Epilogue Part I

31.2K 1.8K 558
                                    

TRIGGER WARNING! This chapter contains scene depicting self-harm. This content might be disturbing and traumatizing. Reader discretion is highly advised.

--

“For the LORD takes delight in his people; he crowns the humble with victory. Let his faithful people rejoice in this honor and sing for joy on their beds.”—Psalms 149:4-5

--

Epilogue

Part I of II

Yale

Mukhang masarap iyong lechong manok na nakahain sa mesa. Katabi ang nakabukang bangus na may kamatis sa gitna ng hinating katawan. Nakalimutan ko ang tawag doon kahit nagtanong ako kay Manang Soledad. Si Manang ang punong abala palagi sa pagluluto ng pagkain namin dito sa bahay. Hindi nagluluto ang mama ko. Palagi niyang inuutusan si Manang Soledad sa kung ano ang lulutuin at bibilhin tapos ay aalis na ito. Nakapagluto na noon si mama pero sa tagal ay halos nakalimutan ko na ang bersyon niya ng tinolang manok. Ang timpla na lang ni Manang Soledad ang malinaw sa isipan ko’t panlasa. 

Sinundan ko ang serbidorang nagbaba ng isang bilaong Pansit Malabon. Wala na ang balot s’yempre. May mga maliliit na hiwa ng karne at hiniwang itlog sa ibabaw ng kulay orange na pansit. Lumabas sa kusina si Manang Soledad, inayos ang lechong manok, at saka nilapag ang hugis oblong na plato na may lumpiang shanghai. Lumapit ang serbidora sa kanya na may dala naman ng bowl ng sinigang na baka. 

“Yung kanin at juice ay ilabas na rin.” Utos ni Manang Soledad sa serbidora. 

“Ang fruit salad po?”

“Mamaya na iyon at mawawala ang lamig kapag inihain agad. Ayaw ni madam nang ganoon.”

“Masusunod po.” tumalikod ito at tumungong kusina. 

Pinagmasdan ko ang arrangement ng mesa. Ilang beses pang inayos ni Manang ang plato at mga kubyertos na para bang nawawala ito sa alignment. Ngumiti ako. Minsan ko nang hiniling na sana… ay si Manang Soledad ang tunay kong mama. Walang kaso sa akin kung siya nga. Dahil mabait siya at maalaga sa aming tatlong magkakapatid. Pero kapag naaalala ko si mama ay binabawi ko ang naisip. Mahal ko pa rin ang mama ko. At alam kong mahal niya rin kami. Mahirap lang paniwalaan dahil hindi niya madalas pinapakita sa aming mahal niya rin kami. Binibigay niya ang mga gusto namin. Nag-aaral kami sa pribadong paaralan. Binibigyan ng malaking allowance. Kung sa panlabas na aspeto, hindi siya nagkukulang. Sila ni papa ay magarbo at galante sa amin. Kaya wala akong masyadong masabing masama sa mga magulang ko. 

Pero… nakakaramdam ako ng kalungkutan sa pag-iisa ko. Naku-curious ako. Sa eskwela, sinusundo ng mga magulang ang mga kaklase ko. Ako, sinusundo ng family driver namin. Gusto ko ring maranasang sunduin nina papa at mama sa eskwela. Kaso sa dami ng trabaho sa hotel ay hindi iyon magagawa ni papa. Ang mama ko naman ay pagod galing sa pagdalo ng party sa gabi at madalas ay umaalis ito para mag-shopping o mag-travel. Walang time para sunduin kami gayong may nakatoka namang driver para sa aming tatlo. 

“Nasaan ang mga kapatid mo, Yale?”

Kumurap kurap ako. Bumalik ako sa reyalidad. Gumanda ulit ang kapaligiran ko. At ang pakiramdam ko. Nakangiti si Manang Soledad. 

“Nasa taas pa po,” mabagal kong sagot. 

“Luto na ang lahat ng pagkain. Nakahain na rito. Ang mabuti pa ay tawagin mo na sila.”

Mabagal ulit akong tumango. “May okasyon po ba ngayon, Manang?”

“Oh, bakit mo natanong, Yale?” nilingon niya ang mesa na parang may hinain doong kakaiba. 

“Ang dami po kasing pagkain.”

Bigla siyang tumawa at kinurot ang pisngi ko. “Nagtataka ka pa rin? Alam mo namang ganito na palagi ang gusto ng mama mong bilang ng pagkain. Maraming putahe at dapat maganda ang presentasyon sa mesa.”

Lips Of A Warrior (De Silva Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon