“I called to the LORD, who is worthy of praise, and I have been saved from my enemies.” – Psalms 18:3
**
Chapter 35
Deanne
“Hello, Dylan?”
Nanatili akong nakatayo at mas pinili ko iyon dahil sa matinding kaba. Umikot sa likod ko si Yale. Tumama ang likod ko sa kanya dahil sa paghapit niya sa baywang ko. He buried his nose and lips on my neck so I needed to crane on the side like as if I giving him all the access.
But which I did. Pero alam kong ginawa niya iyon para bantayan ang usapan namin ng kambal ko.
“Alam mo, Deanne, kaunting araw na lang ay susugurin na kita d’yan. Ang tagal kitang hindi nakakausap. Sumasagot ka naman sa text ko pero parang ang weird mo.”
Yale started inhaling my skin and it bothering me. Si Dylan naman ay inis at galit sa linya at walang kaalam alam sa nangyayari sa akin dito.
“Busy ako. Bakit?”
“Mukha ngang sobrang busy ka r’yan. Nakalimutan mo kami, e.”
Kinagat ako ni Yale na siyang nagpaigtad sa akin kaya nakawala ang balikat ko sa ngipin niya. Binalingan ko siya, at nahuli kong nakangisi ito.
“B-Bakit ka tumawag?” wala sa loob kong tanong dahil sa panggugulo ni Yale sa isip ko… at katawan.
“Nasabi ko na sa ‘yo sa text, ha?”
Natigilan ako. Ano’ng text? Wala akong nababasa dahil ilang linggo na akong walang cellphone. So, I pretended that I forgot it.
“Magpo-propose ako kay Ruth…”
I gasped.
“Sa mismong araw ng graduation niya.”
“Oh, shit! Ow, sorry!” gulat kong bulalas. Napatakip ako ng bibig kaya kunot noo akong pinagmasdan ni Yale.
“Oh shit, right? But I’m not sorry. Been wanting her for so long, sis.”
He chuckled but I could feel his nervousness underlying in his voice.
“Uh, sorry for that, Dylan. But I didn’t—wow! Sa wakas at nakakuha ka rin ng tamang tyempo. Dapat matagal mo nang pinakitang may tinatago kang sweetness sa katawan mo kay Ruth. At baka matagal nang naging kayo.”
“I don’t even know how to begin to woo her. Takot din ako, okay? I’m always thinking about Auntie Jahcia and Uncle Matt. They don’t want her to be hurt again after what I did in the party…”
I sighed and nodded. “Kung hindi ko naiisip na malakas si Ruth ay baka tuluyan na siyang nawala sa atin. Well, you deserve all the hate she has for you, bro. You need to make it up for her and paint red all the pain you’d caused her. Alisin mo na lahat ng hidden agenda mo bago ka mag-propose sa kanya. Ako ang tatadyak sa ‘yo kapag pinahiya mo na naman si Ruthie, Dylan.” I was sincere about it.
“There’s no need to fuss, sis. All I want this time is her to be my wife and nothing else. I want to give our parents grandchildren and spoil them for rest of their lives.”
Tumawa rin ako. Pero ako muna ang unang magbibigay ng apo, bro. Hindi ko na iyon sinabi dahil may naisip akong plano.
“At sisiguruduhin kong matitiris sa landas ko ang Leonard na ‘yan. I know my babe doesn’t like that monkey.”
Kinagat ko ang labi at pasimpleng sinulyapan si Yale. Nagkatinginan kaming dalawa. Nilipat ko ang cellphone sa kabilang tainga para lumayo nang kaunti sa kanya. Alam kong naririnig niya ang sinasabi ni Dylan kahit panay ang halik niya sa leeg. His purpose was to listen and warn me. But I don’t have any plan of dropping my real status here in the mansion. Not because I found myself pregnant with Yale’s baby but for more higher reason.
BINABASA MO ANG
Lips Of A Warrior (De Silva Series #5)
RomanceIto ang karugtong nang naiwan sa Racing Hearts (De Silva Series #5) Sana magustuhan po ninyo. Labyu!