CELINE'S POV
Finals na rin, sa wakas. Pagkatapos ng finals, graduation na namin. Gagraduate na kami nila Pat at Shaun.
Alam ko kung gaano kahirap ang mag-aral, at isang malaking achievement para sa isang estudyante ang makapagtapos.
Kung kakamustahin niyo si Shaun after nung incident sa resort, well. Araw-araw pa rin akong naiinlove sa asawa ko. Araw-araw siyang gumagawa ng mga kakilig-kilig na the moves.
At kung ako naman ang tatanungin niyo ? Pasumpong-sumpong pa rin ang pagkahilo at pagsusuka ko. Hindi ko nga alam kung ano'ng problema. Masyado lang yata akong stress sa pagre-review.
"Celine, are you okay ? Bakit parang ang tamlay mo ngayon ?" takang tanong ni Patrice nung matapos ang 2nd examination namin.
Nalingon ko siya.
"I don't know, Pat. Parang kanina pa ako nahihilo. Kumain naman ako ng breakfast, eh."
Kunot-noo siya.
"Ano'ng nangyayari sa yo ? Parang ilang araw na yang, hilo mo ah. Nagpa-check up ka na ba ?"
Umiling ako.
"No, it's nothing. Baka pagod lang ako."
"Bakit, gabi-gabi ka bang pinapagod ni Jared ?" sabay tawa.
Doon ako napangiti.
"Sira ! Ang dami mo talagang kalokohan, no."
"Siguro, totoo no ? Naku ... Teka, ayaw mo bang tawagan ko na lang si Jared ? For sure, mag-aalala yun sa yo."
"That's why there's no need to call him. Over pa naman yun. And I'm okay, you don't have to worry about me. Bumaba na lang muna tayo."
Mabuti naman at nabawasan na ang pag-aalala ng best friend ko.
"O sige, sabi mo yan, ha. O tara na. Punta na muna tayo ng cafeteria."
At tumayo kaming dalawa saka lumabas ng classroom.
***
Hindi naman talaga si Celine ang ipinunta ni Claire dito. Pero, nakita na rin naman niya ito, why not talk to her and say hi ?
She smiled. At nilapitan si Celine, kasama ang kaibigan nito.
Halata niya ang pagkagulat nito ng makita siya. Papunta yata ang mga ito ng cafeteria.
"Hi, Celine !" bati niya sa dito.
Matagal bago magsalita si Celine
"C-Claire ..." sabi nito.
"Yes, ako nga." nakangiting sabi niya.
"Ikaw yung nanggulo sa reception nun, di ba ? Why are you here ?" mataray na tanong ng kasama nito.
Napataas ang kilay niya.
"Excuse me ? ... Am I talking to you ? Wala akong panahon sa flashback mo, my dear. Anyway, I just came here for Jared. Did you see him ?"
Doon nagbago ang reaksyon ni Celine.at ikinakasaya niya ang reaksyon ng karibal niya pagkatapos niyang sabihin yun. As if, takot na takot ito sa pwedeng mangyari, pilit lang nitong tinatago ang nararamdaman kahit obvious naman.
Gusto niyang matawa sa pagkukunwari ng pinakaiinisan niyang babae.
Alam niyang threatened sa kanya si Celine, at alam na alam rin niyang mas maganda kasi siya kesa dito at hindi malabong hindi ulit mahulog ang loob ni Jared sa kanya.
BINABASA MO ANG
You Are Mine (Published Under LIB)
RomanceAkala niya, siya na ang pinakamaswerteng tao sa buong mundo. Pero ng malaman niyang nage-exist pa pala yung fix marriage, ito na ang pinakamalas na nangyari sa buhay niya. Pero malas nga ba ? Ikasal ka ba naman sa isang irrisistable, handsome, hot a...
