Chapter 53

110K 1K 76
                                        

JARED'SPOV

Nauna akong magising kay Celine. Napangiti ako ng masilayan ko ang mukha niya. Maybe this is the best part of waking up. Seeing her angelic face in front of me. Ang sarap talagang matulog sa tabi ng babaeng to.

At mas lalong masarap ang gising ko dahil bati na kami. Nalinawan na siya, at alam kong, matututo na siya sa susunod, lalo na at magkakaroon na kami ng babies.

After 9 months, may little jared and celine na kami.

At excited na rin akong ibalita ang good news sa mga oldies. Atat na kasi ang mga iyon sa apo.

What if I make a surprise tomorrow ? ... Sa school ? Would that be a great idea ?

Lalong lumawak ang pagkakangiti ko. I know she will definitely like it.


Marahan akong bumangon at kinuha ang cellphone, saka tinawagan ang isang flower shop.

"Thankyou for calling Fragrance flower shop."

"Hello ... This is Jared Monteverde. I would like to make a surprise for my wife tomorrow and I need to have a bunch of flowers. Can you help ME with that ?"

"We'll be willing to help you with your surprise, Mr. Monteverde. Just give us the details para mapagplanuhan na."

Napangiti ako.

"Sure ..." and I started to talk about my plan ng ...

"Shaun ... ? Shaun ... ?" narinig ko na ang boses ng asawa ko. Gising na yata siya. Pumunta kasi ako sa tabi ng bintana, para hindi masyadong maingay.

Nasilip ko si Celine sa kama, nakaupo na at palinga-linga, malamang, hinahanap nga ako.

"... Hold on a second." sabi ko sa kausap ko.

"Baby, I'm here. May kausap lang ako saglit." tawag ko sa kanya.

Nalingon niya ako. At nginitian ko siya. Pero sinimangutan niya lang ako. Ano na namang problema ? Bagong gising, nakasimangot agad ? Napakunot noo ako, at muli siyang humiga, saka tumalikod sakin.

Ano na namang kasalanan ko ? Tsk. Tsk. Napakamot ako ng ulo, at itinuloy na ang pakikipag-usap sa staff ng flower shop.

Minadali ko na din dahil, kailangan ko agad amuhin ang buntis. Mukhang may mood swing si misis.


Ganon ba talaga kapag buntis ?

Laging mainit ang ulo ?

I hurriedly ended the call after we talked.

Sumampa ako sa kama at iniharap siya.

"Baby ... Ano na namang problema ? Okay na tayo di ba ? Bakit nakasimangot ka naman agad ?"

Natingnan niya ako.

"Sino na namang kausap mo ? Baka naman, babae na naman yan."

Nagseselos ? Napangiti ako.

"Eh paano kung babae nga ?"

"Eh di dun ka na ! Alis !" at hinampas ng unan ang mukha ko sabay talikod sakin.

Aba naman ! Hindi man lang pinatapos yung paliwanag ko ?

Nagalit agad ? Nagpalit ako ng pwesto. Bumaba ako sa kama, at tumungo sa kabilang side, saka humarap sa kanya.

At ngayon, iniirapan na niya ako.

"Ano ba ..." reklamo niya at sinubukang tumalikod sakin pero pinigilan ko ang balikat niya.

"Baby ... I just need to talk to someone who can help me about my surprise for you, later."

At doon nagbago ang reaksyon ng mukha niya.

You Are Mine (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon