Lalong gumanda si Celine sa paningin ni Patrice ng muli silang magkita pagkatapos ng 5 days honeymoon nito sa Europe.
Actually, kahapon pa sila dumating ni Jared from their trip, at kahit gustuhin man niyang puntahan agad sila sa bahay nila just to ask how are they, may jetlag pa ang mga ito kaya, dito na lang sila sa school nagkita.
At hindi niya talaga kayang iwasan na kiligin sa dalawa dahil mas lalo pa yatang nagiging sweet si Jared sa asawa. Simula kasi nung ipagkasundo silang dalawa para magpakasal, araw-araw ng hated sundo ni Jared ang bestfriend niya dito sa school.
And even now, hindi pa rin ito nagbabago.
And sometimes, she wondered if Jared will fall for her.
At kung titingnan niya ang kaibigan niya ngayon, walang dudang binubusog ito sweetness ni Jared.
At kung blooming siya noon bago umalis, mas lalo pa yatang naging blooming ang kaibigan niya.
Dahil kung makangiti, akala mo, nababaliw na eh.
"Here." at naiabot sa kanya ni Celine ang 3 paper bags.
"What's this ?" takang tanong niya.
She smiled.
"Eh di pasalubong mo ! Kunwari ka pa, eh !"
3 paper bags ?
"Eh bakit 3 ? Parang ang dami naman yata ." Hindi niya expected na 3 paper bags ang ibibigay sa kanya ni Celine. Kasi naman, victoria secret lang naman talaga ang gusto niya, exclusive from London. Eh dahil pumunta naman sila ng London that time, at gaya ng pangako sa kanya ni Jared dahil tinulungan niya ito, kaya natuwa siya !
"Ayaw mo ba ? O sige, bawiin ko na. Ayaw mo yata nung mga pasalubong ko sa yo, eh." at napasimangot.
"Talaga ? May pasalubong ka rin sakin ? Binilhan mo rin pala ako ?"
"Akala mo kasi si Shaun lang. Hmp."
Natawa siya. At yumakap sa matampuhing babaeng to.
"Eto naman o ! Best, don't be sad ! Hindi ko lang talaga expected na may bibilhin ka rin para sakin ! But thankyou very much ! Tuwang-tuwa kaya ako, kasi naalala mo pa rin ako kahit alam kong busog na busog ka na sa asawa mo !"
Agad itong humiwalay sa kanya at kitang-kitaniya kung gaano ka-pula yung mukha ni Celine.
Huli na naman tong babaeng to dahil nagets yata nito ang sinabi niya.
"Patrice ! Bakit ba ang sama-sama mo ? Tapos pinagkaisahan niyo pa ako ni Shaun nung honeymoon namin ? Talagang pumayag ka pa sa kalokohan niya !"
Oo nga pala, tungkol dun sa luggage ni Celine na puro nighties and lingerie lang ang pina-pack ni Jared.
Eh bongga naman yung kapalit eh.
Kaya pumayag na din siya.
Tsaka, wala namang masama dun. Gusto lang magpaka-seductive ni Jared para sa kanya.
Ang swerte-swerte talaga ng bestfriend niya.
Nasa kanya na ang pinaka-sexyng lalaki na nakilala niya, at ngayon, kasal na sila, galing pa sa honeymoon !
"Hindi mo ba na-appreciate yung surprise ni Jared sa yo ? Don't tell me, nagpaka-kj ka sa buong honeymoon trip niyo ?"
Alam kasi niyang dakilang KJ ang bestfriend niya.
"H-Hindi no." at napatungo ito.
"What ?! Talaga ?! So, may laman na ba yan ?! Magiging ninang na ba ako ?!" excited niyang tanong.
BINABASA MO ANG
You Are Mine (Published Under LIB)
RomanceAkala niya, siya na ang pinakamaswerteng tao sa buong mundo. Pero ng malaman niyang nage-exist pa pala yung fix marriage, ito na ang pinakamalas na nangyari sa buhay niya. Pero malas nga ba ? Ikasal ka ba naman sa isang irrisistable, handsome, hot a...
