Napangiti silang mag-asawa ng masilayan na ang mga Monteverde na nakaupo sa right side ng napag-usapan nilang meeting place. After 3 months, muli silang nagkita.
"They still look good together." puri ni Jane De Asis. Tumango naman ang asawa.
Napangiti ang dalawang pares na nakaupo ng makita na sila. Tumayo ang mga ito ng makalapit na sila sa kinaroroonan ng mga ito. Nagbeso-beso ang dalawang ginang samantalang nagyakap naman ang dalawang ginoo. Minabuti nilang sa Peninsula Manila na lang sila mag-meet tutal naman, pareho itong malapit sa mga mansyon ng dalawang pamilya.
"You're still pretty, Jane. You've never change. We've missed you !" sabi ni Jasmin Monteverde.
"I missed you, too Jas ! Wag kang mambola dahil ikaw, maganda ka rin." tugon ni Jane.
Natawa ang dalawang ginoo.
"Masyado naman yatang nagbobolahan tong mga misis natin, pare." natatawang sabi ni Sonny Monteverde.
"Oo nga eh. Why won't we sit down and eat first ?" suggestion ni Christopher De Asis at doon sila nagtawanang apat.
Umorder sila for dinner. Kamustahan at kwentuhan.
Best friends sila Jane and Jasmin simula pa lang nung college days nila. Kaya naging friends na rin ang kani-kanilang mga asawa na sila Sonny at Christopher. Ngayon lang muling nagkita ang apat dahil ang mag-asawang Monteverde ay galing sa Europe para sa isang business deal.
At ngayong nandito na sila, gaya nga ng napag-usapan nila noon pa, they need to settle down their plan. Itatayo na kasi ang bagong business nila 3 months from now.
"How's Celine ? Nakausap niyo na ba siya ? Did she agreed ?" tanong ni Jasmin.
"Not yet, Jas. Tomorrow, kakausapin na namin siya. Medyo busy rin kasi siya sa school. Lately, sa condo niya siya umuuwi." si Jane.
"Papayag naman kaya siya ? You know from the start, we wanted her for our son. I believe he can make Jared a better person. Mapapatino niya ang anak namin." sabi ni Sonny.
"Yes. Tama si Sonny. Isa pa, gusto ko talaga siya para kay Jared. Gusto ko siya ang manugang ko, ang magiging mommy ng mga grandchildren natin." sang-ayon ni Jasmin.
Ngumiti ang mag-asawa.
"Don't worry Jasmin. We will do everything to convince her. Isa pa, wala na rin naman siyang magagawa. It's for her own good." paninigurado ni Jane.
Natingnan ni Christopher ang asawa.
"Masunurin namang bata yon." sabi niya.
Ngumiti ng malapad si Mrs. Monteverde. Gustong-gusto talaga nito ang anak nila simula maliliit pa lamang ito. Si Celine ang itinadhana nila para kay Jared. Since they're young. Wala ng iba. At para na rin mag-expand pa ang dalawang malalaking kumpanya, kailangan rin nila ang mga anak nila. Kaya kailangan nilang gawin ito. Major companies ang hawak ng dalawang pamilya, so they need their help. Silang dalawa ang pahahawakin nila ng itatayong bagong business which will be here in Makati.
BINABASA MO ANG
You Are Mine (Published Under LIB)
RomanceAkala niya, siya na ang pinakamaswerteng tao sa buong mundo. Pero ng malaman niyang nage-exist pa pala yung fix marriage, ito na ang pinakamalas na nangyari sa buhay niya. Pero malas nga ba ? Ikasal ka ba naman sa isang irrisistable, handsome, hot a...
