“I take joy in doing your will my God, for your law is written in my heart.” – Psalm 40:8 NLT
**
Chapter 10
Deanne
As soon as I went into my room, I charged my phone beside my bed. I sat on the edge and a little ghast checked it. Sandamakmak ang laman ng inbok ko. Halos kalahati ng mga bagong text ay galing kay Dylan. Sa dami ay hinayaan ko munang huwag basahin dahil iyon ‘yung nasa party pa ako ni Carl.
Marami rin akong missed calls. Kaya halos masaid ang battery ng phone ko. Ilang beses akong tinawagan ni Dylan. Ang nag iisang number na hindi nakarehistro ay ang kanina lang na tawag ni Yale. This is his number. I stared at it like as if it’s going to speak to me. I smirked then registered his number.
“Yale M.” –ang pangalan niya sa akin.
Tinitigan ko ulit iyon. Hindi ako makapaniwalang magagawa niyang hingin ang number ko sa harap ni Dad. Hindi lang malakas ang loob niya. Matapang pa. Iyong mga manliligaw ko noon ay halos magkandautal utal kapag kinausap ni Dad. Si Yale hindi ko alam kung saan humuhugot ng tapang. He is . . . new. He is . . . something.
Maybe it’s in their blood. Matatapang. Gaya na lang ng pakikisapi ng ama niya sa Blue Rose. Baka ganoon nga.
After he left, sunud sunod na pumasok sa study room ni Dad sina Uncle. Agad niyang pinatawag ulit si Dylan para sa meeting na gagawin. Humabol ako roon at tahimik na nakinig. Naroon din si Nick at Dean. Pero ang ibang mga pinsan ko ay mas piniling tumambay muna sa Theater room kasama sina Mommy.
Dumating din si Dylan. I caught him glaring at me like as if may kasalanan ako rito. Humalukipkip ako at inirapan siya.
“It’s not okay na nagugustuhan ng Montevista’ng ‘to si Deanne. Kuya Johann, hindi ba dapat ay pagsabihan mo agad ang binatang ‘yon na layuan ang anak mo? Lumabas sa imbestigasyon ninyo na kaanib ang ama niya sa gang ni Napoleon Salviejo. Paano si Ruth?”
“Ruth is mine, Uncle.”
We all looked at my brother who is sitting on the edge of table and displaying an evil look on his face. I smirked after I felt his huge possessiveness over his girl. Hindi niya pipigilan ang sariling i-express ang nararamdaman kay Ruth kahit pa kay Uncle Reynald.
“Nahihirapan ka pa rin sa anak ko, hijo.” Uncle Matteo said.
Nick chuckled. Iyon ang tanging naging ingay sa study room matapos siyang tingnan nang masama ni Dylan. Minasahe ni Uncle Matt ang kanyang panga at umiling.
“My daughter is in chaos situation. Ofcourse, ayokong mapunta siya sa Yale na ‘yan. Unang impression ko pa lang sa kanya, halatang may tinatago. It’s either he wants two women or he doesn’t like Ruth that much to marry. But knowing na walang kaalam alam ng anak ko rito, mas lalo akong nanggagalaiti sa Lolo niya.”
“Leave Ruth to me, Uncle. Ako pong bahala sa kanya. Hindi siya malalapitan ng Yale na ‘yan,”
“Besides, mukhang wala pong balak pakasalan ni Yale si Ruth.” I suddenly voiced out.
Tinaasan ako ng kilay ng kambal ko. “Alam kong maganda ka, Deanne. Pero hindi pahuhuli r’yan si Ruth,”
I tilted my head. I stared at him with paints of seriousness all over my face. Anong tingin nito sa akin? Nagbubuhat ng sariling bangko?
“Narinig ko silang pinag uusapan si Ruth mo, brother. Inuwi niya ako sa mansyon niya, remember?”
His mocking face turned into worry. My gosh. His reaction of everything towards Ruth is so obvious. Para bang hangin na kanyang hinihingahan ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Lips Of A Warrior (De Silva Series #5)
RomanceIto ang karugtong nang naiwan sa Racing Hearts (De Silva Series #5) Sana magustuhan po ninyo. Labyu!