Chapter 39

32.1K 1.9K 1.3K
                                    

“In my distress I called to the LORD; I cried to my God for help. From his temple he heard my voice; my cry came before him, into his ears.” – Psalms 18:6

**

Chapter 39

Bianca

Dahil wala namang masyadong facility sa ospital, maraming pasyente at wala namang nakitang emergency sa mga laboratory test, na-discharge na rin ako ng hapong iyon. But the doctor recommended, na pumunta kami sa mas malaking ospital para matingnan pa akong mabuti. Kumalat ang pagkasugod ko sa ospital sa lugar namin.

Sa bahay ay isa isa kaming dinalaw ng mga kakilala at mga kaibigan namin. Pinahiga ako ni Alex sa kwarto para makapagpahinga. Nang sinabi kong igagawa ko sila ng maiinom ay agad niya akong pinigilan. Si Pepita ang nag asikaso kung may kailangan ang mga bumisita sa akin. Pati sina Aling Zenaida ay dumalaw din para kumustahin ako. 

Siguro, kailangan kong maging mas maingat ngayon. Natakot ako nang maramdaman ang pananakit ng ulo ko na umabot sa pagkahimatay ko. Maybe, the fight that we had triggered my condition. Hanggang hindi pa ako nakakaalala, hindi pa ako tuluyang magaling.

“Ang sabi naman ni doc, maaaring may nakasama sa ‘yo kaya sumakit ang ulo mo. Hindi ka naman nauntog o naaksidente na kinapalo niyan. Iyon ang sagot ni Alex sa tumingin sa ‘yo, ha. Akala nga namin ay dadalhin ka niya sa ibang ospital. Halos hindi siya makausap nang matino.”

Nakatayo ako sa bintana ng kwarto at umiinom ng tubig. Kinukwento nila sa akin ang nangyari noong wala pa akong malay. Pinakita kong kaya ko kaya hinayaan nila akong makinig. Si Alex ay nasa labas at kausap ang ibang kaibigan niya. 

Hindi ko alam ang sasabihin ko malibang nahihiya akong nakagawa nang ganitong eksena. Nalaman kong humingi ng tulong si Alex sa mga kapitbahay namin para madala ako sa ospital tapos ay kailangan pa niya ng titingin kay Joaquin. Mabuti na lang ay agad na pumunta sina Pepita para tumulong. 

My head was fine now. Puyat ako nitong nakaraang gabi at baka naging dahilan din iyon ng pagsakit ng ulo ko. 

“Ako ang naiiyak sa itsura ni Alex kanina. Nasigawan pa niya ‘yung isang nurse kasi ‘di ka agad naasikaso.” 

Lumingon ako kay Pepita. “Hindi ko alam. Sana… nakahingi ako ng dispensa.” 

“Ay ‘wag mo nang intindihin ‘yon. Ang mahalaga ay magaling ka na.” nakangiting sabi ni Mel. 

Sandali ko lang siyang tiningnan at lumingon na sa labas. Isang kulay puting kotse ang pumarada sa tabi ng bakod at bumaba ang babaeng driver no’n. Nanatili akong nakatingin sa imahe niya at bagong damit niyang suot. 

Suminghap si Pepita sabay lingon sa akin. Hinawi ni Mel ang kurtina at sumilip din. 

“Ang kapal talaga ng mukha ng bruhang ‘yan. Nakuha pang dumayo rito.” 

“E, bakit naligaw ‘yan?” usisa ni Pepita. 

Tinitigan ko nang masama ang tuloy tuloy na pagpasok ni Vanessa Owens sa bakuran namin. Binati siya ng ilang naroon at gumanti ito ng ngiti. She looked sexy with her little dress. Plain white na sleeveless at hanggang taas ng tuhod ang palda. She wears her shining jewelries in every part of her body. At puro mamahalin. Para siyang naglalakad na Pawnshop. 

Kumislap ang mata niya sa isang tiningnan at ngumiti nang matamis. 

Hinila ako ni Pepita palayo sa bintana. Kinuha naman ni Mel ang hawak kong baso. 

“O baka sumakit na naman ang ulo mo, Bianca. Nandito pa kami. Kami ang bahala sa ‘yo. Relax ka lang.”

Sinarado ni Mel ang pinto ng kwarto. Medyo tumahimik sa sala pagpasok ni Vanessa. 

Lips Of A Warrior (De Silva Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon