusto siyang sabunutan at kurutin ang mukha. Bwisit talaga. Sobrang pakielamero at matabil ang dila. Kaya siguro hindi niya mapasagot si Ruth dahil sa kayabangan at kagaspangan ng ugali.
“Hindi ikaw ang masusunod dito.”
He scoffed and pointed at me.
“Ako ang mas nauna sa ‘yo. Ako ang mas matanda sa ‘yo. Kaya ako susundin mo!”
“Don’t shout at her.”
Parehas kami ni Dylan na napabaling sa sinabi ni Yale. My lips literally parted after I found Yale’s angry stares at my twin brother. Ngumisi pa si Dylan at humalukipkip. Tila nang iinis na hinarap si Yale.
BINABASA MO ANG
Lips Of A Warrior (De Silva Series #5)
RomanceIto ang karugtong nang naiwan sa Racing Hearts (De Silva Series #5) Sana magustuhan po ninyo. Labyu!