Chapter 15

24.3K 1.4K 822
                                    

“The LORD will work out his plans for my life—for your faithful love, O Lord, endures forever.” – Psalm 138:8 NLT

**

Chapter 15 

Deanne 

Ilang beses kong pinagsabihan ang sariling kumalma. Nagpatuloy ang pag uusap at plano sa kasal pero dumadagundong ang dibdib ko. 

“May . . . balak ba kayong bumukod, Yale?” mahinahong tanong ni Mom. 

Ramdam kong pinagpapawisan ang palad kong hawak pa ni Yale. I couldn’t even say anything other than feeling the loud terror beat of my heart. Ano ba itong napasukan ko? Nakaligtaan ko ang honeymoon pagkatapos ng kasal. Dammit!

Kanino ako hihingi ng tulong? If ever man, paano ako tutulungan? Gaano ka effective ang magdahilan para hindi ko . . . makasiping si Yale? Knowing that make love is part of marriage. Naku. Nalintikan na. 

“Meron po, Ma’am Aaliyah. Hihingin ko po si Deanne ng ideya sa bahay na gusto niyang tirhan. Like Sir Johann, my fiancée is going to be my home for the rest of my life . . .”

I suppressed myself not to roll up my eyes. Pinag alayan pa ako nito ng buhay niya. Gaano katotoo naman kaya ‘yan? Bukod sa alam ko ang history ng pamilya niya, aba e, kakakilala pa lang namin. Is it possible to love someone that much even if you have just met recently? For me, it’s so unreal. 

Let us be honest. Siguro, kung nagtagal ang panliligaw niya sa akin, baka kapani paniwala pa. Pero hindi, e. Isang beses niya lang ginawa tapos engaged na kami agad. Ofcourse, sang-ayon ako r’yan. I have plan, too. Sa kanya, mahal na niya ako kaagad? He got blinded by his own desires. This was just the work of his lustful wants to have me. At iyon ang nakaligtaan ko!

Honeymoon . . . 

Sa isla pa! Makakatakas ako kung nasa siyudad o ibang bansa. Pero sa isla? Shit. Para akong na-corner doon! 

I tried to look at my twin. Pero seryoso nitong pinapanood si Yale na kausap si Mommy. Mukhang hindi pa aware sa pinuproblema ko. I tried to have my parents’s eyes but they are also focused on Yale. I sighed. Umayos ako ng upo at tila hinahatak ang paningin kong tiningnan si Mrs. Rosalinda Montevista. 

Nakatingin pala siya sa akin. Hindi lang masyadong halata pero kakaiba ang hatid ng mata niya habang pinagmamasdan ako. Para bang hinuhulma o sinusuri ako sa ayos na iyon. 

Later on, I realized that kind of gaze. Hindi curiosity. Hindi amusement. She’s studying me. Hindi siya kumukurap. It’s like, she’s trying to poison me by watching me intently until I die. 

Tiningnan ko sina Leonard at Rock. They are quiet and firmly listening to their older brother. I see that they respect him even if their secret plan isn’t working anymore. Suddenly, Leonard’s eyes turned to me. Hindi siya ngumiti o ngumisi tulad ng inaasahan ko. Tiningnan niya lang ako nang . . . malamig. 

Binalikan ko si Mrs. Rosalinda. Ganoon pa rin ang mukha niya. 

Binalingan ko si Leonard. He’s not changing, too. 

Parang sekreto akong pinagtutulungan ng mag ina. 

Kung ganoon . . . tumikhim ako. Umupo ako ng tuwid. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Yale. Gamit ang kabilang kamay, kinapit ko iyon sa braso niya at humawak doon na para ba akong mabubuwal. Umusod pa ako sa tabi niya at nilapit ang mukha sa kanyang balikat na parang ihihiga ko ang pisngi roon pero hindi. Bahagya lang akong sumiksik doon. 

I purposely shows to them what I am doing. Yale is holding me tightly. I am his now. 

Naramdaman ni Yale ang munti kong pagsiksik sa kanya kaya nilingon niya ako. Nginitian at mas hinaplos ang daliri niya sa balat ko. Nginitian ko rin siya pabalik. Ngiting alam kong siya ay nasa panig ko at pinagmamalaki ko iyon sa Mama niya at kay Leonard. 

Lips Of A Warrior (De Silva Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon