“He strengthens the bars of your gates and blesses your people within you. He grants peace to your borders and satisfies you with the finest of wheat.” – Psalms 147:13-14
**
Chapter 48
Deanne
The busy street of Caloocan City added to the slamming of my heart in my chest. Lahat ng kalyeng nilusutan ni Dylan ay parang butas na palaging barado. Kamuntik kaming masita ng traffic enforcer. But then, it was rush hour. Everyone was eager to go home.
Except us. Most especially myself.
Ako na ang nagyaya na pumunta roon. Hindi sumasagot sa tawag ang girlfriend ni Tyro. And from the look on his face, he seems disturbed about that.
“She never fails to answer my calls. Kahit busy siya,” he looked down on his phone and texted her instead.
She still didn’t reply.
At saka kami nagpaalam sa mga magulang namin na aalis. Hinabilin ko sandali si Joaquin kay mom kung sakaling ma-late ako ng uwi. While my twin brother called his wife. Sumakay ako sa sasakyan ni Dylan. Si Tyro ay nangako namang susunduin ang mga magulang sa mansyon pagkatapos ma-check ang girlfriend niya sa café. So, Tita Alee and Tito Tyler would stay with my parents until dinner.
Dylan was looking so frantic as I was. Pero kaya kong itago ang malakas na kabog sa dibdib ko.
“Sigurado kayang nandito sa Caloocan at wala sa main branch? Ang traffic,”
“Unahin natin kung saan ako pumupunta. Doon din nagtatatrabaho si Jena.”
Kunot noo niya akong sinulyapan. Inis itong umungol nang may nag overtake sa kanyang kotse.
“Yeah, I know. Nakapunta na ako roon. Ruth used to live in Valenzuela.”
“Alam mo ‘yung café ni Alexander?” why didn’t he tell me?
He sighed. “Sinabi mo sa akin noon ang kaibigan mong may café. Pero hindi ko personal na kilala ang Alexander Alvarez na ‘yan. Hindi lahat ng kaibigan mo ay kaibigan ko rin. Plus, doon sa café na ‘yon sinaktan ni Dawn si Ruth. Dumugo ang ilong niya sa babaeng ‘yon.”
“What?!”
“But you punched her face, too. Nagkapasa ang mukha niya dahil doon at saka… I made a little revenge to her.”
“Ano’ng ginawa mo kay Dawn?”
“It wasn’t that big. Just… a simple one. Nagalit ako sa pananakit niya kay Ruth at sa ‘yo.”
“So, ano nga?”
He quieted for a while. Nakatingin ako sa kanya hanggang sa iparada nito sa gilid ang kanyang sasakyan. He looked at me but he almost avoiding my eyes. Kinamot niya ang sintido at bumuntong hininga.
“Nilabas ko ang secret affair niya.”
“Secret?”
He hissed and surrendered his words. “Hays! She had an illicit affair with a married man! Pinakunan ko sila ng litratong pumapasok hotel at pinadala ko sa asawa ng boyfriend niya. They were also seen kissing and necking in the car before that. Binalita sa aking pinahiya siya sa pinapasukan niyang kumpanya at nag resign. Hanggang doon lang ang nalaman ko! Okay na?”
Natahimik ako sandali. In-absorb ang detalyeng ang sabi niya ay maliit lang. Hindi iyon mukhang maliit lang.
“But Dawn is my best friend…”
“Was! Walang taong magkakagusto sa boyfriend ng bestfriend niya.”
“Ha?” I tilted my head for that additional information.
BINABASA MO ANG
Lips Of A Warrior (De Silva Series #5)
RomanceIto ang karugtong nang naiwan sa Racing Hearts (De Silva Series #5) Sana magustuhan po ninyo. Labyu!