Chapter 31

28.8K 1.7K 1.1K
                                    

“The LORD looks down from heaven on all mankind to see if there are any who understand, any who seek God.” – Psalms 14:2

**

Chapter 31

Deanne 

Para akong sinusuntok sa dibdib habang malamig akong tinititigan ni Yale. Ang liwanag na galing sa siwang ng pinto sa study ang tangi naming ilaw pero nababakas ang kawalan nito ng buhay sa mata habang nakatitig sa mukha ko. 

Nakaramdam ako ng pinaghalong takot at lungkot. At para akong matataranta nang itago niya phone ko at akusahan akong nagmamatyag sa kanila.

Akusa, Deanne? It was true. Nahuli ka na niya!

Nang simulan kong gawin ang tunay na pakay sa pagpapakasal sa isang Montevista, ang tapang tapang ko dahil alam kong kakayanin ko. Nariyan sina Dad at Dylan. Sina Uncle Reynald at Uncle Matteo. Ang buong angkan ng De Silva ay nakasuporta sa akin at handang sumaklolo sa oras ng panganib. 

Ang handang handa ako. Gagawin ko ito para sa kambal ko dahil gusto ko siyang maging maligaya kasama si Ruth. Na kung hindi malaking banta ang mga Montevista ay baka walang gugulo sa kanilang dalawa at hindi ko kailangang magpakasal. 

But Yale liked me. Hindi ko na sinayang ang pagkakataong iyon. 

Everything went too abrupt. I know. Pero walang dapat masayang na panahon. We investigated him. I knew him from the very start. I met him accidentally. He wooed me and confidently stated that he liked me even if Grey was still my boyfriend back then. He courted me and proposed to marry me. 

Walang kahirap hirap akong nakapasok sa kanilang mansyon. Nakasama at nakilala ko ang mga kapatid niya at ina. But the part when I started to fall in love with him… wasn’t really part of my job. I shouldn’t fall in love. I shouldn’t give myself in him. I should’ve tied my heart and avoided the braveness of his lips but… falling in love was my weakness in this battle. 

I was caught guilty. And now he looked… lifeless as I felt the coldest in his eyes towards me.

Pinagbihis niya muna ako bago pinababa ulit sa study. Kaharap ang mama niya at ni Leonard. Madalim pa rin sa labas at tahimik ang kabahayan pero hindi ang dibdib ko. Mag isa akong nakaupo sa sofa. Ang mama niya ay malapit sa nakasaradong pinto. Si Leonard ay nakapamulsa at nakasandal ang likod sa shelf. 

Pinagmamasdan nila ako.

Nakahalukipkip si Yale. Nakaupo sa edge ng mesa at walang imik akong tinititigan sa kinauupuan ko. Nasa kanya pa rin ang cellphone ko. Hindi siya nagsasalita kahit ilang beses siyang kinausap ng mama niya. Tumikhim si Leonard.

“So, anong gagawin natin sa kanya, kuya?” 

Kanina pa ako nakayuko kaya hindi nila nakita ang pagmilog ng mata ko pagtanong ni Leonard. Tumawa si mama Rosalinda. 

“Bakit kailangan mo pang itanong ‘yan, hijo? Ano ba ang ginagawa sa taong traydor? At ang lakas pa ng loob ng babaeng itong mag spy sa pamilya natin. Mukha hindi niya tayo nakikilala…”

I looked at her and my teeth gritted. Patuya pa niya akong nginitian na parang sa wakas ay malaya na niyang magagawa iyon.

“I can commend her bravery but she’s a De Silva, mama. Anak ni Johann de Silva ‘yan. Pangalan pa lang, kilalang kilala na. Idagdag pa ang malawak na impluwensya ng pamilya nila.”

“Para namang minamaliit mo ang pagiging Montevista mo, hijo. Mga anak kayo ni Fidel na miyembro ng Blue Rose. Ano’ng magagawa ng mga De Silva sa atin, ha?”

I chinned up and smirked at her. “Marami po. Sa oras na malaman ng dad ko ang nangyayaring ito sa akin, hindi ko maipapangakong maisasalba niyo pa ang lahat ng meron kayo.”

Lips Of A Warrior (De Silva Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon