Chapter 35

130K 1.2K 38
                                    

JARED'S POV

Nalingon ko si Celine na nakatanaw sa bintana ng eroplano. 13 hours kaming babyahe bago makarating sa first stop namin, ang France.

She's now wearing the dress I bought for her.

Napisil ko ang hawak-hawak ko na kamay niya, at saka hinalikan.

Nalingon niya ako. At nangitian.

"You really look lovely in that dress."

"Really ?"

Tumango ako.

"Can you tell me now what's your secret ?"

Natawa ako. "Baby, pagdating na natin dun. Wag kang excited." at hinalikan ko siya. Hindi naman niya ako binigo because she kissed me back.


"Ang daya mo naman eh."

"Hindi ako madaya, no. Sinabi ko na yun sa yo kanina."

She pouted. And there, she's getting cute again.

Asawa ko na ba talaga tong babaeng to

Yung dating inaasar ko lang, ngayon asawa ko na ?

Fvck. Naalala ko kanina yung hitsura niya habang naka-wedding gown siya, parang anghel lang na pinadala para patinuin ako, eh. Sobrang ganda niya eh. Wala akong masabi.

Napangiti ako at nakabig siya. Naihilig ni Celine ang ulo niya sa balikat ko.

"Baby ... "

"Bakit ?"

"... hindi ka na babalik kay James, di ba ?"

Natingala niya ako. At umiling.

And I smiled. Sapat na sakin yun para malamang, hindi siya aalis sa tabi ko. Na hindi niya ako iiwan.

Hindi ko ma-imagine na wala si Celine sa buhay ko, lalo pa ngayon na kasal na kaming dalawa. Hindi ko maisip na magkasama sila ni James, after 3 months. Kaya nakapag-desisyon na ako, hindi ko na tatapusin ang relasyon namin. Hindi na mangyayari ang 3 months na pinag-usapan namin.

I kissed her hair, at yumakap sa kanya.

"Sleep now. Mahaba pa ang byahe natin."

Hindi na ako makapaghintay na, makarating sa France. Sinabi ko naman kasing babawi ako sa kanya. I can't wait to see her reaction after doing all those that I have planned to do.

***
CELINE'S POV

"Baby, wake up na. Malapit ng maglanding yung eroplano."

Mukha ni Shaun ang bumungad sakin pagmulat ko ng mga mata ko. Napangiti ako agad.

He's so handsome, kahit saang anggulo mo tingnan.

"I'm sorry, naidlip ako."

"It's okay. Kahit ako, nakatulod din. Mas nauna nga lang akong nagising sa yo."

Hindi ko maiwasang matuwa nung dampian niya ako ng halik sa ilong ko.

"Wake up now, pretty lady." at ipinagdikit niya pa ang mga ilong namin.

"Oo na po. Gigising na." at umayos na ng upo. Nakahilig kasi ako sa dibdib ni Shaun nung makatulog ako kanina hanggang ngayon.

He smiled boyishly.


"Are you ready for our honeymoon ?"

Honeymoon nga pala namin kaya kami magkasama ngayon. Tapos may sikreto pa siya with Patrice na ayaw niyang sabihin. Pagdating na lang daw namin. Nakakainis naman tong lalaki na to.

You Are Mine (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon