“Tremble and do not sin; when you are on your beds, search your hearts and be silent. Offer the sacrifices of the righteous and trust in the LORD.” – Psalms 4:4-5
**
Chapter 26
Deanne
Pagpasok ko sa mansyon, hindi klaro ang isipan ko kung saan ang tungo ko. Umupo ako sa sala. Pumunta ako sa study. Aakyat sana ako sa kwarto pero minabuti kong pumuntang kusina at baka may kailangang ayusin doon.
Pero pagdating ko roon ay dumeretso ako sa fridge. Nagsalin ako ng tubig sa baso at pinangalahatian ang laman. Nagmamadaling pumasok si Yale nang nakatitig sa akin. I gulped and felt the rapid beat of my heart.
His lips parted and was moist. Bahagya itong may guhit ng pag aalala sa mukha.
“Are you okay?” halos bulong niyang tanong.
Kusang nag alisan ang naritong kasambahay nang magsalita siya. Tumalikod ako dala ang baso. Hindi ko na iyon magawang inuman dahil sa sabog sabog na kabang nararamdaman ng dibdib ko. Baka mabulunan pa ako kapag inubos ko ang tubig.
“Bumalik ka na ro’n. Okay lang ako,” sabi ko. Para hindi sila magtaka o pag usapan pa kami.
Binuksan ko ang gripo at tinapat doon ang baso. Hinugasan ko na rin at binalik sa tauban.
I heard him sigh. Kahit hindi ko siya nakikita, nararamdaman ko ang paglapit niya sa likod ko na para bang may mata ako sa likod ng ulo ko. He then held my arms in a light way. Para bang takot siyang diinan ang kamay sa balat ko.
“Love. . .”
I didn’t know myself at this moment. Ang tanging umiikot sa isip ko ay ang mga mata at salita ni Yale na hindi ko magawang gawing laro o biro. Bakit ba hindi? Sinasabi niya lang iyon para may ipangyabang sa angkan niya. Sa umpisa ng buhay mag asawa, natural ang ganitong eksena. Kasi bago pa nga, ‘di ba? Kumbaga, playful pa sa marriage life. Wala pa sa puntong nalulusaw na ang sweetness. . . sa isang taong katulad niya.
Because, I am a witness of how my parents adored, respected and loved each other. At ang parents ko lang ang alam kong may ganoong uri ng pagmamahal sa isa’t isa. What I knew about this Montevista was they are a billion times far different from them.
Marahan niya akong hinarap. Nilagay ko ang dalawang kamay sa edge ng lababo. Tinaas niya ang baba ko para makita ang mata ko. I wanted to refuse looking at him but it didn’t happen. I then sighed and stared at his sober eyes.
Namumula ang mukha niya. Malamlam ang mga mata na parang naiiyak pero dala lang iyon ng pagkalasing niya at amoy ko iyon sa hininga niya.
“Okay lang. Lumabas ka na ro’n,”
“But why am I feeling you’re lying, hm?” he whispered.
He moved closer and closer I almost forgot to breathe.
“You are mad at me.”
“Hindi.”
“Yes, you are, love.”
Masamang tingin ang ginawad ko sa kanya. “Oh, bakit natutuwa ka pa?”
He did smile. Damn it. He looked so good. . .
Sa inis, hinampas ko siya sa dibdib. Inirapan ko siya nang sinundan niya iyon ng mahinang tawa. He tilted his head again to see my angry face.
“Yale nga!”
He chuckled. “Why are your lips moved so sexy everytime you’re saying my name? What’s your secret to make me fall deeply for you, huh?”
I stared at him and didn’t answer that.
BINABASA MO ANG
Lips Of A Warrior (De Silva Series #5)
RomanceIto ang karugtong nang naiwan sa Racing Hearts (De Silva Series #5) Sana magustuhan po ninyo. Labyu!