Chapter 5

190K 1.8K 52
                                        

CELINE'S POV

Monday. Start na naman ng busy week here at school.

Pagbaba ko ng kotse, natanaw ko na agad ang gate na mapupuno na ng girls na parang hindi mapakali sa mga pwesto nila. Parang may inaabangan sila eh.

Ano'ng meron ? May darating ba ? May celebrity ? Pulitiko ? Hmm .. Malabo yung huli. Kasi, sa hitsura pa lang ng mga babaeng to, walang interes na mag-aabang kapag pulitiko ang dadating.

Mukhang celebrity nga.

Para na ngang mga bubuyog sa sobrang ingay.

"$hit ! I can't wait to see him !" sabi ng isa.

"I wanna see his abs !" singit ng isa.

"He's so sexy kapag topless kaya !" saka nagtilian.

Napakunot-noo ako pero nagtuloy-tuloy na lang ako papasok ng gate. Halatang male celebrity ang dadating. Abs daw eh.

Papunta na ako ng cafeteria gaya ng napag-usapan namin ni Patrice. Gagawin kasi namin yung activity namin sa accounting.

Pero laking gulat ko ng makita ko si Pat, patakbo sakin na nakangiti abot hanggang tenga.

"Ceeeelllliiiiinnnneeee !" tawag sakin. Parang ang tagal naming hindi nagkita sa reaction niya ah. Ano'ng meron ba ?

"What ?!" taranta kong tanong pagkatapos niya akong yakapin.

Kumawala ito at parang bulate na kinikilig. Ano bang nangyayari sa best friend ko ? Yung mga babae kanina sa gate, parang may sapi. Nahawaan ba siya ? Eh napaka-aligaga niya eh.

"Oh my god ! O H M Y G O O D N E S S !" sabay tili. Grabe, hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko. Naghe-hesterical na si Patrice. Dalhin ko na kaya to sa clinic ?

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at pinigilan.

"Pat, inhale .. exhale first. Please." sabi ko. Sumunod naman to. Hindi naman mahirap pakiusapan ang isang to.

"Okay ka na ba ?"

Tumango siya.

"So what's happening right now ? Are you okay ? Are you not feeling well ? You want to go to the clinic to check you up ?"

Napangiwi ito sabay kurot sa tagiliran ko.

"Ouch !" grabe talaga mangurot tong babae na to.

"Sobra ka naman ! Wala akong sakit, no !"

Kunot-noo ako.

"Then, what ? Tell me, I'm getting worried. Para ka kasing sinasapian eh."

"Ano ka ba, Celine. Don't you forget ? It's Monday ..."

Yah, I know it's Monday pero, ano'ng meron ? It's just an ordinary school day. Busy day.

"And ? ..." I'm waiting for her answer.

"... dadating na si Jared !" sabay tili. Halos mabingi na ako sa lakas ng boses niya. Yung ibang students, napapatingin na samin. Tsk. Tsk.

Ganito ba talaga ang bestfriend ko kapag may crush ? 3 years na kaming magkaibigan pero, hindi talaga siya nagbabago.

Tingnan mo, parang bulate kung kiligin. Ang gaslaw.

You Are Mine (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon